PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bianca on Sabrina's Rico, Claudine Claims

Is Rico Yan's family mulling to file a complaint against Sabrina M.?
by Julie E. Bonifacio
Published Jul 14, 2023
Bianca Lapus on Sabrina M.'s claims involving Rico Yan and Claudine Barretto
Bianca Lapus on Sabrina M.'s "hindi kapani-paniwala" story that she had a relationship with Rico Yan and that Claudine Barretto knows about it: "Ano yun? May kabit ka with consent? May third party na with consent? Napakatalino naman ni Claudine para hayaan na gawin niya yun, di ba? Parang, 'Okey may babae ka, okey lang sa akin.'"
PHOTO/S: Julie Bonifacio / Noel Orsal / Claudine Barretto Instagram

Itinanggi ni Claudine Barretto na idedemanda niya si Sabrina M. pagkatapos pumutok ang balitang nakarelasyon ng sexy star ang yumaong aktor na si Rico Yan.

Read: Sabrina M. reveals secret relationship with Rico Yan: "After Claudine, naging kami, umabot din ng taon."

Ito ang ipinarating ni Claudine sa entertainment press sa pamamagitan ng kaibigan niyang si Bianca Lapus.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bianca sa presscon ng Hiraya Theater Production, na ginanap sa Music Box comedy bar sa Timog, Quezon City noong Miyerkules, July 12, 2023.

Si Bianca ay malapit na kaibigan ni Claudine kaya di maiwasang tanungjn siya sa pagdawit sa kanya sa isyu kay Sabrina at Rico.

Panimula ni Bianca, "Actually, sinabi ko sa kanya na may presscon ako. Sabi ko, 'Baka tanungin ako about you. Siyempre alam nila na I'm your best friend. Sabi ko, bigyan mo ako ng sagot.'

"Tapos sabi lang niya sa akin, 'Kesa magwe-waste ako ng money at oras para lang mag-demanda...' Hindi raw niya kilala si Sabrina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Actually, nagtawanan lang kami nung lumabas yung isyu."

Ang claim ni Sabrina ay naging sila umano ni Rico sa loob ng isa o dalawa at kalahating taon hanggang sa pumanaw ang aktor.

Alam daw ni Claudine at kapatid ni Rico na si Bobby Yan ang tungkol dito.

Ibinahagi ni Bianca ang naging reaksyon ni Claudine nang malaman ng huli ang mga sinabi ni Sabrina.

"More on natawa siya. Parang, 'Totoo ba?' Kasi yung timeline kasi, parang hindi naman sa ano, maaaring siguro nagkakilala sila.

"Pero relasyon for two and half years is just really impossible," diin ni Bianca.

Natawa rin daw si Claudine sa sinabi ni Sabrina na alam ng aktres ang relasyon nila ni Rico.

"Yes," pagkumpirma ni Bianca. "Yun yung medyo natatawa siya pero naiinis din siya, di ba? Parang, 'Anong alam ko doon? Siya nga hindi ko kilala.'

"So, ito ay fresh na fresh at galing talaga sa aking kaibigan. 'Tsaka ano po, ako naman, e, as a friend din.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"I have nothing against Sabrina pero, I mean, whenever I see her medyo acquainted naman ako sa kanya.

"Pero yun lang, as a friend, I mean, as a loyal friend of Claudine and Rico, bakit parang dinamay pa sila? Parang, huwag na sanang gamitin yung name nila."

Ibinahagi ni Sabrina ang kuwento sa diumano'y nakaraan nila ni Rico nang usisain siya ng press tungkol sa lumang tsismis sa kanila ni Rico sa presscon ng pagbabalik-pelikula ng sexy star.

"Actually, yun lang ano ni Claudine, bakit dinadamay pa ang name niya lalo na name ni Rico na tahimik na.

"So, hindi po tototo na magpa-file si Claudine ng kaso dahil hindi nga raw niya kilala. Hindi raw niya pagaaksayahan ng panahon," paglilinaw pa ni Bianca.

Sa palagay niya, saan nanggaling ang balitang idedemanda ni Claudine si Sabrina?

Tugon ni Bianca, "Uh, ang alam ko po kasi ang napag-usapan po is parang yung family ni Rico yung nag-iisip.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Narinig ko lang po ito, ha? Na kung tuluy-tuloy pa yung pagtsi-tsika ni ano, about Rico, hindi ko alam kung magka-kaso siya or what? Parang cease and desist?

"Yun po ata ang ipapagawa ng family ni Rico if hindi siya patatahimikin. So, it’s not Claudine ang nagpa-file ng kaso.

"But according to Claudine din, kung hindi siya parang i-stop na idawit, e, baka, baka meron siyang ano, move.

"But right now, ang stand niya right now, yun nga, she’s not gonna spend money and time na idemanda siya [Sabrina] dahil hindi nga naman daw niya kilala."

