Nagsalita na ang ina ni Rico Yan na si Sita Yan sa kontrobersiyang may kinalaman sa rebelasyon ng dating sexy star na si Sabrina M.
July 6, 2023 nang isapubliko ni Sabrina ang tungkol sa diumano'y lihim na relasyon nila ni Rico noong nabubuhay pa ang aktor.
Ayon kay Sabrina, "taon" o "more than two years" ang itinagal nila ni Rico hanggang sa pumanaw ito noong March 29, 2002.
Read: The rise, fall, and return of Sabrina M.
Hindi nagustuhan ni Sita na nadadawit sa kontrobersiya ang pangalan ng anak na matagal nang nananahimik.
Kahapon, July 17, 2023, naglabas ng opisyal na pahayag si Sita sa pamamagitan ng text message na ipinadala ng anak niyang si Bobby Yan sa comedian/vlogger/talent manager na si Ogie Diaz.
"It has been 21 years since Rico passed on March 29 2002.
"The pain of the family losing a son and a brother, has been permanently etched into our being.
"The recent news swirling around Rico is very unfair," bungad ni Sita.
Umapela siya sa publiko na tigilan na ang espekulasyon tungkol sa anak.
"He is no longer around to give his comment, to either refute, deny, or acknowledge the claims.
"It is not only unfair but disrespectful."
Hindi tuwirang binanggit ni Sita si Sabrina M., pero sa mga sumunod na salita ay mahihinuhang ito ang tinutukoy niya.
Sabi ni Sita: "I ask everyone concerned to please STOP using Rico's name for their own individual purposes.
"Please leave Rico, and us in peace."
SABRINA M.'S REVELATION
Naungkat ang isyu tungkol kay Rico sa isang pocket presscon para sa upcoming movie ni Sabrina M.
Sa kanyang pagbabalik-pelikula, nausisa ang dinanas niya nang siya ay makulong mula 2016 to 2018 dahil sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Dangerous Act of 2002).
Kasabay nito ay inusisa rin ng press kung totoo ang bali-balita noon na naugnay siya kay Rico Yan, at kung isasama ba niya ang impormasyong iyon sakaling isapelikula ang kanyang talambuhay.
Dito na sinabi ni Sabrina na nagkaroon nga raw sila ng relasyon ni Rico.
Sabi pa ni Sabrina, alam ng ex-girlfriend ni Rico na si Claudine Barretto, pati na ng kapatid ni Rico na si Bobby, ang tungkol dito.
CLAUDINE CAMP'S CALL FOR PUBLIC APOLOGY
Pero umalma si Claudine at sinabing hindi totoo ang alegasyon ni Sabrina.
Read: Claudine Barretto, nagpasalamat kay Katrina Paula "for telling the truth"
Sa radio show ni Cristy Fermin noong July 13, ang abogado ni Claudine na si Atty. Ferdinand Topacio ay nagbanta ng demanda laban kay Sabrina kung hindi ito mag-iisyu ng public apology.
Nanindigan naman si Sabrina na totoo ang binitawan nitong mga salita tungkol sa kanila ni Rico.
Hindi raw magso-sorry ang dating sexy star.
Read: Sabrina M. sticks to claim about relationship with Rico Yan: "Wala pong apology na magaganap."
Naglabas din si Sabrina ng pahayag sa tulong kanyang abogado na si Atty. Juman Paa, na founder ng Knowledge Advocate of Volunteer Lawyers for Free Legal Assistance.
"Our client, Sabrina M, will not issue a public apology.
"The purported offended parties may file a case to assert their rights allegedly violated by Sabrina, in the same vein that cases are now being prepared against certain individuals who, in their attempt to silence Sabrina, intentionally committed criminal acts against her," saad ni Atty. Paa.
Read: Lawyer says Sabrina M "will not issue a public apology"
