Hindi nagustuhan ni Lea Salonga ang pag-barge in ng “fans" niya sa dressing room ng international singer-actress sa Broadway Theatre, sa New York, kung saan ginaganap ang tinatampukan niyang Broadway musical, ang Here Lies Love.
Kumakalat ngayon sa social media ang video na kuha ng grupo ng fans na pumasok sa dressing room ni Lea matapos ang show.
Mapapanood sa viral video ang ganitong eksena:
Fan: "Hi Miss Lea! Can we take pictures with you?"
Lea: "Who are you? I'm sorry, I don't know who you are.”
Fan: "We're just a fan...please.”
Mapapansing hindi kumportable si Lea sa sitwasyon, ngunit maayos pa rin niyang ipinaliwanag sa "fans" na kung wala sa guest list ay hindi pinapayagang pumasok sa dressing room niya para na rin sa kanyang security.
Ani Lea, “If you're not on the guest list we cannot have you back here. So, you'll have to get to the door because if I allow this now then other people are gonna take advantage.”
Ayon naman sa isa, co-producer diumano siya ng nasabing show kasama ang U.S.-based Pinay actress na si G Tongi.
Tugon ni Lea, "Oh, okay, so that's why you're not on the guest list.”
Sinabihan ni Lea ang grupo na pumunta sa may exit door ng teatro para doon sila mag-picture-taking.
Aniya, “I'll see you at the door but don't go outside. Stay inside the door."
Naintindihan naman daw ng "fans" ang naging reaksiyon ni Lea, at humingi pa sila ng pasensiya.
Kalaunan, nakapag-picture din sila sa Broadway star.
NETIZEN FACEBOOK POST
July 15, 2023 nang ibahagi sa Facebook ng kumuha ng video ang naging engkuwentro nila kay Lea.
Kalakip nito ang mahaba niyang salaysay tungkol sa nangyari. Pakiramdam daw niya ay "para kaming mga Basurang pinagtabuyan" ni Lea sa harap umano ng ibang mga tao.
Bahagi ng post niya (published as is): “Bahala na po kayo humusga.
“Sa Truth Lang i am very PROUD of Miss LEA SALONGA kasi nga siempre naman isa siyang Karangalan ng ating bansa.. ganun pa man hindi ako super FAN niya kasi alam na alam niyo naman na Nag-iisa lang ang SUPER IDOL KO,, walang iba kundi ang Nag iisang MEGASTAR Sharon Cuneta
“Dear Ate Charo,
“Ipopost ko ito kasi Happy ako at nakita ko siya in person at hindi lang in person kundi napakamalapitan pa. As in… super lapit..
“Etong VIDEO na ito ay Part 2 na ( eksena sa dressing room ) ang Part 1 ay naganap right after the show sa baba ng entablado na ang naiwan nalang ay iilang staff bago kami nakapasok ( sayang hindi ko nakuhaan ng video yun dahil nga sa sobrang kilig at excitement))) pero promizzz mas mas mas malala yung PART 1 - hindi ko navideohan kasi nga picture ang habol namin at reallyyy,,,diko ineexpect na ganun ang magiging Ganap..…
“At eto nga,,dahil ramdam ko na mangyayari ulet yung nangyari sa part 1 ganap.. PAK… ang lakas talaga ng Pakiramdam ko na ganun ulet ang gagawin niya kaya talagang hinanda ko ang video ko at ayun, SAPUL NA SAPUL ganyan na ganyan ang eksena sa unang ganap na hindi ko navideo..
“promizzz mas malala pa kasi para kaming mga Basurang pinagtabuyan sa harap ng mga taong anduon (filipino at amerikano…)) hayyyy naku ha ayaw kong Mabashhh…Real story ito."
May mensahe rin ang nag-upload ng video para sa Pinay international star.
Kung wala man daw sila sa guest list, sana raw ay bilang "Kapwa PILIPINO" ay mapagbigyan sila kahit picture man lang—na pinaunlakan naman ni Lea sa tamang lugar.
Kumambiyo pa ang netizen, na noong una ay sinabing "fan" siya, pero ang totoo raw ay Sharonian siya at "sabit lang" siya sa panonood ng Here Lies Love at ang mga kasama niya raw talaga ang fans ni Lea.
Ikinumpara pa ng uploader si Lea kay Sharon Cuneta, na ito pa raw ang tatawag sa fans "para YAKAPIN, HALIKAN AT SIYA PA HAHAWAK NG PHONE NIYO PARA MAKAPAGPAPICTURE."
Ito ang kabuuan ng mensahe ng netizen patungkol kay Lea:
“Para kay Ate LEA,
“If ever naman po na mali kami at wala sa guest list , the Fact na andun na kami para lang magpapicture .. pumila at nagbayad ng mahal para sa Show, siguro naman po bilang Kapwa PILIPINO at mga FANS eh mabigyan ng kahit konting RESPETO AT KAHIT HINDI NA YAKAPIN OR I BESO ay mapagbigyan na kahit sandaling Magpa PICTURE ( mabilis lang naman yun )
“Naku ha, mahaba na itong Drama,, anyway basta ako okey lang ako, SHARONIAN AKO NOH at sabit lang ako na nanuuod ng HERE LIES LOVE sa New York
“Nalungkot lang ako para sa mga kasama ko na mga FANS NIYA TALAGA.
“Sabi ko nga sa kanila , next time na may CONCERT SI ATE SHAWIE isasama ko kayo.
“At makikita niyo kayo pa ang tatawagin nun para YAKAPIN, HALIKAN AT SIYA PA HAHAWAK NG PHONE NIYO PARA MAKAPAGPAPICTURE.
“Grabeeeee haaaaa
“Watch till the end kasi hindi lang kami ang nabigyan ng Award meron pang iba….
“Anyway promote ko padin.
“sa lahat ng mga kababayan nating pinoy sa amerika, watch niyo ang HERE LIES LOVE sa BROADWAY. IPARAMDAM NATIN ANG suporta SA MGA magagaling nating FILIPINO Talents dito sa amerika
“Who are you? I dont know you
“- we are just a Fan po…..
LEA SETS BOUNDARIES
Sa kanyang Twitter ngayong araw, July 17, nag-post si Lea tungkol sa backstage encounter niya sa Pinoy fans na gustong magpa-picture sa kanya.
Makahulugang mensahe niya: "Just a reminder… I have boundaries. Do not cross them. Thank you."
Sumagot dito ang ilang netizens na nakapanood sa viral video.
Ayon sa isa, "They got too comfortable lol. Btw, just to inform you, during your turn in hll nag live po sila which is so wrong. They deleted it lang. anywaysss, stay safe and take care, Ms. Lea"
Tugon ni Lea, "Ayyyyyy pu*ang*nang katangahan."

