PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dingdong Dantes on Zia & Sixto's Actions

Dingdong on juggling several projects in GMA-7: "I love my job here in the network."
by Rose Garcia
Published Jul 14, 2023
Dingdong Dantes with wife Marian Rivera and kids
Dingdong Dantes on Zia and Sixto's interest on his work for Amazing Earth: "Akala ko tulog na sila. Maya-maya, sumusunod din sila. Kasi, hindi makatulog ang isa o dalawa kapag wala ako. Ang ending, nakikinig sila sa mga voiceover. Minsan, maririnig ang mga boses nila sa background kapag sina-submit ko na ang recording. Tapos, ginagaya pa nilang madalas. May sarili silang recording."
PHOTO/S: @dongdantes Instagram

Sabay-sabay ang buhos ng proyekto sa Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes, 42.

Read: Dingdong Dantes, muling pinatunayang karapat-dapat sa titulong "GMA Primetime King"

Ginagawa niya ang pelikulang Firefly ng GMA Pictures at ang Rewind na official entry para sa Metro Manila Film Festival 2023.

Nandiyan din ang mga programa niya sa GMA-7, ang Royal Blood, The Voice Generations, at Amazing Earth. Naka-break lang pansamantala ang hit game show na hinu-host niya na Family Feud.

"Yes, I think, mas busy ako ngayon. Busiest ever sa buong buhay ko," sang-ayon ni Dingdong ng makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

"Pero for me, being busy is good. Ang mahalaga riyan, hindi ako nawawalan ng oras sa aking pamilya."

"Yun naman ang pinakamahalaga riyan and nagagampanan ko ang tungkulin ko properly na walang naaapektuhan."

On a roll si Dingdong at ganado raw siya sa trabaho.

Lahad ni Dingdong: "At siyempre, nagagawa ko ang lahat ng yon na masaya ko. Kasi, I really love what I do. I love my job here in the network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"And lahat ng ginagawa ko ay talagang passionate ako about.

"Okay siya so far, kasi it’s very fulfilling na magawa ang mga bagay na to, especially through Amazing Earth, fulfilling din na gumanap ng iba’t ibang roles.

"Pero feeling ko, nagkasabay-sabay lang talaga."

Sinusulit daw niya ang oportunidad na binibigay sa kanya ng home network for 26 years.

"Kung manonood ka naman, hindi mo naman siguro maiisip kasi, iba naman ang nanonood ng drama, iba naman ang nanonood ng ganitong show.

"Although, sana lahat, panoorin nila. But yes, sa mismong proseso na ginagawa ko sa trabaho, e, gusto ko siya.

"Kahit na busy, siyempre, aaminin mo kahit papaano, napapagod ka rin e, nae-enjoy ko ang ginagawa ko as an artist. And most importantly, it helps me grow as an artist."

Masaya raw siya na nahihinang ang kanyang talento sa pag-arte, pati na sa hosting dahil iba ang estilo sa game show at iba rin kapag infotainment program tulad ng Amazing Earth.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Marian Rivera, in-assign si Zia sa pag-aalaga kay Sixto habang nasa trabaho siya

Sa mga proyekto ni Dingdong, ang Amazing Earth ang nasusubaybayan daw ng dalawang anak nila ni Marian Rivera, na sina Zia at Sixto.

Natatawang sabi ni Dingdong: "Hindi lang napapanood. Talagang bago matulog pati sa panaginip nila, naririnig nila. Kasi, ginagawa ko ang voice-over ng Amazing Earth dito sa bahay.

"So, meron akong device na talagang pang-broadcast quality siya. So ginagawa ko siya bago matulog.

"Kasi, kailangan na ganon para walang maingay, walang dumadaan na sasakyan. Kailangan malinis ang audio.

"So, tumatakas ako. Akala ko tulog na sila. Maya-maya, sumusunod din sila. Kasi, hindi makatulog ang isa o dalawa kapag wala ako.

"Ang ending, nakikinig sila sa mga voiceover. Minsan, maririnig ang mga boses nila sa background kapag sina-submit ko na ang recording. Tapos, ginagaya pa nilang madalas. May sarili silang recording.

