PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Buboy Villar on Awra Briguela Brawl

Personally, Buboy says he avoids getting caught up in physical fights.
by Rachelle Siazon
Published Jul 12, 2023
Buboy Villar and Awra Briguela
Buboy Villar weighs in on Awra Briguela bar brawl incident and shares tips on how to avoid getting dragged into physical fights.
PHOTO/S: Rachelle Siazon / GMA News

Nahingan ng opinyon si Buboy Villar tungkol sa pagkasangkot ni Awra Briguela sa rambulan sa isang bar sa Makati City noong June 29, 2023.

Parehong artista sina Buboy, 25, at Awra, 19.

Read: Awra Briguela bar brawl incident: A timeline

Idiniin ni Buboy ang kahalagahan ng pagiging listo sa mga hindi inaasahang alitan sa kung sinumang nakakasalamuhang tao.

"Mag-iingat, of course. Siyempre, di ba, hindi natin masasabi na once kapag tayong magkakaibigan, hindi naman yan lahat goods, di ba?

"Hindi naman yan okay lahat," saad ni Buboy.

Dagdag ng Eat Bulaga! co-host, "So, mas magandang marunong din tayong mag-isip.

"Marunong din tayong umatras minsan para makita natin kung anong nangyayari para mas makapag-step forward tayo."

Umiiwas daw talaga si Buboy sa mga pagkakataong posible siyang mapasabak sa gulo.

"Opo, e. Kasi, ako po sobra. Lalo na po isa na po akong tatay, maingat po ako talaga.

"Ayoko na rin po ng, alam mo yun, ikasira ko pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Or kung ano man ang may ikakasakit ko pa, di ba? Ika-hospital ko pa, di ba?"

Importante raw sa kanya ang pagkakaroon ng disiplina kung saan ilalaan ang oras.

"May trabaho ako, di ba? May kailangan akong gawin. So, anong kailangan ko gawin? I-manage ko yung oras ko.

"I-manage ko yung mga gusto kong gawin. I-manage ko yung business ko."

Read: Gladys Reyes, nag-react sa kinasangkutang bar brawl ni Awra Briguela

Naniniwala rin si Buboy na magandang mapaligiran ng good support system sa showbiz.

"Una sa lahat, dapat i-treasure natin yung mga kaibigan natin, na totoo sa atin, of course.

"Kasi, yan ang pinakamahirap na kuhanin dito sa mundo na to. Yung loyalty, yung trust ng isang tao.

"So, kapag meron na tayo, i-treasure natin yun, i-keep natin yung mga tao na yun.

"At huwag natin silang pabayaan. Kasi, hindi natin alam yung mangyayari, di ba?
So, sa mga ganong sistema, dapat maggabayan kayo."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

BAR BRAWL INVOLVING AWRA

Naaresto si Awra matapos mahuli sa aktong nakikipagrambulan sa Poblacion, Makati.

Base sa kuwento ng isang staff ng bar, nagsimula ang gulo sa simpleng kantiyawan nang may grupo ng mga kalalakihang nag-request na magpa-picture kay Awra.

Hiniling umano ni Awra na maghubad ang complainant pero tumanggi raw ang lalaki kaya kinantiyawan umano ito ng grupo nila Awra.

Tugma ito sa lumabas na kopya ng CCTV kunsaan makikitang pilit na tinanggalan ni Awra ng damit ang complainant.

Read: CCTV footage of Awra Briguela, complainant inside Makati bar released

Makikita ring ayaw magpaawat ni Awra sa bouncers ng bar. Hanggang sa makalabas ng bar ay sinundan ni Awra ang complainant at doon na nagkaroon ng rambulan.

Nanindigan ang isang staff ng bar, base sa ulat ng GMA News, na walang saksi at wala ring kuha sa CCTV ang makapag-corroborate sa sinasabi ng kampo ni Awra na kaya ito napasabak sa gulo ay para depensahan ang kaibigang hinupuan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Accuser claims Awra Briguela forced him to strip; Awra's female friend says she was harrassed by accuser

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Buboy Villar weighs in on Awra Briguela bar brawl incident and shares tips on how to avoid getting dragged into physical fights.
PHOTO/S: Rachelle Siazon / GMA News
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results