July 10, 2023, inanunsiyo ni Kris Aquino ang hiwalayan nila ni Batangas Vice-Governor Mark Leviste, na tinatawag niya laging “Marc.”
Read: Kris Aquino reveals breakup with Mark Leviste
Ngayong Lunes ng gabi, July 17, 2023, sa pamamagitan ng Instagram, ipinaliwanag ni Kris kung bakit humantong siya sa desisyong tapusin na ang kanilang relasyon.
Nag-post siya ng selfie kasama ang dalawang anak na sina Joshua Aquino at Bimby Yap.
May dalawa ring notes na kasunod ito.
Sabi ni Kris sa unang note, "I gave you a cleansed version of why I ended my relationship with Marc.
“I didn’t lie when I said a long distance relationship is difficult.
“BUT I saw he has many dreams left to fulfill and many obligations to the people who gave him their vote.
“Sadly, I’m in the battle of my life precisely because I’m doing all I can to save my life because my 2 sons still need me.
“I’m realistic enough that Marc has a life beyond trying to help take care of me.”
Dagdag pa ni Kris, mahirap na dadagdagan pa niya ng stress ang kanyang buhay ngayong may karamdaman siya at pinipilit magpagaling.
Hindi na rin nagpaliguy-ligoy si Kris at sinabing tao lang siya at hindi niya kayang tingnan ang mga post ni Mark na nag-e-enjoy habang siya ay nagdurusa.
Saad niya, “I apologize for seeming selfish but why I will add stress in my life when I see his posts enjoying himself when I am suffering 8,000 miles away?
"If we had tried to stay together as a couple the ending would still be the same, tao rin ako na mapipikon at magtatampo dahil mararamdaman kong, hindi ba nya naisip ang hirap na pinagdaanan ko?”

“WE JUST WEREN’T MEANT FOR EACH OTHER"
Sa ikalawang note, sinabi ni Kris na wala siyang sasabihing masama ukol sa ex-boyfriend.
Pero nararamdaman daw niyang hindi handa si Mark sa "responsibilidad" sa pakikipagrelasyon sa isang babaeng tulad niya na "pinahiram na oras lamang ng Diyos."
Hindi raw sila magkaaway, hindi lamang talaga sila “meant for each other."
Saad ni Kris (published as is), “Kaya minabuti ko nang sa akin nang manggaling kasi nakita at nararamdaman kong hindi sya handa sa responsibilidad ng seryosong relasyon kasama ang isang babae na tinatanggap ang realidad na yung buhay nya ngayon ay pinahiram na oras lamang ng Diyos.
"Pareho kaming may karapatan na mabuhay sa paraan na pinaka-payapa ang mga puso namin.
“I’m keeping my word that he will never read nor hear me saying anything negative about him because what for?
“We’re not enemies, we just weren’t meant for each other.”

Caption ni Kris sa post, “Kuya isn’t wearing a turban, that’s my sleep mask… The reasons i refuse to give up… and the TRUTH i owe you (i forgot to say thank you in the art cards to marc @markleviste for staying until bimb was a day away from finishing his medicine. )”
View this post on Instagram
Maiksing komento ni Mark, “Love, love, love you-all [three yellow heart emojis]”

