Pinag-usapan nang lubos ang CCTV footage kung saan pinipilit ni Awra Briguela na maghubad ng pantalon at damit ang isang lalaki isang bar sa Brgy. Poblacion, Makati City.
Kuha ang nasabing CCTV footage noong madaling-araw ng June 29, 2023.
Read: CTV footage of Awra Briguela, complainant inside Makati bar released
Kasunod nito ay nagkaroon ng rambulan sa labas ng bar na naging dahilan ng pagkaaresto at pagka-detain kay Awra.
Read: Awra Briguela bar brawl incident: A timeline
Sa storycon ng horror movie na The Vigil noong Hulyo 2, Linggo, sa Max’s Sct. Tuason, Quezon City, inusisa ang young actors sa cast kung ano ang feeling nila sakaling hamunin sila ng babae o gay na maghubad o magtanggal ng pantalon sa isang bar o party-party.
Nakakainsulto ba iyon sa kanila, or okay lang just for fun? Game ba silang gawin iyon?
BRUCE ROELAND
Sagot ng 18-anyos na si Bruce Roeland, “First of all po, I’m not aware po sa isyung yun… Ako po, I’m straight but I have a huge respect for the LGBT community. I have a huge respect for them.
“Iyon pong sinabi ninyo po na pinapahubad yung isang tao, I don’t support that. Kasi, we all have to respect each other. Kailangan pong i-respect yung comfort zone natin.
“Hindi puwede na basta ipakita yung mga parts ng body kung ayaw talagang ipakita. So, yeah, I don’t think that’s right.”

Bruce Roeland
Kahit biruan o katuwaan lang?
“Kung sabihin naman po na magkakaibigan, I think if may tiwala naman po kayo sa isa’t isa, I think that would be understandable,” malumanay na saad ni Bruce.
“Pero if it comes to the point na a stranger asks you to do that, siyempre that’s not right po.
“Iyan po ang nasa isip ko… It is offensive for me, kasi it’s disrespectful.”
Read: Awra Briguela, pinosasan matapos masangkot sa rambulan sa Makati
ABED GREEN
Nagtalop si Abed Green sa Vivamax movie na Pornstar 2: Pangalawang Putok. Binulabog niya ang mga accla sa dakilang pa-Felix Bacat niya sa wet, white short.
Bibigay ba siya sa hamon na maghubad sa isang public place para sa katuwaan
Napapangiting tugon ni Abed Green, “Maraming tao? Ahh hindi po, hindi po ako magiging game kung ganun karami ang tao, tapos maghuhubad ako?
“Siyempre po, I still have to show some class pa rin para sa sarili ko. Tapos yung isyu po kasi ni Awra, hindi ko po alam.
“Nakikita ko lang po pero hindi ko kasi binasa, e.”

Abed Green
Bago lumabas iyong CCTV footages ay ipinagtanggol si Awra ng celebrities at ilang LGBT groups, at itinuring pang bayani.
Read: Riva Quenery, Sassa Gurl, Barbie Imperial, other celebs show support for Awra Briguela
Pero nang mapanood ng balana ang CCTV footages na pinapahubad ni Awra ang bortang hombre ay nasupalpal ang mga sawsawero at sawsawera.
Read: Papuri kay Awra Briguela, napalitan ng batikos dahil sa CCTV footage
Sey ni Abed, “Siguro po, kung papayag yung lalaki, OK lang yun. Pero kung ganun na pinipilit niya, hindi naman po siguro dapat kung sapilitan.”
Mao-offend ba siya sakaling may mag-dare sa kanyang maghubad ng pantalon sa isang bar na maraming tao?
“Hindi ako mao-offend pero hindi ko huhubarin! Yun lang po, hindi ako mao-offend!” bulalas ni Abed.
“Makikipag-joke around pa rin ako sa kanila. Pero hindi ko pagbibigyan. Daming tao, e, siyempre!”
PRINCE CARLOS
Pahayag ni Prince Carlos, “Ako po, for me at the end of the day, parang it’s all about respect and limitation.
“Kasi siyempre lahat naman ng bagay, may limitations, e. So siguro if ever biru-biruan lang naman, hindi po ako mao-offend dun.
“Pero if umabot na sa point na parang very aggressive, siguro baka po ma-offend ako dun nang konti.
“Pero ayun po, like what I said, hindi ko rin po talaga gagawin yun. But at the same time, I would joke around.
“I would joke around, ganyan-ganyan. I really respect din the LGBT community, so ayun, basically respect lang po and limitation.”

Prince Carlos with Direk Adolf Alix Jr.
CARLO SAN JUAN
"Daks" ang pangalan ng karakter ni Carlo San Juan sa katatapos lang niyang i-shoot na pelikulang Lola Magdalena. Girlfriend ni Daks ang senior citizen na si Luningning (Pia Moran).
Read: Carlo San Juan, may kaabang-abang na eksena sa 'Lola Magdalena'
Paano kung sa totoong buhay ay may humamon sa kanyang maghubad ng pantalon upang masipat ang kanyang bukol?
Seryosong sabi ni Carlo, “Para sa akin, hindi rin po. Kasi kumbaga, tayo, nagsasaya tayo sa isang lugar.
“Pero siyempre isipin din natin kung meron ba tayong nao-offend na tao, or parang ahhh… pumapasok tayo sa safe zone niya, o safe space niya.”

