Mariing pinabulaanan ng dating Pinoy Big Brother teen housemate na si Criza Taa ang pagkakadawit ng kanyang pangalan sa diumano'y hiwalayan ng dancer-actress na si AC Bonifacio at BGYO member na si Nate Porcalla.
Nagsimula ang isyu matapos paratangan si Criza sa social media na siya ang "third party" sa umano'y panloloko ni Nate kay AC noong magkarelasyon pa sila.
Agad namang nilinaw ni Criza ang kumakalat ng balita.
Sa pamamagitan ng Twitter post niya noong July 16, 2023, itinanggi niyang may namamagitan sa kanila ng BGYO member.
Ayon kay Criza, kailanman ay hindi siya nakipag-date kay Nate. Hindi raw sila magkaibigan o close sa personal kung kaya't hindi niya alam kung bakit nadawit siya sa isyung hiwalayan nina AC at Nate.
Mababasa sa kanyang tweet (published as is), "here to address the issue, i’m not with bgyo nate. never dated him/went out with him.
"i have NOTHING to do with the issue. Ac & i talked already, she apologized and we’re ok.
"I hope we don’t believe whatever we see on social media esp without proof [smiley emoji] di para maging kabit huy!!"
Pero inamin ni Criza na inaya siya noon ni Nate na lumabas at makipag-date ngunit agad daw niya itong tinanggihan dahil malaki ang respeto niya kay AC.
Saad niya, "+ just what i said, i never went out with him or entertained him but to make things clear & para alam niyo po san nang galing to.
"he did message me asking me to go out but i didn’t went cause nate & i are NOT even close/friends. & i have respect for AC.
“ms GRWM [Get Ready With Me] is girls girl 4ever.”
AC BONIFACIO’S REACTION
Nagbigay naman ng reaksiyon si AC sa tweet ni Criza.
Agad niya itong ni-repost. Pahapyaw niyang sinabi na alam niya ang buong katotohanan at nagkausap na sila ni Criza.
Ani AC, “Criza and I know the whole truth. She and I talked already and she had nothing to do with this po.
“Maraming nadadamay and sadly, nasali pa po kami ni Criza.
“Thank you, Criza. Hope this cleared things out.”
Dagdag pa AC, magkaiba ang sinabi sa kanya noon ni Nate sa sinasabi naman ngayon ni Criza na pinormahan siya ng dating nobyo nito.
Sabi ni AC, “And the story he told me was different. I’m glad the truth is out. Girls 4 Girls.”
MORE TESTIMONIES ABOUT NATE'S ALLEGED INFIDELITY
Maliban kay Criza, mayroon pang dalawang netizens na lumantad para raw patotohanan ang pagiging manloloko ni Nate.
Isang non-showbiz girl ang nag-post sa Twitter at ibinunyag ang pagtataksil umano ni Nate sa relasyon nila ni AC.
Ayon sa Twitter user na si Choc, maging siya ay biktima rin ni Nate.
Minanipula raw siya ni Nate para paniwalaing wala itong karelasyon noon para tuluyan siyang ma-in love sa binata.
Sabi pa ni Choc, hindi naman niya talaga gusto si Nate pero patuloy raw ang pangungulit nito sa kanya sa pamamagitan ng halos araw-araw na pagtsa-chat.
Bahagi sa salaysay ni Choc (published as is), “To address a matter of the circulating issue. I want to firmly assert my innocence because Nate manipulated me into thinking that he had 'no one' that time.
“I never liked or dated Nate and I was clearly not interested in him but yes, Nate was constantly messaging me while also fixing things with ac.
“You don’t tell girls 'I love you' at the same time right do you?”
Nahuli raw ni AC ang kalokohang ito ni Nate, at walang kaabug-abog ay ipinagtapat din sa kanya ni Choc ang panloloko na ginawa nito.
