PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Easy Bond with Zanjoe Marudo

Ria Atayde on Zanjoe Marudo: "He's very easy to get along with."
by Glenn Regondola
Published Jul 14, 2023
ria atayde zanjoe marudo
Ria Atayde when asked if boyfriend Zanjoe Marudo sets limitations on how far she can go in a project: "Wala naman po. It's more na sa akin na nanggagaling yun... if I were in his position, yun lang ang iniisip ko at the back of my mind, like, 'Is this something acceptable if I were in his position?' Kasi, kung ako naman ang nandun, 'Okey din ba sa akin yun?' Yun."
PHOTO/S: Glenn Regondola / Instagram

Nagbigay ng maiksing pahayag si Ria Atayde tungkol sa estado ng kanilang relasyon ni Zanjoe Marudo.

Ayon sa Kapamilya actress, "Happy, settled. It's nice.

"I mean, I used to be in a relationship being passionate, in the sense na parati kayong nag-aaway, parating umiiyak, kasi yun ang napapanood natin.

"Hindi pala, it's comfortable and easy."

Sa paanong paraan siya pinasasaya ni Zanjoe?

Nakangiting tugon niya, "In many ways. He's very easy to get along with."

Read: Zanjoe Marudo finally admits relationship with Ria Atayde: “It’s out in the open naman.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ria pagkatapos ng general presscon para sa afternoon seryeng Nag-Aapoy Na Damdamin na ginanap sa Luxent Hotel, Quezon City, kahapon, July 13, 2023.

ZANJOE'S REACTION TO RIA'S intimate SCENES WITH TONY LABRUSCA

Malaki ang posibilidad na pag-uusapan ang pagtanggap ni Ria ng mature role sa Nag-Aapoy Na Damdamin.

May "hot scenes" daw siya rito with her leading man na si Tony Labrusca.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ano ang naging reaksiyon dito ni Zanjoe? Pinag-usapan ba nila ito o kailangan niyang magpaalam sa nobyo para maiwasan ang conflict sa kanilang relasyon?

Sagot ng 31-year-old actress, "Zanjoe is very professional in that sense. He understands that this is what my job now requires.

"We spoke about it naman and we're professional."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dugtong pa ni Ria, "Feeling ko naman kasi, at this point, more of yung ipapaalam, kesa yung ipapaalam. Mas informed. Ganun siya.

"Aware naman siya... something like that, and that's already enough."

Read: Ria Atayde, ayaw nang masyadong isapubliko ang relasyon nila ni Zanjoe Marudo

Wala rin naman daw sini-set na limitations si Zanjoe kung hanggang saan lang ang puwedeng gawin ni Ria sa mga proyekto niya.

Saad ni Ria, "Wala naman po. It's more na sa akin na nanggagaling yun.

"Kasi kung ako naman ang... if I were in his position, yun lang ang iniisip ko at the back of my mind, like, 'Is this something acceptable if I were in his position?'

"Kasi, kung ako naman ang nandun, 'Okey din ba sa akin yun?' Yun."

Napag-usapan din ang tila pagkailang sa kanya ni Tony sa kanilang maiinit na eksena. Ano ang masasabi ni Ria rito?

Natatawang sabi ng aktres, "Conscious siya, e!

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Sabi ko lang, 'Dude, you're good, you look fine, don't worry.'

"Kasi, di ba, you have to make your co-actor comfortable also?

"Hindi lang first time niya, you have to do what you have to do, and you have to say what you have to say.

"Yeah, okey naman."

Ang Nag-aapoy Na Damdamin ang kauna-unahang collaboration ng ABS CBN Entertainment at TV5 sa paggawa ng mga teleserye. Mula ito sa direksiyon nina Raymund Ocampo at Roderick Lindayag.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ria Atayde when asked if boyfriend Zanjoe Marudo sets limitations on how far she can go in a project: "Wala naman po. It's more na sa akin na nanggagaling yun... if I were in his position, yun lang ang iniisip ko at the back of my mind, like, 'Is this something acceptable if I were in his position?' Kasi, kung ako naman ang nandun, 'Okey din ba sa akin yun?' Yun."
PHOTO/S: Glenn Regondola / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results