PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ivana Alawi's Issues with GMA-7, ABS-CBN Stars

Ivana Alawi says she can't forget Barbie Forteza for tis reason...
by Bernie V. Franco
Published Jul 20, 2023
Ivana Alawi
Actress and vlogger Ivana Alawi opens up about being bullied and her mean encounters with stars both from ABS-CBN and GMA-7.
PHOTO/S: YouTube (Ivana Alawi)

Maanghang ang mga rebelasyon ng ABS-CBN actress at social media star na si Ivana Alawi tungkol sa mga hindi niya magagandang karanasan sa mga artista mula sa GMA-7 at ABS-CBN.

Ibinunyag ni Ivana na may Kapuso stars ang nagmaldita sa kanya noong nagsisimula pa lamang siya sa showbiz.

Meron din daw Kapamilya stars ang umaway sa kanya noon, pero hindi niya pinatulan.

Ibinahagi ni Ivana ang mga rebelasyong ito sa kanyang vlog nitong July 18, 2023.

Tinanong si Ivana tungkol sa “nicest GMA artist you worked with.”

Noong baguhan pa lamang si Ivana ay nakagawa siya ng ilang TV projects sa GMA Network.

Read: Remember when Ivana Alawi appeared in this GMA-7 show before joining StarStruck?

Sabi ni Ivana, hinding-hindi niya makakalimutan ang kabaitan sa kanya ni Barbie Forteza.

“Si Barbie Forteza, hindi ko siya malilimutan kasi madaming maldita sa akin nung nag-i-start ako sa GMA, as in maraming masusungit. Alam mo yun?” sabi ni Ivana, sabay turo sa nanay niyang si Fatima Marbella.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagbubunyag pa niya, “Ayaw tayong bigyan ng puwesto. Ayaw din kaming bigyan ng pagkain. Sinusungitan kami nung mag-ina. Basta marami…

“And then, ang pinaka naging mabait sa akin na hindi ko malilimutan—hindi ko pa siya nakakausap after—pero si Barbie Forteza.

“Kasi siya ay sobrang bait. Totoo talaga siya, kaya super blessed niya, because she really has a good heart.”

Nakatrabaho ni Ivana ni Barbie sa Kapuso youth-oriented show na Reel Love Presents Tween Hearts (2010-2012).

Read:

NOT SO PLEASANT EXPERIENCE WITH ABS-CBN ARTISTS

Tinanong din si Ivana kung may nakaaway siyang artista.

“Meron,” mabilis na sagot ng YouTube star.

“Merong umaway sa akin pero never akong nakipag-away sa kanila. Hindi ko pinapatulan.

“Meron rin sa recent show namin pero, alam mo yon, I will not stoop down to your level.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kung gusto mong makipag-away, mag-isa ka, pero hindi ko siya kakausapin, hindi ko rin paplastikin.”

Hindi binanggit ni Ivana kung anong recent show ito, pero si Ivana ay contract artist ngayon ng ABS-CBN.

Ang pinakahuling major project na ginawa ni Ivana sa ABS-CBN ay A Family Affair (2022), pero sinabi niyang may upcoming projects na siya.

Noong 2021 ay ibinunyag din ni Ivana sa isang vlog na may isang ABS-CBN noontime show host ang nang-away at ipinahiya siya noon.

Read: Ivana Alawi recounts unforgettable encounter with ABS-CBN TV host: “Pinagsisigawan niya ako...sa harap ng ibang artista.”

HOW MUCH IS IVANA EARNING ON vlogging?

Sinagot din ni Ivana kung magkano ang kinikita niya sa paggawa ng vlogs.

Diretsong sagot niya, “Iba-iba. May PHP200,000; PHP300,000; PHP400,000; PHP500,000.

Sundot niya, “Pero, guys, nagbabayad naman ako ng tax. BIR, musta you?

“Nagbabayad naman talaga ako ng tax, kaya wala akong kinakatakot.

“Pero hindi ko lang gusto i-disclose kasi baka naman isipin niyo ay nagyayabang, ganyan-ganyan. Hindi.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Pero dahil tinatanong niyo nang tinatanong, ayan, okay…”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress and vlogger Ivana Alawi opens up about being bullied and her mean encounters with stars both from ABS-CBN and GMA-7.
PHOTO/S: YouTube (Ivana Alawi)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results