Hindi napigilan ni Liza Soberano sagutin ang isang basher na hindi siya tinantanan sa bagong upload na content ng aktres sa YouTube na may pamagat na "A New York Minute" noong nakaraang July 6, 2023.
Read: Liza Soberano: More than just a pretty face
Sa nasabing vlog, ipinakita ni Liza ang activities niya sa New York kung saan dumalo siya sa isang international event at pictorial para sa isang clothing brand.
Noong unang araw pagkatapos ma-upload ng video, isang netizen ang sunud-sunod na nag-comment dito.
Umabot sa 22 comments ang pinaulan nitong komento sa vlog ni Liza.
Ilan sa mga ito ay sobrang bastos, at hindi na marahil napigilan ng aktres ang sarili kaya sinagot na niya ito.
Base sa komento ng netizen ay tila fan ito ng ka-love team at rumored ex-boyfriend ni Liza na si Enrique Gil.
Nasaktan daw ang netizen dahil sa pagtalikod ni Liza kay Enrique, na ipinagpalit daw ng aktres sa iba.
Damay rin sa galit ng netizen ang manager ni Liza na si James Reid.
Komento ng netizen (published as is), “Kayu mga lizquen fans hindi na kayu papansinin ni liza alam nyo bayun dahil sikat na sya hindi nya na kayu papansinin”

Sabi pa nito, “Nakay quen na ang lahat ng katangian ng isang lalaki tapos nagawa mo syang ipag palit sa iba bakit dahil maganda ka kaya kung gusto mo mag palit papalit palit”

Dapat daw sabihin na ni Liza ang tunay na estado nila ni Enrique. Napabalita kasi kamakailan na hiwalay na umano sila.
Ayon sa netizen, “Maging honest kanaman liza sa mga lizquen fans hindi porket sikat kana at kaya mona mag isa e kakalimutan mona yung lizquen fans maging honest nalang kayu sa kanila kung wala na kayu ni quen o wala na wala naman siguro sila magagawa maging honest kalang"

Dagdag pa nito, “Ang akin lang maging honet kayu sa mga tagahanga nyo wag nyo silang pag mukain tanga dahil kundi naman dahil sa kanila wala kayu ngayun jan sa kinatatayuan nyo ngayun wag nyo silang paasahin at kung wala na kayu aminin nyo na sa publico para hindi na umaasa yung mga fans nyo”

Babala pa niya kay Liza, “Saka lang ako titigil sa pang bubush pag nalaman kona yung totoo kung kayu pa ni quen o hindi na atlist maging honest ka pero hanggat walang kasagutan patuloy kitang ibabash baka nga isumpa pa kita e”

“Ang akin lang wag mong paasahin ang mga lizquen fans kung wala na kayu ni quen sabihin nyo lang wala namang masama kung nag hiwalay na kayu o may bago kanang bf ang akin lang maging honest ka sa lizquen fans kung kayu pa or hindi na wala naman silang magagawa kung anong napag kasunduan nyo e buhay nyo yan pero maging honest kayu sa kanila dahil hindi naman kayu siguro sisikat at yayaman kung hindi dahil sa mga fans nyo dba hindi purkit sikat na kayu e kakalimutan nyo na sila"

Depensa pa ng netizen kay Enrique, “Hindi mo manlang pinahalagahan yung pag mamahal sayu ni quen at mas pinili mong iwanan sya at ipag palit sa iba sa bagay buhay mo naman yan malaki kana"

Komento pa ng netizen patungkol sa kanila ni Enrique, “Sana liza tama ka ng desition na iwanan c quen at maki pag break sakanya at ipag palit sa iba tandaan mo may karma at nasa huli ang pagsisise hindi kaman nagsisise sa ngayun darating at darating ang araw na mamimiss mo yung taong nag pahalaga sayu at nag mahal ng lubos at walang ibang hinangad kundi maging masaya ka at bihira na yung lalaking ganon handa kang supportahan salahat at kakampi mo salahat at handa kang damayan sa mga araw na papagod kana”

Ngunit ang higit na nakaagaw ng pansin ay ang komento ng netizen na hiniling nitong may mangyaring masama kay Liza at sa pamilya nito:

Tila napuno na si Liza kaya sinagot niya ito, ngunit nanatiling kalmado ang aktres.
Aniya, “I don’t normally reply to stuff like this. Just wanted to say, be careful with what you say and do to other people”

Lumipat si Liza sa Careless Music ni James noong June 2022 upang i-pursue ang kanyang pangarap makapasok ang Hollywood.
Read: Liza Soberano officially signs with James Reid's Careless Music
