PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Alden Richards: Happy with My Wealth

“Ang breakfast ko po minsan ay cup noodles, and then ang baon ko po ay PHP50."
by Bernie V. Franco
Published Jul 14, 2023
alden richards
Alden Richards recalls imagining the life of his well-off classmates. “Ini-imagine ko po yung buhay nila—yung gigising ka yung breakfast mo meron kang bacon, egg, and sinangag."
PHOTO/S: YouTube (GMA Network)

Gaano na ba kayaman si Alden Richards? Gaano karaming yaman ang gusto niya?

Ilan lang ito sa mga tanong na ibinato sa Kapuso A-lister nang mapag-usapan kung gaano na ba kalaki ang ipon niya.

Sa guest appearance ni Alden sa Fast Talk With Boy Abunda ngayong Biyernes, July 14, 2023, tinanong siya ni Boy Abunda, “How rich do you want to be? How much money do you want? How wealthy do you want [to be]? How much are you worth today?

Sagot ni Alden, “To tell you po, honestly, everything that I have now I am perfectly contented with money.”

Read: Alden Richards admits he once let sucess go to his head

Sa kabila nito, hindi naman daw ito nangangahulugang hindi na niya kailangang magtrabaho.

Puwede na ba siyang tumigil sa trabaho at mamuhay nang kumportable hangga’t nabubuhay?

“No, di po,” sagot ni Alden.

Sabi pa niya, “There’s this wise man who once told me, ‘Never kill the goose that lays the golden egg,’ and right now po, that’s my career.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“A huge chunk of my income still comes from my job as an actor, as an artist, and mahal ko po ang trabaho."

Pag-amin ni Alden, “Merong mga times na talagang umaayaw na po ako."

Pero dugtong din niya, “Hindi pa po nawawala ang passion ko sa kanya, of course, with all the things that’s coming right now,” pagtukoy sa sunud-sunod na proyekto.

Read: "World’s richest beggar" in India has PHP48M net worth? Netizens eyeing career change

CUP NOODLES AND PHP50 baon

Binalikan din ni Alden kung gaano na kalaki ang nabago sa kanyang buhay mula nung sumikat siya.

Nung nag-aaral daw siya, ini-imagine niya ang buhay ng kanyang mga kaklaseng mayayaman.

“Nung nagkakaisip na po ako, being sa school, siyempre mayroon tayong classmates na well-off…

“Ini-imagine ko po yung buhay nila—yung gigising ka yung breakfast mo meron kang bacon, egg, and sinangag.

“Tapos ang baon mo is PHP200 a day, tapos hatid-sundo ka ng service.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi raw kasi mayaman sina Alden noon.

“Ang breakfast ko po minsan ay cup noodles, and then ang baon ko po ay PHP50.

young alden richards

“Maraming hindi puwede during that time because of financial constraints, lalo yung field trip.

“Kasi feeling ko po kasi noon pag nakakasama ka sa field trip, well-off ka.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Madalas daw ay hindi nakakasama si Alden sa field trip dahil sa kakulangan ng pera.

“Or nakakasama man, nakautang po si Mama, or si Dad biglang nagka-bonus…”

Ang malinaw raw sa alaala ni Alden ay kinakabahan siya sa tuwing may paparating na field trip dahil hindi niya alam kung makakasama siya.

Kaya naman tunay na malaking pagbabago ang naranasan ni Alden na isa na ngayon sa pinakasikat na artista sa local showbiz.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alden Richards recalls imagining the life of his well-off classmates. “Ini-imagine ko po yung buhay nila—yung gigising ka yung breakfast mo meron kang bacon, egg, and sinangag."
PHOTO/S: YouTube (GMA Network)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results