Halu-halo ang emosyong nararamdaman ng main hosts ng It’s Showtime sa pagdalo nila sa kanilang kauna-unahang GMA Gala.
Dumalo sina Vice Ganda, Anne Curtis, Jhong Hilario, at Vhong Navarro sa #GMAGala2023, na ginanap sa Marriott Hotel, sa Pasay City, nitong Sabado, July 22, 2023.
Walang dudang isa ito sa pinaka-star-studded event ng GMA Network, at ang pagdalo ng ilang malalaking Kapamilya stars ay lalong nagpakinang sa event.
Read: GMA-7’s power couples and prized stars, It’s Showtime main hosts attending GMA Gala 2023
Inasahan ang pagdating ng It’s Showtime hosts dahil ang Kapamilya noontime show ay umeere na ngayon sa GTV, ang free-to-air channel ang Kapuso Network.
Saya, kaba, tensiyon, at stress ang ilan sa emosyong naramdaman ng It’s Showtime hosts.
Pero nagkakaisa sila sa pagsasabing ikinatutuwa nila ang “napakainit” na pagtanggap ng Kapuso network.
Sabi ni Vhong ukol sa kanyang first GMA Gala, “Sobrang kinakabahan kanina. Sinasabi ko nga sa kanila, iba yung experience.
“Pero ang sarap ng pagtanggap sa amin ng mga Kapuso, e, para kaming kapamilya nila.
“At ang sarap ding sabihin na, ‘We love you, mga Kapuso.”
Nagsalita ang It's Showtime hosts sa live streaming ng event.
Halu-halo rin daw ang emosyong naramdaman ni Vice bago dumating sa event.
“Sobrang nakaka-excite… yung excitement ko nga sobrang taas, yung excitement naging tensyion. Yung tensiyon naging stress, but in a good way…” kabig niya.
“Nakakatuwa to be able to meet these wonderful people, to be able to see our friends again na hindi na namin nakikita…
“And to be able to mingle with them and party with them tonight.”
Read: Power couples, picture-perfect pairs at GMA Gala 2023

Ramdam na ramdam naman daw ni Jhong ang init ng pagtanggap ng mga Kapuso.
Sabi niya, “Sobrang thankful dahil naimbita kami rito…
“And maraming salamat sa napakainit na pagtanggap niyo sa amin, mga Kapuso. Salamat po.
"Masaya kami na nandito kami ngayon.”
Masaya naman daw si Anne na magkaroon ng mga bagong kakilala at makita ang mga dating kakilala.
Sabi niya, “Of course, we are very grateful that we are invited this evening.
“And for me, personally, I’m excited to meet new faces and faces that I’ve missed as well.
“I think it’s gonna be a very, very fun evening.
“I’m excited to see friends that we’ve missed, so it’s gonna be a fun evening.”
VICE GANDA SPEAKS UP ABOUT HIS GMA FAMILY
Nagbigay rin ng pahayag si Vice ukol sa pag-ere ng It’s Showtime sa GTV.
Sabi niya, “We are very happy that we have a new home.
“GTV and GMA family have been very supportive and we are very grateful for the support that they have been giving our Showtime family and the Madlang People.
“Mas nakaka-excite mag-perform, mas nakaka-excite mag-deliver kasi mas marami nang nakakakita sa amin ngayon…
“Kasi mas marami na kaming tahanan na kinakikitaan.”
Pagtatapos ni Vice, “Again, thank you very much to GMA.”
Read: GMA-7, ABS-CBN sign historic deal for 'It's Showtime' airing on GTV
