Nag-react si G Tongi matapos madawit ang pangalan niya kaugnay ng isyung kinasasangkutan ngayon ni Lea Salonga.
Viral ang video ni Lea na pinagsasabihan ang grupo ng mga nagpakilalang Filipino fans na nanood ng kanyang Broadway musical na Here Lies Love sa New York, USA.
Read: Lea Salonga addresses dressing-room incident with Pinoy fans in Broadway
Pinagsabihan ni Lea ang grupo na, for security reasons, hindi puwedeng basta-basta dumiretso sa kanyang dressing room kung wala ang mga ito sa guest list.
Sa viral video, maririnig ang isang babaeng fan na sinabing kilala nila si G, na co-producer umano ng musical.
Pero ang katotohanan ay liaison officer si G ng tinatampukang musical ni Lea.
Tila nais ipunto ng “fan” na sapat na dahilan ito para dumiretso kay Lea at makapagpa-picture kasama siya.
Gayunpaman, iginiit ni Lea na wala sa listahan ang grupo at paglabag sa protocol ang ginawa nila.
Read: Uploader of viral Lea Salonga video says he will not apologize: “Wala akong ginawang masama.”
G TAKES A SWIPE AT BREACHERS OF PROTOCOLS
Ipinost ni G ang kanyang reaction sa Facebook.
Binigyang-diin ng U.S.-based actress-host ang pasasalamat sa mga sumunod sa kanilang safety protocols.
Nakasaad din sa post niya ang lugar kung saan maaaaring makapagpa-picture sa mga bida ng Here Lies Love.
Malinaw na paalala ito sa theatergoers na nagnanais makapagpa-picture sa mga artista tulad ni Lea.
Bahagi ng post ni G: “We really appreciate everyone who followed our safety protocols for our artists.
“If you want the chance to meet the cast & get your playbills signed, please proceed directly out of the theater to stage door after the show on 53rd street between Broadway and 8thh. Maraming maraming salamat po!”
Sinang-ayunan din G ang prangkang reply ng isang commenter sa kanyang post.
Sabi ng nagkomento (published as is): “So are you’re saying don’t sneak past security, invade the sacred haven of artists, then drop your name to get a picture with Lea?!”
“Bingo!” mariing pagsang-ayon ni G.

Naging running joke din ang nangyaring pag-namedrop kay G kaugnay ng isyu ni Lea.
May isang guest na nag-post ng picture kasama si Lea pagkatapos ng play at nasa backdrop ng picture si G.
Bahagi ng caption ng uploader, “Ganito dapat: 1. On the list; 2. In the designated area; 3. Kasama si G Tongi, kahit photobomber, Hindi name drop lang”
Nagkomento ang isang netizen sa post at naka-tag si G: “Pwede ba kita i-name drop next time I visit Lea? (Public post pala ito, maglagay na ako ng disclaimer: joke lang po ito, chill”)

Samantala, nang pumutok ang isyu, una nang nag-post ng mensahe si Lea na kinausap niya si G dahil ni-namedrop ito ng isa sa mga sumugod na “fans.”
Itinanggi raw ni G na kakilala niya ang mga ito.
Sabi ni Lea: "Sooooooo here’s the kicker… the person whose name they were naming as their producer friend has no idea who they are.
“I asked her, and she’s seen the video (all our producers have, as well as company management, house management and security).
“She had no idea who they were. I was giving the benefit of the doubt until the moment I heard back from her."
