PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

‘That’s Entertainment’ alumni reunite at Ricky Rivero’s wake

Former ‘That’s Entertainment’ stars pay tribute to Ricky Rivero.
by Jerry Olea
Published Jul 19, 2023
that's entertainment alumni ricky rivero wake
'That's Entertainment' alumni post for a group photo at their colleague Ricky Rivero's wake at Loyola Memorial Chapels in Commonwealth, Quezon City, Tuesday night, July 18, 2023.
PHOTO/S: Jerry Olea

Tigib ng luha at tawanan ang reunion ng That’s Entertainment (1986-1996) alumni sa burol ni Ricky Rivero nitong Hulyo 18, 2023, Martes ng gabi, sa Loyola Memorial Chapels, Commonwealth Avenue, Quezon City.

Si Ricky ay pumanaw noong Juky 16, 2023. Siya ay 51.

Read: Actor-director Ricky Rivero dies at 51

Matapos ang Misa ay isa-isang lumapit ang pamilya ng That’s… sa kabaong ni Ricky at winisikan ito ng tubig.

Kabilang sa mga nandoon sina Harlene Bautista, Federico Moreno, Karla Estrada, Sharmaine Arnaiz, Jennifer Sevilla, Jennifer Mendoza, Don Umali, Chuckie Dreyfus, Jojo Abellana, Melissa Silvano, Cecille Galvez, Reyna Arroyo, Maffi Papin, at marami pang iba.

Nagyakapan sila sa pagsasalo sa pighati. Lumagaslas ang kanilang luha.

that's entertainment ricky rivero wake

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nandoon din ang tiyo ni Ricky na si Phillip Salvador, na isiniwalat na ginawa niyang “action star” ang pamangkin sa pelikulang Ikasa Mo, Ipuputok Ko (1990) na pinagbidahan ni Phillip.

Read: Showbiz friends, colleagues remember Ricky Rivero

TRIBUTE TO RICKY RIVERO

Si Harlene Bautista ang nag-host ng programa sa paggunita at pagpupugay sa namayapang aktor-direktor.

Pinatayo muna ni Herlene ang mga kasamahan ni Ricky sa Wednesday group ng That’s Entertainment. Pagkaupo ng mga ito, pinatayo na ni Harlene ang lahat ng taga-That’s na present pa ng gabing iyon.

Sabi ni Harlene, “Bigyan natin ng isang final na masigabong palakpakan si Ricky!”

Agad silang tumalima sa iniatas ni Harlene, at may mga humiyaw pa.

Salaysay ni Harlene, “Actually dun sa Viber group ng That’s family, nakalagay dun, after the Mass, a simple and short na parang honoring lang, a tribute for Ricky would follow.

“I’m not sure if this is gonna be simple and short because all of us love Ricky. And kulang ang oras.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi natin mapipigilan na magkuwento ng magagandang mga bagay, magagandang alaala natin with Ricky.

“Alam natin kung gaano siya kasayang kasama, gaano siya magmahal sa friend, gaano siya… alam nating hirap siya, e, di ba?

“Alam nating nahihirapan siya. But I’m sure, hindi lang ako, lahat tayo pini-PM niya and always says he loves us.

“And ahhm, sumasagot naman siguro tayong lahat at nag-a-'I love you' back sa kanya. And we really love Ricky.

“Ako, way back, may sayaw kami ni Reyna Arroyo, siya, ako, sa tugtog na 'Rocket 2 U.' The Jets ang kumanta nun.

“So, ano talaga, he’s my favorite dance partner. He’s the only lifter that I trust.

“Tatlo lang yata sila sa That’s na nakaka-lift nang one hand. Kaya niyang mag-lift nang isang kamay lang.”

Naalala ni Harlene na ang nili-lift ni Jojo Abellana ay si Jennifer Mendoza.

Si Don Umali na lifter ng Thursday group, ang nili-lift naman ay sina Gladys Reyes at Jennifer Sevilla

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Sample!” bulalas ng ilan.

Sambot ni Jojo, “Kaya kong i-lift lahat maliban si Ricky!”

Natatawang pag-ayon ni Harlene, “Oo nga naman. Walang makaka-lift kay Ricky kundi sarili niya.”

Read: Ricky Rivero recounts his ordeal two weeks after stabbing incident

harlene bautista ricky rivero wake

Harlene Bautista

WEDNESDAY GROUP

Marami pang magagandang alaala at kuwento si Harlene tungkol kay Ricky.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi ko na ikukuwento kasi ano lang ako dito, host lang ako. Kasi… kasi, yung anak ng Master Showman, nandun, e,” sabay turo ni Harlene sa kasintahang si Federico Moreno na nasa gilid.

Ang "Master Showman" na tinutukoy ni Harlene ay ang kanilang yumaong mentor na si German "Kuya Germs" Moreno.

Pagpapatuloy niya, “Ayaw niyang mag-host… Wednesday din ako! Wednesday ako nag-start, tapos Thursday, then Monday.l

“Pagpasok ko sa That’s, isa si Ricky sa mga naging barkada ko kaagad. Ako, siya, and Rachel Alejandro.

“And then si Reyna nga, and pumasok na sina Cecille… Kasi, Thursday tayo nagkasama,” sabi ni Harlene sa ibang taga-Thats.

Ang unang nagsalita ay ang isa sa mga matatalik na kaibigan ni Ricky na choreographer ng Wednesday group, si Eugene delos Santos ng VIP Dancers. Ito ang pasimuno ng lifting.

Ikinuwento ni Eugene ang working relationship at friendship nila ni Ricky na nag-umpisa noong paghandaan ng Wednesday group ang anniversary presentation ng kanilang grupo noong 1990 sa Araneta Coliseum, Cubao, Quezon City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Si Ricky, isa sa mga pader ng Wednesday group. Pag hindi lumabas si Ricky, walang highlight,” paggunita ni Eugene.