Sabi ni Choc, “Ac and I, both of us girls knew nothing. Ac caught him and I immediately grabbed the opportunity to talk to AC, we talked and figured things out.
“Ac and I became friends because I am willing to provide any necessary information that could help to clarify my position, should it be required.”
Sa huli, nanindigan si Choc na kailanman ay hindi niya ito-tolerate ang cheating at manipulation.
“I believe it is essential to establish and acknowledge the facts accurately.
“I want to make it unequivocally clear that I knew nothing and I would never tolerate cheating and manipulating.”
Ang pahayag na ito ni Choc ay sinang-ayunan naman ni AC, at kanyang ni-retweet kalakip ang caption na “again, girls for girls.”
Ilan pa sa biktima ng umano’y panloloko ni Nate na naglakas-loob lumantad ay ang Twitter user na nagngangalang Reich.
Sa Twitter, ikinuwento ni Reich ang interaction umano sa pagitan nila ni Nate na nangyari lamang noong Star Magic Prom.
Lahad ni Reich, sa rehearsal pa lang ng kanilang sayaw ay ramdam na niya ang pagiging touchy ni Nate.
Kinukulit din daw siya nitong lumabas at makipa-date gayong noong mga panahong iyon ay minor pa lamang siya at alam niyang karelasyon pa nito si AC.
Pagbabahagi ni Reich (published as is), “I wanted o open up about something i’ve been seeing on twitter about my bestfriends reply to a specific issue regarding BGYO Nate.
“To keep this all short and simple this happened back during starmagic prom, Nate kept saying he wanted to take me out on a date (keep in mind he was with ac at that time AND im still a minor, I am 17) but he kept telling me he has no girlfriend.
“Fast forward during prom he started being even more flirty and touchy which made me very uncomfortable.
“I first asked my friend about this guy and they told me he’s with ac. So I immediately told ac about this whole issue and Nate started getting mad at me after ac found out what he was been trying to do.”
Napagdesisyunan daw ni Reich na lumantad at magsalita dahil sa paniniwala niyang walang sinumang babae ang puwedeng masaktan at maloko.
Umaasa rin si Reich na sana’y matigil na ang kalokohan ni Nate at harapin nito ang gulong pinasok niya.
Ani Reich, “Im speaking up because no girl ever deserves to be treated this way and you will never understand how cheating feels until you experience it.”
Dagdag pa niya, “Stop tolerating the actions he’s been doing.”
Ang rebelasyong ito ay nakaabot din kay AC. Ni-retweet din niya ito at sinamahan niya ng caption na, “And again, he told me a different story.”
AC-NATE RELATIONSHIP
Matagal nang palaisipan sa mga tagahanga nina AC at Nate ang totoong estado ng kanilang relasyon dahil sa pagiging malapit nila sa isa't isa.
Noong 2015 unang nagkasama sina AC at Nate nang sumali sila sa ABS-CBN dance competition na Dance Kids Philippines.
Sa panayam ni AC sa TV Patrol entertainment reporter na si MJ Felipe noong 2022, natanong siya kung ano ang real score nila ng BGYO member.
Saad ni AC, "Everybody knows naman naman na Nate and I have been friends since seven years ago, six years ago, cause we both joined Dance Kids Philippines together.
"Ever since, we really have been friends, he’s a part of my group of friends outside the industry.
"A lot of people do ship us since dati pa po but, yeah, I don’t know what to say. We’re very, very good friends and we support each other through it all.”
Sundot na tanong ni MJ, "So, nothing romantic?"
Nagdadalawang-isip at natatawang sagot ni AC, "Wala po akong masabi."
May 2023, napansin ng mga mapanuring netizens na in-unfollow nila sa Instagram ang isa't isa.
Bagay namang ipinagtataka ng kanilang fans, gayong sinabi ni AC na matalik silang magkaibigan ni Nate.
Habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang inilalabas na statement ang talent management ni Nate na Star Magic patungkol sa nasabing isyu.
