PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Cousin of Offloaded Passenger Challenges Immigration

"Baka iniisip nila dahil walang-wala ako, wala akong pera, mahirap lang ako."
by Bernie V. Franco
Published Jul 12, 2023
passengers in airport
Sa isang follow-up interview, sinagot ng pinsan ng offloaded passenger ang binanggit ng Bureau of Immigration na may "multiple red flags" ang pasahero kaya na-offload.
PHOTO/S: Facebook (Bureau of Immigration)

Naglabas ng reaksiyon ang pinsan ng na-offload na Pinay passenger dahil sa sinabi ng Bureau of Immigration (BI) na nakitaan ang pasahero ng "multiple red flags."

Naging viral recently ang pahayag ni Ammie Liau, Pinay na Taiwan resident, sa news interview tungkol sa na-offload niyang pinsan, na hiningan ng immigration officer ng 10 birth certificates ng mga ninuno.

Read: Pasaherong na-offload, hinanapan ng immigration officer ng birth certificates ng mga ninuno

Si Ammie ang trip sponsor ng kanyang pinsan, na lilipad dapat sa Taiwan for a two-week vacation.

Reaksiyon ni Bureau of Immigration Commissioner Norman Tangsingco, lumabas sa initial investigation na may “multiple red flags” ang pasahero kaya na-offload ito.

Narito ang binanggit na red flags sa assessment ng immigration officer

  • nabanggit ng pasahero ang posibleng pagtatrabaho sa Taiwan
  • nabigong ma-establish ang relasyon nila ng sponsor na si Ammie
  • nabigo ang pasahero na ma-establish kung paano nito masu-sustain ang kanyang 14-day vacation sa Taiwan
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Offloaded passenger na hiningan ng 10 birth certificates, may "multiple red flags"

PASSENGER'S COUSIN REACTS TO BI'S RED FLAGS CLAIM

Sinabihan ni Ammie ang BI na patunayan ang mga claims nito.

Ayon sa follow-up report ni Karen Vallanda ng PTV, wala raw sinabi ang pasahero tungkol sa posibleng pagtatrabaho sa Taiwan.

Binigyan pa nga raw ni Ammie ng “invitation letter” ang pinsan para klaro ang purpose ng travel.

“Nandon po yung disappointment niya, discouragement niya kung bakit gano'n ang naging conclusion ng BI na pagpunta niya [sa Taiwan], kahit wala naman siyang sinabi, wala naman siyang in-admit.

“Kumbaga, siya pa ang lumabas na nagsisinungaling.

"That’s why I asked the ano… hindi ko alam kung kanino ako makipag-[usap] sa Immigration na they have to show their evidence na yun talaga ang sinabi ng pinsan ko…

“Na i-prove nila na yun po talaga ang purpose ng pinsan ko na pagpunta dito sa Taiwan is yung magtrabaho.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinagot din ni Ammie ang katuwiran ng BI na nakitaan ng inconsistencies ang mga sagot ng pasahero nang matanong kung paano sila naging magkamag-anak ni Ammie.

Panuntunan kasi ng Department of Justice na maaaring i-sponsor ang isang kamag-anak na hanggang fourth-degree ang consanguinity.

Inamin naman ni Ammie na noong una ay hindi raw talaga nasagot ng kanyang pinsan ang tanong na ito.

Read:

Unang naka-schedule ang pasahero na lumipad noong June 29, 2023, pero hindi natuloy dahil may missing document.

Kaya ni-rebook ito noong July 1, 2023, pero na-offload naman siya.

“So nung pangalawa, trinace namin paano ba kami naging magpinsan.

“So yun, nung sinabi niya na third cousin sa pangalawang [scheduled flight sa] immigration officer,” ani Ammie.

“Ang sabi pa ng immigration officer, ‘Ma’am, pag ganito… kung nasa fourth, nasa third cousin kayo, malamang nasa fifth- to seventh-cousin degree na kayo. So kapag ganito, Ma’am, mga sampung birth certificate talaga ito.’”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nagpaliwanag din si Ammie sa red flag na hindi na-establish ng kanyang pinsan kung paano susuportahan ang sarili sa two-week vacation sa Taiwan.

Naging tapat naman daw sila sa paliwanag na PHP2,000 lamang umano ang pocket money ng kanyang pinsan.

“Honest ang ginagawa namin. Hindi ko siya pinadalhan ng pera just to prove na may pera siya. No.

“We made in an honest way.

“So dun pa lang, siyempre, na-feel niya parang wala ba talagang pagkakataon para makaalis ang isang mahirap?

“Sorry for term but ang pinansiyal ano is insufficient talaga.

“So, kumbaga, doon naisip niya, ‘Baka iniisip nila dahil walang-wala ako, wala akong pera, mahirap lang ako. E, iisipin nila ang purpose ko talaga maghanap ng pera.’”

Binanggit sa ulat na ikinatuwiran ng BI na naging parte lamang ng pag-uusap ng pasahero at immigration officer ang 10 birth certificates, pero hindi naman daw ito naging requirement ng ahensiya sa passenger.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Binanggit sa PTV report na patuloy ang isasagawang imbestigasyon ng BI kaugnay ng insidenteng ito upang mabigyang linaw ang naging komunikasyon ng pasahero at immigration officer.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa isang follow-up interview, sinagot ng pinsan ng offloaded passenger ang binanggit ng Bureau of Immigration na may "multiple red flags" ang pasahero kaya na-offload.
PHOTO/S: Facebook (Bureau of Immigration)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results