Read: Sabrina M. shrugs off negative comments after revealing secret relationship with late Rico Yan

ON WHAT BIANCA KNOWS ABOUT RICO AND CLAUDINE

Hindi rin ba siya naniwala sa mga sinabi ni Sabrina?

"Hindi po," sang-ayon ni Bianca. "Kasi ka-batch ko halos si Rico, e. Talent Center pa lang bago mag-Star Magic ka-batch ko siya, lagi ko siyang katabi. Tapos March babies pa kami. So, talagang friend ko siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Namatay po siya, di ba, March 29? Umalis siya sa condo nila ni Claudine... Isa pa yun."

Sa puntong ito ay inalala ni Bianca ang timeline ng relasyon nina Claudine at Rico, hanggang sa sumakabilang-buhay si Rico noong March 29, 2002.

"Paano siya [Sabrina] pupunta sa condo ni Rico, e, mag-live-in yung dalawa?

"So, parang, March yun, e, nung namatay siya [Rico]. March siya [Rico] nung umalis sa condo. So, yung timeline lang na two years, tapos magka-live-in yung dalawa, parang...

"Maaari po sigurong magkakakilala sila [Rico at Sabrina]. Or, alam naman ninyo po sa showbiz may mga eme-emeng ganyan sa ano..."

Mismong kaibigan ni Sabrina M. na si Katrina Paula, dating sexy star, ay kinontra rin ang mga rebelasyon ni Sabrina.

Sa panayam kay Katrina sa Cristy Ferminute noong July 12, sinabi nitong baka raw “nagkatikiman” sina Sabrina at Rico, pero hindi raw siya naniniwalang nagkarelasyon ang mga ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Katrina Paula dispels Sabrina M.'s claim about past relationship with Rico Yan

Nang usisain si Bianca ukol dito, ang reaksiyon niya, "Alam niyo po yung 'pakbet?' Yung 'hashtag pakbet.' Parang ano ka, pero hindi ka bet."

Iminuwestra ni Bianca ang pagpalo sa palad niya ng isa niyang kamay bilang pagpapakuhulugan sa salitang 'pak.'"

Waring ibig niyang sabihin ay baka raw may nangyari, pero hindi bet na karelasyon.

"Baka ganon," sambit ni Bianca.

Pero duda raw talaga si Bianca sa claim ni Sabrina.

"Pero hindi ko alam. Kasi ambait naman ni Rico, e. I mean, sa pagkakakilala ko po sa kanya, nakasama ko every day sa workshop. Tapos, friend din siya ni Vhong Navarro.

"Kaya hindi po ako naniniwala. Siguro po magkakilala sila pero yung 'relasyon,' yun lang din ang hindi ako naniniwala, yung 'relationship na more than two years.'

Patuloy ni Bianca: "Kasi, yung timeline po is really crazy. So, hard to believe.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"And at the same time, kami pong personal nilang kaibigan, ni Claudine and ni Rico, parang imposible po talaga. Kasi lagi silang magkasama.

"Nasaksihan ko yun kaya hindi kapani-paniwala."

Read: Claudine Barretto, nagpasalamat kay Katrina Paula "for telling the truth"

ON SABRINA CLAIMING CLAUDINE KNOWS ABOUT HER AND RICO

Manghang-mangha raw si Bianca sa kuwento ni Sabrina na alam ni Claudine ang tungkol kina Rico at Sabrina.

Hindi naman daw kaila sa publiko na nang pumanaw si Rico noong March 2009 ay fresh pa raw ang breakup nito at ni Claudine.

Kaya paano raw makakasingit si Sabrina na maging karelasyon ni Rico.

"So, ayun. Nagkakatawanan na lang kami sa isyu na yan. Mahuhulog na nga si Claudine sa kakatawa nung mapagkwentuhan naming yung isyu, e.

"Although, pagkatapos naming magtawanan na-realize niya na parang, 'Ano ba yan? Bakit dinamay pa yung pangalan niya lalo na ni Rico?'

"Ang ganda-ganda ng image ni Rico, e. Tapos parang lumalabas na nag-two-time," paliwanag ni Bianca.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Katuwiran pa rin niya: "Or kahit sinabi ni Sabrina na pumasok siya nung tapos na si [Rico at] Claudine, alam naman po ng lahat na bago siya pumunta ng Palawan halos kaka-ano lang ni Claudine.

"So, kung two years, di ba? Parang lumalabas na nag-two-time si Rico.

"Tapos, ang lumabas nung sinabi niya na alam ni Claudine, ano yun? May kabit ka with consent? May third party na with consent?

"Napakatalino naman ni Claudine para hayaan na gawin niya yun, di ba? Parang, 'Okey may babae ka, okey lang sa akin.'