“Kasi Ricky ang tao na talagang sasabihin mo na, ‘Ahh magagawa niya ito talaga.’

“I did a choreography sa Wednesday group, ginawa ko iyong 'Salamin ng Buhay.' Binuhat ako ni Ricky.

“Tumaas ang kilay ni Ate Vi [Vilma Santos], ‘Hindi ko kaya yun.’ Kinaya ni Ricky.”

Read: That's Entertainment love teams to reunite for quarantine music video

that's entertainment alumni

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

(From left) Karla Estrada, Jojo Abellana, Melissa Silvano, Cecille Galvez, and Jennifer Mendoza

RICKY AS A LIFTER

Wala na sa Wednesday group si Harlene sa 1990 anniv ng That’s.

Naalala niya na tinalo ng Wednesday group ang group na kabilang siya, kaya nag-congratulate siya sa mga ito. Hagalpakan ng tawa ang Wednesday group.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagpapatuloy ni Harlene, “Feeling ko nga, ang daming binuhat ni Ricky. Ang dami-dami niyang binuhat!

“So, parang it reminds us na kahit ano pa yan, let us all be Ricky. Let us all be Ricky na laging masaya.

“Kahit andami-dami na niyang problema, andami-dami niyang iniisip, andami-dami niyang nararamdaman sa katawan, pero he always has a positive outlook in life.

“And siya pa ang nagpapasaya sa ibang tao. Siya pa yung ma-'I love you.' Siya pa ang nangungumusta. So, let’s all try to be Ricky.”

Palakpakan muli ang mga taga-That’s at iba pang nakikipaglamay.

Ang sumunod na nag-share ng beautiful memories ay si Melissa Silvano na isa sa mga best friend ni Ricky sa That’s.

melissa silvano ricky rivero wake

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Melissa Silvano

“July 14, 1986 na-meet ko si Ricky. Nag-guest ako sa Wednesday,” pagbabalik-tanaw ni Melissa, na naging regular ng Thursday group.

“Napapansin ng iba, close ako sa Wednesday. So, pag lumalabas, laging puro Wednesday ang kasama ko, kasi dahil sa kanya.”

Ibinunyag ni Melissa na may “niligawan” si Ricky sa That’s. May humirit na si Jojo ang niligawan ni Ricky, pero nilinaw ni Melissa na babae ang “pinormahan” ni Ricky.

Kuwento pa ni Melissa, “Tapos noong nag-date sila, kasama ako. Sino? Sabihin ko na? Sa Friday group siya dati"

“Sasabihin ko na nga, e. Si Jenny Lynn! Yung sa Anak ni Zuma [1987], di ba?

“First date, kasama ako. Hindi naman yata nasundan yung first date na yun… Hindi naman niya niloko. Wala lang, hindi naman sila naging mag-boyfriend.”

Read: Kuya Germs at Mayor Isko Moreno, binigyang parangal sa That's Entertainment reunion

Medyo nag-iingay ang iba sa rebelasyon ni Melissa kaya tinalakan niya iyong mga hindi sumunod sa dress code na dapat white ang suot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagpapatuloy ni Melissa, “Minsan, gigisingin ako sa bahay ng mama ko, ‘May tao sa labas.’ ‘Ha?’ Alas siete ng umaga, nandun sa gate si Ricky.

“Hindi pumasok sa school. Doon siya sa bahay namin, tumatambay the whole day… So, hindi siya pumapasok pero magaling siya, e. Matalino yan!

“E, ako, bakya-bakya ako. Inglesera yan, e! Sa akin, hindi siya puwede… magaling kasi iyan, e! Naging direktor nga, di ba?! Magaling siya talaga. Magaling siya.

“Tapos minsan nakakaisip mag-beach. Wala akong damit. So, yung short niya, isinusuot ko.

“Bagong opera ako noon, ha, take note? Bagong opera ako sa kamay. So nagsu-swimming ako, nakataas yung kanang kamay ko, ganyan,” pagmumuwestra pa ni Melissa.

“There was never a time na hindi niya ako binati sa birthday ko. Nauuna pa siya sa pamilya ko. Alas dose ng gabi, magme-message na sa akin.

“Hindi pa uso nun ang text. Tumatawag sa telepono para lang mag-happy birthday, tapos magdadala siya sa akin ng banana cue.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasi alam niya, gusto ko ng banana cue. Ganun, kaya love na love na love na love ko yan!

“Sobrang alam mo yun, kasama siya pag reunion sa bahay namin, sa family. Kasama siya.

“Eto naman kasi! Hindi ito um-attend ng reunion natin kahit kailan, di ba?! Gusto niya, dito mag-reunion, e!

“O ayan, reunion na kami para sa iyo!

“Sana, sana… tapos napansin ko lang, we always say good things lagi dun sa nauna na sa atin.

“Sana, ano… sabihin na rin natin ang magagandang bahay habang naririto pa tayo. I’m sure, naririnig naman niya tayo pero hindi siya makatawa...

“Sana… kasi nagre-reunion tayo, tuwing ganito, e. Bakit ganun? Di ba, dati nag-a-attend tayo, mga tatay o nanay natin ang pumanaw, ngayon kasama na natin.

“Huwag na nating hintayin na unti-unti na, paliit na nang paliit yung ano.”

Read: Former That's Entertainment member Romano Vasquez dies at 51

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
'That's Entertainment' alumni post for a group photo at their colleague Ricky Rivero's wake at Loyola Memorial Chapels in Commonwealth, Quezon City, Tuesday night, July 18, 2023.
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results