Hindi maitago ni Alden Richards ang excitement sa nagawa niyang pelikula katambal si Julia Montes, ang Five Break-Ups And A Romance.
Posible raw sa October ng taong ito ipapalabas ang pelikula kunsaan director si Irene Villamor (Sid & Aya: Not A Love Story, Meet Me In St. Gallen, and Camp Sawi).
Ayon kay Alden, "Napanood ko na po ang full film. Ayoko lang po kasing magbuhat ng bangko, but parang the best yon.
Posible kayang mahigitan nito ang na-achieve ng Hello, Love, Goodbye nila ni Kathryn Bernardo?
Sagot ni Alden: "Hindi ko po kini-claim yon. But of course, alam naman po natin kung ano yung nangyayari sa cinemas ngayon, yung condition ng Philippine cinema is still struggling.
"So, ako po, regardless of the box-office performance, I know that we have a great movie. It’s not a good movie, but a great movie."
ON NOT WANTING TO BE BOXED BY HIS LAST MOVIE
Aminado si Alden na may pressure na sundan ang tagumpay ng Hello, Love, Goodbye na ang kinita ay PHP881 million at may record na highest-grossing Filipino film of all time.
"Yung Hello, Love, Goodbye, iba naman din po kasi ang naging effect niya," saad ng aktor.
"Of course, comparison is always present, it’s always just right around the corner.
"Pero ganon po kasi, after po ng Hello, Love, Goodbye, di na po ako tumanggap ng mga offers. Kasi, natatakot po ako na baka maka-affect po sa akin.
"It’s a career decision. Siyempre, kung may tatanggapin ka, kung hindi man kapantay, yung higit pa sana."
Napagtanto niya hindi siya puwedeng magpakulong sa proyektong nakalipas na.
"Pero, medyo years has passed at tumagal na rin po ang hindi ko paggawa ng pelikula, na-miss ko po siya.
"And then, I was offered this script kaya sabi ko... For some reason, ganon siguro kapag relax ka lang sa buhay, padala ka lang sa agos.
"Kasi, hindi ko po pinag-isipan, nabasa ko ang script, maayos ang pagkakasulat."
Read: Liza Soberano reveals Hello, Love, Goodbye was first offered to LizQuen; Kathryn Bernardo fans react
DRAMA VEHICLE FOR ALDEN?
Kung sa Hello, Love, Goodbye ay may unfinished business ang karakter ni Alden na si Ethan, dito sa Five Break-Ups and a Romance ay may nakitang pagkakaiba ang aktor sa kanyang papel.
"Parang sa Hello, Love, Goodbye po kasi, hindi ko nakita ang sarili ko, yung character po. Pero, eto po ang ang matured version ni Ethan."
Dugtong ni Alden, "Dito po ako pinaka-emotional as an artist."
Ang pag-aaring kumpanya ni Alden na Myriad ay co-producer ng Five Break Ups and A Romance. Kasama rin ang Cornerstone at GMA Pictures.
"It’s my first venture in movies naman and ang sarap lang din po sa pakiramdam.
"After ko po siyang panoorin, two minutes po ako na hindi ko mapigilang umiyak kasi ang lalim."
Isa pang ipinagmalaki ni Alden ay ang pagbabalik sa pelikula ni Julia.
"Julia has not been very visible in the [movie] scene, so this is her comeback.
"Ganon lang, e, chill lang ang presentation, chill lang nang ginagawa namin ang pelikula.
"Nang mabuo... Parang ayoko lang po sanang magbuhat, pero panoorin niyo po."
Tapos na si Alden sa paggawa ng pelikula nila ni Julia.
Ang ongoing shooting niya ay ang pagsasama nila ni Sharon Cuneta para sa A Mother and Son’s Story, isa sa official entries sa Metro Manila Film Festival 2023.
Read: Kapuso Alden Richards says he never thought of transferring to another TV network
