PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Herlene Budol Wins Miss Philippines Tourism 2023

"Di po kasi ako typical beauty queen na inaasahan ng iba."
Text: Rachelle Siazon Interview: Nikko Tuazon
Published Jul 14, 2023
Herlene Budol wins Miss Philippines Tourism 2023
Herlene Budol on speaking in Filipino during Miss Grand Philippines Q&A: "Kaya napa-proud po ako bilang ako. Eto na po ang umpisa para di matakot ang mga Pilipino na magtagalog sa kahit anong timpalak. Di po kasi ako typical beauty queen na inaasahan ng iba."
PHOTO/S: Nikko Tuazon / ALV TV

Hindi man niya nasungkit ang main crown na Miss Grand Philippines 2023, panalo pa rin si Herlene Budol bilang Miss Philippines Tourism 2023.

Read: Nikki de Moura of Cagayan de Oro crowned Miss Grand Philippines 2023

Markado ang performance niya para sa swimsuit at evening gown competition dahil itinodo niya ang pag-project para magpakitang-gilas sa audience at judges ng pageant.

Sa evening gown competition, may paandar siya para hindi kita agad ang kanyang suot.

Sa simula, black robe na may hood muna ang kanyang gayak.

Nang rumampa ay saka lang niya tinanggal ang black robe para ma-highlight ang ganda at kinang ng kanyang bejeweled revealing gown.

Pasok siya sa Top 15 at kalaunan ay sa Top 10 finalists.

Read: Herlene Budol makes it to Top 15 of Miss Grand Philippines 2023; bags four special awards

Samantala, sa speech ng Top 10 finalists, kung saan nilatag ang kani-kanilang advocacy, seryoso sa delivery si Herlene.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero hindi pa rin nawala ang trademark niyang pagpapatawa nang mapasigaw siya ng "Wooooh!" dala ng nerbyos.

May bitbit din siyang English interpreter para kumportable siyang sumagot sa wikang Filipino.

Sa Q&A portion ng Top 10 finalists ay education ang sinagot ni Herlene sa tanong tungkol sa problemang kinakaharap ng mga kabataan.

Wikang Filipino pa rin ang ginamit niya para ihayag ang kanyang opinyon sa isyu.

Natawa naman ang audience nang matapos siyang magsalita dahil humirit itong ita-translate ng kanyang English interpreter ang isinagot niya sa Q&A.

Read: 11 stunning national costumes at Miss Grand Philippines 2023 prelims

NOT YOUR TYPICAL BEAUTY QUEEN

Sa interview ng press pagkatapos ng pageant, ibinahagi ni Herlene kung paano niya na-inspire ang kapwa kandidata.

"Sinabi po nila sa akin na ako daw po naging inspirasyon nila para daw po sumali sila dito, dahil, una po sa lahat, puwede na raw po pala mag-Tagalog na akala nila dati di puwede.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Kaya napa-proud po ako bilang ako.

"Eto na po ang umpisa para di matakot ang mga Pilipino na mag-Tagalog sa kahit anong timpalak."

Sabi pa niya, "Di po kasi ako typical beauty queen na inaasahan ng iba.

"Walang limit ang beauty queen. Kung ikaw naman, may purpose ka naman sa adbokasiya mo o sa kung anumang kaya mong ibigay sa kanila, limitless po iyon."

May apela rin si Herlene sa bashers na hindi satisfied sa performance niya.

"Por da love lang ang person wag nang por da bash. Nababaliw na ako. Nobody's perfect," diin niya.

Read: Nawat Itsaragrisil reveals qualities he seeks in a Miss Grand International winner: "Beautiful is not enough for us."

HERLENE BUDOL'S SPECIAL AWARDS

Humakot din ng special awards si Herlene mula sa sponsors.

Kabilang sa napanalunan niya ang Kapetan Cafe Best in Runway, Miss Ever Bilena, Miss ArenaPlus (with PHP100,000 cash prize), Miss Mermaid Manila Hair, at Miss Blue Water Day Spa."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang Miss Grand Philippines ang ikatlong pageant na sinalihan ni Herlene.

Una siyang nanalo bilang Binibining Pilipinas 2022 first runner-up noong August 2022.

That same month, itinalaga siya bilang representative ng Pilipinas sa Miss Planet International 2022.

Lumipad pa si Herlene sa Uganda noong November 2022 para sa pageant competition, pero hindi na niya tinapos at nagpasyang umatras dahil sa hindi magandang karanasan niya roon.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Herlene Budol on speaking in Filipino during Miss Grand Philippines Q&A: "Kaya napa-proud po ako bilang ako. Eto na po ang umpisa para di matakot ang mga Pilipino na magtagalog sa kahit anong timpalak. Di po kasi ako typical beauty queen na inaasahan ng iba."
PHOTO/S: Nikko Tuazon / ALV TV
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results