Carlo San Juan
Kung gayon, naintindihan niya kung bakit hindi pinagbigyan ng lalaki ang pamimilit ni Awra?
“Yes po, pero parang ayun po, siguro iba-iba naman po kasi tayo ng personalidad,” pagmamatwid ni Carlo.
“Siguro kung sa iba po, biro siya. Pero yung iba po, seryoso po kasi yung iba, kaya na-offend po.”
ANJAY ANSON
Susog ni Anjay Anson, “Sa akin naman po, naintindihan ko rin po yung side ng lalaki. Kasi OK lang naman po, normal lang naman po na makipagbiruan.
“Pero pag dumating na rin po sa point na ganun, parang naiintindihan ko yung lalaki. Kasi siyempre, nasa public place din po tayo.
“So, ayaw din naman po natin na magpakita ng ganun. Kumbaga, respect na lang din sa iba, saka respect na rin sa sarili mo.”
Hindi siya maghuhubad ng pantalon?
“Hindi po talaga.”

Anjay Anson
KIMSON TAN
Umayon din ang chinitong si Kimson Tan sa co-actors, “Kung mao-offend ba ako? Ahh, siguro po, katulad ng sabi nila, I think what’s important right now is respeto saka iyung limitations.
“Kasi at the end of the day, ano naman, e, nasa tamang lugar yung pagbibiro. Nasa tamang tao mo rin dapat ibabato yung biro mo.
“Kasi iba’t ibang level ng understanding. So kumbaga, kung ayaw mong mabastos ka, in the first place, huwag mo ring gagawin sa iba, di ba? So, ganun lang.
“Ang importante lang po talaga, respeto. Respeto sa kapwa, respeto sa bawa’t tao.
“Kasi no matter anong part yun ng community, you always have to maintain that respect sa ibang tao, para makuha mo rin ang respeto pabalik ng ibang tao.
“So pag ako, nasa ganung situation, I’ll step away. I’ll just be the bigger person in that situation. I’ll just walk away para iwas-away na rin po.”

WILL ASHLEY
Beinte-anyos na si Will Ashley pero totoy na totoy pa rin ang kanyang dating, yung tipong binabantayan lagi ng kanyang mommy.
“Ako po? Saka na lang po siguro ako sasagot pag may abs na ako. Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!” pagtawa ni Will.
“Wala pa po akong abs na ipapakita. Baka po pag naghubad ako, puro taba ang maipakita ko!”

Will Ashley with Direk Adolf Alix Jr.
THE VIGIL
Horror movie ang The Vigil sa direksiyon ni Adolf Alix Jr.
Maliban kina Will Ashley, Bruce Roeland, Abed Green, Prince Carlos, Kimson Tan, Anjay Anson, at Carlo San Juan, kasama sa cast nito sina Faye Lorenzo at Joaquin Manansala.
Read: Male cast ng horror movie na 'The Vigil' kuwela ang sagot sa tanong na "Are you still a virgin?"
“Ang kuwento ng The Vigil ay tungkol sa mga kabataang binigyan ng initiation,” lahad ni Direk Adolf.
“Ang kanilang mga magulang po ay miyembro ng isang organization na ang translation po ay Watcher of Truth, kaya po Vigil.Yung ‘watcher’ po, ang ibig sabihin sa Latin translation ay ‘vigil.’
“Doon po sa organization, yung kanilang mga anak ay dadalhin nila sa kanilang organization kaya may initiation sila pag dumadating sa isang certain age. Yun po ang role ng mga kalalakihan dito.
“One summer, papasok sila dun for their initiation…”
Meron bang skin exposure ang mga bida ng The Vigil? Sa audio-visual presentation kasi ay topless ang karamihan sa mga bida.

The male cast of 'The Vigil' with Faye Lorenzo
Pahayag ni Direk Adolf, “May mga eksena po siguro. Meron naman po pero hindi ko pa alam exactly.
“Kasi pag nag-shoot na, saka pa lang po namin made-decide. Pero kung may scenes man na may ganung exposure? Meron naman po.
“Kasi may mga eksena na, I think, inherent dun sa script yung mga ganung eksena. So, meron naman po pero hindi po Vivamax. Ha! Ha! Ha! Ha!
“It’s a story about initiation, so may mga parts na kailangan I think dun sa material. So meron naman pong exposure.”
Ang Vivamax movie ni Direk Adolf na Bugso ay isa sa pinakamapangahas na pelikula roon, at marami-raming eksena ang pinutol doon kapagkuwan.
Nag-streaming ang Bugso noong Disyembre 30, 2022. Tampok dito sina Ayanna Misola, Sid Lucero, Hershie de Leon, at Alan Paule.
