Umani ng samu't saring reaksiyon mula sa netizens ang bagong logo ng PAGCOR (Philippine Amusement and Gaming Corporation) matapos itong pormal na ipakita sa publiko.
Noong Martes, July 12, 2023, kasabay ng pagdiriwang ng 40th founding anniversary ng PAGCOR ay ang pagsasapubliko ng bagong logo ng government-owned corporation.
Mula sa dating logo na naglalaro sa kulay berde at dilaw, napalitan na ito ngayon ng kulay asul at pula.

Ayon sa pamunuan ng PAGCOR, tampok sa bagong logo ang elemento ng apoy na sumisimbolo sa enerhiya, inspirasyon, passion, at transformation ng ahensya.
Paliwanag ni PAGCOR Chairman and CEO Alejandro Tengco, "The new PAGCOR logo incorporates the element of fire associated with energy, inspiration, passion and transformation.
"It symbolizes the flame that ignites change and drives progress.
"The logo likewise reflects a beacon which symbolizes guidance, leadership, and direction. It represents a guiding light that helps people find their way."
Dagdag pa niya, “All these taken together, our new logo reflects PAGCOR’s long standing commitment of being a guiding force that illuminates the way forward, drives transformation and development, and brings inspiration and motivation to the lives it touches."
Milyones din ang halaga ng naturang logo, na ipinagkaloob sa isang Francisco Doplon.
Umabot sa PHP3,035,714.28 ang quotation ni Doplon para sa naturang disenyo, bagay na wala pang value added tax at zero-rated transaction.
Si Doplon ang sinasabing proprietor ng Printplus Graphic services, ayon sa bidding projects section sa official website ng PAGCOR.

NETIZENS REACT
Agad na inulan ng batikos ang nasabing logo ng PAGCOR na nagkakahalaga ng higit PHP3 million.
Reklamo ng mga netizen, hindi katanggap-tanggap ang presyong ginastos ng ahensya sa kinalabasang hitsura ng bagong logo nito.
Sa kasalukuyan, nasa trending topic list sa Philippine Twitter ang PAGCOR, dahil sa kabilaang reaksiyon ng mga netizen sa naturang logo.

Tweet ng isang netizen (published as is),"Is it true that PAGCOR spent P3M for its new logo? In my opinion, a lot of professional agencies or even individuals could have done better at a fraction of a cost. Our government owned corporations must be more prudent with the People's money!"

Hirit pa ng isa, "3 million pesos worth for quotation tapos ganito lang yung output? Nahiya naman yung Canva sa inyo."
May iba pang inihalintulad ang bagong logo ng PAGCOR sa logo ng gas station na Petron.
Saad ng isa, "Bakit naman ninakaw yung design sa Petron, PAGCOR?"


Nakikita rin ng iba na tila may pagkakahawig ito sa isang sikat na noodle brand.
"No way PAGCOR just chose a logo that’s so similar to Lucky Me’s logo. Never tell us this costs huge sums of money. “Designer” can’t even understand basic color theory and how tf blue and red connects with gaming and amusement in such that they used gradient for what," tweet ng isa pa.

Naglipana rin ang memes na nilagyan nila ng mukha na may sungay ang logo na animo’y demony at manok na panabong.




Habang isinusulat ang artikulong ito ay walang pang inilalabas na reaksiyon ang PAGCOR patungkol dito.