"Minsan, nahuli ko sila. Sabi ko, 'Ano ang ginagawa niyo?' Sabi nila, 'Nagre-record ako ng Amazing Earth.' Tapos, ginagaya nila ang boses ko na parang storyteller.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya sabi namin kay Dingdong, di talaga malayong sumunod sa mga yapak nila ni Marian ang dalawang anak at papasukin din ang showbiz.

Read: Kapuso couple Dingdong Dantes, Marian Rivera to headline Star Cinema's "Rewind"

ON AMAZING EARTH'S FIFTH ANNIVERSARY

Bilang storyteller ng Amazing Earth, lumalago raw siya bilang isang mamamayan ng bansa.

Hindi raw talaga niya inakalang aabutin sila ng limang taon.

Ayon kay Dingdong, "Noong nag-umpisa kami, sabi namin, 'Magkakaroon kaya tayo ng second season?' Tapos, nagkaroon ng second season, nagkaroon ng first year hanggang sa nagtuluy-tuloy.

"Malaking factor rin ang pandemic. Yun ang time na malalaman mo kung paano ka makakapag-adapt sa ganitong situwasyon.

"And luckily, the people behind Amazing Earth were able to find ways to tell these amazing stories, despite our circumstances, di ba? Ang galing, naitawid."

Iba rin daw ang passion ng mga katrabaho ni Dingdong sa show.

Kuwento pa niya: "Five years na pala. And sa totoo lang, hindi rin namin naramdaman na limang taon na kasi it always feels like day one whenever we’re together on set.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kasi, ganon palagi ka-fresh yung aming mga kuwento at kahit ang aming mga sarili, palaging fresh din.

"Sa totoo lang, gustung-gusto naming bumibiyahe ng malalayo. Pumunta ng Palawan, Zambales. Pero ngayon, sa medyo malapitan na lugar muna."

ON NEW TIMESLOT

Ngayong Biyernes, July 14, sa ganap na 9:35 p.m.ang unang episode ng Amazing Earth sa bago nitong timeslot.

Ito ang dating timeslot ng comedy sketch show na Bubble Gang, na nailipat tuwing linggo ng 6 p.m.

Read: Paolo Contis on axed Bubble Gang cast members: "We're not taping friends. We're friends."

Paano niya nga ba tinitingnan ang bagong timeslot ng Amazing Earth?

"Maraming bagay, lalo na kapag anniversary, katulad ngayon, fifth anniversary, gusto mo rin na marami kang maipapakitang bago to your loyal viewers and to your new viewers.

"In this case, siyempre, dahil siyempre bagong time-slot, we also hope that there will be new viewers sa ating programa.

"Siyempre, sa Kapuso Network, kahit na number one station, I think the network always work hard para maibigay palagi ang gusto ng viewers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, yung weekend programming, mas pinaganda pa at pinalakas. Since Friday night naman talaga ang umpisa ng weekend. Pagkatapos ng trabaho, school, Biyernes talaga ang umpisa niya.

"So, ibig sabihin, ready ka na to enjoy the weekend. So, ang Amazing Earth, makokonsider na pambungad sa weekend na programa."

Sabi pa niya, “Sana maging Friday night habit po ito.”

Sa tanong na kung siya ang tatanungin, gaano ka-amazing naman ang kanyang ‘earth’ o ang kanyang mundo?

"Ang mundo ko, siyempre, lalo na kung kasama ko ang pamilya ko, bongga," natawang sabi ni Dingdong.

"Siyempre, it’s very, very healthy. Siguro that’s how I would want to describe it. Masaya."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dingdong Dantes on Zia and Sixto's interest on his work for Amazing Earth: "Akala ko tulog na sila. Maya-maya, sumusunod din sila. Kasi, hindi makatulog ang isa o dalawa kapag wala ako. Ang ending, nakikinig sila sa mga voiceover. Minsan, maririnig ang mga boses nila sa background kapag sina-submit ko na ang recording. Tapos, ginagaya pa nilang madalas. May sarili silang recording."
PHOTO/S: @dongdantes Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results