"E, ang syunga naman ni Claudine kung gagawin niya yun, di ba? E, napakatalino naman ng aking kaibigan para i-allow yun na gawin sa buhay niya.

"I mean, you can throw a lot of issues kay Claudine. She’s such a strong woman and hindi naman niya siguro papatulan tong mga ganyan-ganyang isyu.”

BIANCA'S FRIENDSHIP WITH CLAUDINE

Taong 1996 nang unang makilala ni Bianca si Claudine kaya nasubay-bayan daw nila ang personal na buhay ng isa't isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Na-meet ko siya nung nagsyu-shoot pa kami ng Kabilin-bilinan ni Lola," pagbabalik-tanaw pa ni Bianca.

"Si Mark Anthony Fernandez pa lang po ang boyfriend ni Claudine friend ko na siya kasi dumadalaw siya sa shooting namin.

"And second movie ko ay yung Laklak. Tapos kami nina Jomari [Yllana], Mark, and si Wendell [Ramos]."

Ang magkaibigan daw talaga noon ay sina Claudine at Vhong Navarro, na ex-husband ni Bianca.

"Kasi nagkasama sila ni Vhong, Robin Padilla, si Claudine sa isang movie.

"So, dati galit yan sa akin. Kasi kampi siya kay Vhong nung bagong hiwalay kami. Kasi mga bagets pa kami noon.

"Pero eventually, nagkasama-sama kami nina Gladys Reyes. Yan ang naging mga [kaibigan ko] sa showbiz, yan yung tinira ko na small circle, e."

ON CLAUDINE'S POSTS ABOUT RICO

Sa kabilang banda, hiningan ng reaksiyon si Bianca tungkol sa netizens na nagsasabing patahimikin na ni Claudine si Rico.

Kaugnay ito ng social media posts ni Claudine sa tuwing naaalala nito ang yumaong nobyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"E, kanya-kanya po talaga tayo, e. Di ba meron tayong TOTGA [the one who got away]? Meron tayong first love. Meron tayong one great love," paliwanag ni Bianca.

"And for me, nire-respeto ko ang feelings ni Claudine na si Rico ay talagang one great love niya.

"And, uh, medyo mahirap po talagang maka-move din sa nangyari sa kanila. Kasi, I know for a fact na bago umalis si Rico alam ko na balak nilang ayusin po, yung after po talaga ng vacation, mag-aayos po sila. Kasi, nagkausap pa sila noon.

"So, ang alam ko po, ang plano po talaga noon pagbalik ni Rico, sa pagabalik nila sa Manila mag-uusap pa sila at aayusin nila."

Diin pa ni Bianca, "So, siyempre, parang mahirap, kumbaga, naudlot, e. Tapos hindi mo na maaayos kasi wala na. Wala na yung kabilang party. E, kanya-kanya po."

Read: Julie Anne San Jose and Rayver Cruz: Better together

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

BIANCA'S NEW ACTING STINT

Samantala, kasali si Bianca sa pagre-restage ng award-winning theater play na SinaDasal ng Hiraya Theater Productions ni Direk Rommel Manansala.

Nanalo ang SinaDasal bilang Best Playwright sa Gem Hiyas Sining noong 2020 at Platinum Media Stallion Awardee for Theater Arts noong 2019.

Ang dalawa pang theater plays na muling itatanghal ng Hiraya Theater Productions ay ang New Yorker in Tondo at Frog Prince.

"Doon po talaga nagsimula [sa Hiraya Theater Productions]. As in humble beginnings po ng Hiraya. Doon sa sala namin nagpapraktis.

"Wala pang opisina, studio or, wala kaming lugar kung saan kami pwedeng magpraktis. Kaya doon kami sa sala ng bahay namin sa Sunville," pagre-recall ni Bianca.

Tuluy-tuloy na ba ang pagiging aktibo niya ulit sa pag-arte?

"Siguro nagpapahinga lang po kapag nanganganak ako. Pero I make sure na makagawa ng isang play sa isang taon," sagot ni Bianca.

"Sa showbiz, actually, nag-taping po ako recently. Natutuwa nga ako, e. Yun po ata ang maganda na ang background mo ay teatro.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kasi parang sabi nila sa akin noon, 'Uy, parang hindi ka nawala ng matagal.' Pero kasi sanay ako sa teatro. Wala kaming take two."



Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bianca Lapus on Sabrina M.'s "hindi kapani-paniwala" story that she had a relationship with Rico Yan and that Claudine Barretto knows about it: "Ano yun? May kabit ka with consent? May third party na with consent? Napakatalino naman ni Claudine para hayaan na gawin niya yun, di ba? Parang, 'Okey may babae ka, okey lang sa akin.'"
PHOTO/S: Julie Bonifacio / Noel Orsal / Claudine Barretto Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results