“She was so close,” sambit ng host na si Martin Fitch pagtukoy kay Pauline Amelinckx, ang pambato ng Pilipinas sa Miss Supranational 2023 pageant.
Itinanghal na first runner-up si Pauline sa makapigil hiningang announcement ng grand winner ng international pageant.
Hindi naitago ni Pauline ang pagiging emosyonal na halatang inasahan ng marami mag-uuwi ng korona.
Itinanghal na winner si Andrea Aguilera ng Ecuador.
Samantala, narito naman ang iba pang runners-up sa 14th Miss Supranational ngayon taon:
2nd runner-up - Sancler Frantz (Brazil)
3rd runner-up - Emma Rose Collingridge (United Kingdom)
4th runner-up – Ngân Ðang Thanh (Vietnam)
Ang nagpasa ng korona ay si Lalela Mswane ng South Africa.
Si Lalela ay naging second runner-up sa Miss Universe 2021 pageant.
Unang tinawag ang Top 24 semi-finalists. Narito ang mga kandidatang nakapasok:
Curacao, Philippines, Zimbabwe, Brazil, Malaysia, Colombia, Spain, Botswana, Poland, Puerto Rico, Netherlands, Mexico, Indonesia, Ecuador, Gibraltar, South Africa, Venezuela, Vietnam, United Kingdom, Dominican Republic, Thailand, Peru, El Salvador, India
Read: PH bet Pauline Amelinckx makes it to Top 24 of Miss Supranational 2023
Kasunod nito ay pinili ang Top 12.
Read: Pauline Amelinckx advances to Top 12 of Miss Supranational 2023
Higit sa 60 kandidata ang sumali sa 14thh Miss Supranational na ginanap nitong July 14 (July 15 sa Pilipinas) sa Strzelecki Park, Nowy Sacz sa Poland.
