PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Guard Strangled Puppy, Owner Claims

"Hinagis niya po na parang bato."
by Bernie V. Franco
Published Jul 14, 2023
security guard puppy issue
Pet owner (right photo, in black) on her puppy: “Masakit po kasi hiningi po namin iyon. Binibilhan pa po namin ng gatas yun..." She says the security guard (left) strangled her pet before throwing it from the footbridge.
PHOTO/S: Janine Santos

Nagbigay na ng reaksiyon ang security agency ukol sa pagkakasangkot ng security guard na naghagis ng tuta mula sa footbridge ng SM North Edsa sa Quezon City.

Idinetalye rin ng batang may-ari ng tuta kung ano ang ginawa ng security guard sa kanyang alaga.

Matatandaang nag-viral ang pangyayari noong July 11, 2023, Martes, dahil nakuhaan ito ng video ng isang netizen.

Namatay ang tuta.

Read: Security guard in Quezon City mall fired after throwing puppy from footbridge

At maraming netizens ang nagalit at nahabag sa sinapit ng hayop.

Ayon sa ulat, nagtitinda ang bata kasama ang isa pang bata at ang kanyang tuta sa footbridge o overpass nang sinita sila ng security guard, at pinapaalis.

Nang hindi sumunod ang mga bata, ang pinagbalingan ng guard ay ang tuta.

“Kinuha niya po, sinakal niya po. Tapos hinagis niya po na parang bato lang sa baba,” pagdedetalye ng batang may-ari sa tuta sa interview ng TV Patrol nitong July 12, 2023.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Masakit po kasi hiningi po namin iyon. Binibilhan pa po namin ng gatas yun, Ma’am, e. Tapos ganon lang po yung mangyayari.”

Una nang naglabas ng official statement ang mall management, at sinabing tinanggal na sa trabaho ang security guard.

Read: VIRAL: Foreign teens spit repeatedly at popular tourist spot in Bohol

SECURITY AGENCY REACTS

Kinumpirma na rin ng security agency na pinagtatrabahuhan ng security guard na na-relieve na ito bilang mall guard sa SM.

Kasalukuyang gumagawa rin ng imbestigasyon ang RJC Security and Investigation Agency stungkol sa nangyari.

Ayon sa TV Patrol report, hindi pa tinatanggal ng ahensiya ang security guard sa kumpanya.

Dalawang taon na ito sa kanila ay malinis naman ang kanyang record.

“Na-relieve na po namin sa kanya ang trabaho sa SM,” sabi ni Olympio Balitaan Jr., HR manager ng ahensiya.

“Sa ngayon ho, hindi pa ho namin binibigyan ng puwesto dahil kinakailangan pong matapos yung investigation.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Dumadaan ng training po iyan, pati na rin orientation bago namin i-deploy sa bawat departamento.”

Read: PAGCOR denies plagiarism allegations on new logo; warns public to be careful from phishing sites

COMPLAINTS VS SECURITY GUARD

Nagsampa na ang Animal Kingdom Foundation ng reklamong paglabag sa Animal Welfare Act laban sa security guard.

Kapag napatunayang nagkasala, anim na buwan hanggang dalawang taong pagkakakulong ang parusa.

“Karumal-dumal kasi it was made in the presence of the public, at lalung-lalo na in the presence of minor. Ito ay isang gruesome act of animal cruelty,” ani Attorney Heidi Marquez-Caguioa, program director ng Animal Kingdom Foundation.

Binanggit din sa ulat na parehong reklamo ang balak ng Philippine Animal Welfare Society laban sa security guard.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pet owner (right photo, in black) on her puppy: “Masakit po kasi hiningi po namin iyon. Binibilhan pa po namin ng gatas yun..." She says the security guard (left) strangled her pet before throwing it from the footbridge.
PHOTO/S: Janine Santos
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results