Ibinahagi ni Ai-Ai delas Alas ang kanyang trabaho bilang activity director sa isang elderly facility sa San Francisco, California, USA.
Lagari rin ang Kapuso star dahil nagpe-perform siya sa mga show roon tuwing weekends.
Sa Amerika na nakabase ngayon ang komedyante subalit umuuwi siya sa Pilipinas kapag kinakailangan dahil sa kanyang showbiz commitments.
Read: Ai-Ai delas Alas, ibinunyag ang "secret life" niya sa Amerika
Sa live virtual interview sa kanya ng Kapuso morning program na Unang Hirit nitong Martes, July 11, 2023, ipinasilip niya ang kanyang workplace at ipinakita rin niya ang kanyang mga katrabaho at mga kasama.
Ayon kay Ai-Ai, may Filipino staff members din at iba-ibang lahi naman ang mga nurse doon.

Ai-Ai delas Alas and her officemates at an elderly facility in San Francisco, California
“Eto, pag yung every day na buhay ko, pumapasok ako as activity director.
“Pero pag kunwari Saturday and Sunday, may mga shows din ako, may mga upcoming shows ako and concert[s]. So, ganun ang buhay ko," sabi niya.
Read: 17 Filipino celebrity couples with big age gaps (female edition)
Bilang activity director, responsibilidad daw ng comedienne ang mag-isip ng mga aktibidad para sa elderly residents sa facility.
Sabi ni Ai-Ai ukol sa kanyang trabaho, “Ikaw yung mag-iisip dun sa mga residente kung ano yung gagawin nila na magiging masaya sila, like magbi-bingo sila.
“Meron ding mga kompyu-computer, kasi may point click, may care plan.”
Dagdag niya, “Nag-e-enjoy talaga ako. Siyempre, alam mo, iba yung fulfillment ng naglilingkod ka sa ating mga elders.”
Read: Ai-Ai delas Alas, nagpa-botox dahil sa kondisyong ito...
Pagdating naman sa bahay ay inaatupag daw niya ang paglilinis at paglalaba.
Binanggit ni Ai-Ai na nakatakda siyang bumalik sa Pilipinas sa Agosto, pero hindi niya sinabi kung gaano siya katagal mananatili rito.