Ayon pa sa isa, "This is it. This is what setting healthy boundaries looks like. And a person who sets her boundaries also respects others' boundaries and private spaces."
Sagot ni Lea, maging ang mga kasamahan niya sa Broadway musical ay hindi nagpupunta sa kanyang dressing room kahit masasabing mga kaibigan na niya ang mga ito.
Aniya, "Okay, real life demonstration: none of the actors in HLL have been to my dressing room. Not Arielle, Jose, Conrad, Melody, or anyone else. These are already friends and co-workers, and yet they respect my boundaries! So who is anyone else to want to invade my space? Make it make sense!"

Dagdag ng isa pang netizen, "yes, and it should be respected. regardless of who you namedrop to "gain vip access"
Tugon niya, "and make sure the person you name-drop actually knows you exist."

NETIZENS' REACTIONS
Samantala, may 1.7 million views na ang video na ipinost ng "fan" na pumunta sa dressing room ni Lea.
Imbes na simpatiya, kinuyog siya ng netizens dahil sa pag-invade daw nito sa privacy ni Lea.
Sabi ng isang netizen: “So not only did this audacious intruder invade Lea Salonga's dressing room uninvited, but he also had the nerve to video record her entire performance, which is clearly not allowed? And on top of that, he had the audacity to shout 'walang kupas' during her performance? Are you kidding me? Who does this guy think he is?
"And let's not forget his 'I love you, Lea' declaration. Wait a minute, wasn't he the same person who claimed not to be a fan of Lea just moments ago? Talk about a major contradiction! This guy must think he's some sort of comedian, but newsflash buddy, you're just coming off as delusional and disrespectful.
"But wait, it gets even better. He then has the guts to shout, 'kaso Marcos ako eh' during Lea's performance? Seriously? What does that have to do with anything? Are we attending a political rally or a concert? It's mind-boggling how some people can't seem to grasp the concept of appropriate behavior and respect for others.
"Lea Salonga deserves to perform in an environment free from such disruptions and disrespect. It's high time we call out these attention-seeking individuals and remind them that their actions have consequences. So, to the intruder in question, kindly take several seats and rethink your life choices. Lea Salonga is a talented artist who deserves respect, not your misguided attempts at seeking attention."


Narito ang iba pang dumipensa kay Lea:





Narito naman ang mga kumampi sa nasabing netizen:



