Ikinagulat ni Barbie Forteza ang pagbubunyag ni Ivana Alawi na si Barbie ang pinakamabait na GMA artist na nakatrabaho ni Ivana noong nagsisimula pa lamang siya sa showbiz.
Nakatrabaho ni Barbie si Ivana noon sa Kapuso youth-oriented show na Reel Love Presents Tween Hearts (2010-2012).
Sa kanyang vlog noong July 18, 2023, ibinunyag ni Ivana na may Kapuso stars ang nagmaldita sa kanya noon.
Meron din daw Kapamilya stars ang umaway sa kanya noon, pero hindi niya pinatulan.
Sa nasabing vlog, tinanong si Ivana tungkol sa “nicest GMA artist you worked with.”
Noong baguhan pa lamang si Ivana ay nakagawa siya ng ilang TV projects sa GMA Network.
Sabi ni Ivana, hinding-hindi niya makakalimutan ang kabaitan sa kanya ni Barbie.
Read: Remember when Ivana Alawi appeared in this GMA-7 show before joining StarStruck?
Lahad niya, “Si Barbie Forteza, hindi ko siya malilimutan kasi madaming maldita sa akin nung nag-i-start ako sa GMA, as in maraming masusungit. Alam mo yun?” sabi ni Ivana, sabay turo sa nanay niyang si Fatima Marbella.
Dagdag pa ni Ivana sa vlog, “Ayaw tayong bigyan ng puwesto. Ayaw din kaming bigyan ng pagkain. Sinusungitan kami nung mag-ina. Basta marami…
“And then, ang pinaka naging mabait sa akin na hindi ko malilimutan—hindi ko pa siya nakakausap after—pero si Barbie Forteza.
“Kasi siya ay sobrang bait. Totoo talaga siya, kaya super blessed niya, because she really has a good heart.”
Read: Ivana Alawi recalls unpleasant encounters with GMA-7, ABS-CBN stars: “Madaming maldita sa akin.”
Napanood ni Barbie ang TikTok clip na ibinahagi ng isang netizen.
Ni-retweet niya ito.
Saad ng Kapuso star sa caption, “Grabe naman to. Maraming salamat, @IvanaAlawi so happy for all your success. Ingat kayo ni Mona Hi po tita!”
