Tinupad ni Mariel Pamintuan ang pangakong magtatanda na siya matapos ang matinding bashing na natanggap niya sa GMA Thanksgiving Gala noong July 30, 2022.
Read: Sparkle artist Mariel Pamintuan apologizes for "dumb sarcasm and dumb jokes"
Imbitado uli si Mariel sa GMA Gala 2023 na ginanap sa Manila Mariott Hotel sa Pasay City noong Sabado, July 22,
Noong nakaraang taon, inulan ng katakut-takot na bashing si Mariel dahil sa kanyang TikTok videos.
Una, nagkomento siyang hindi niya kilala ang mga dumalo sa GMA Ball 2022 at hindi rin siya kilala ng mga ito.
Pangalawa, pinuna ni Mariel ang pagkaing isinerve noon.
Hindi na ito inulit ni Mariel sa kanyang TikTok videos ukol sa kanyang karanasan sa GMA Gala 2023 noong Sabado.
Read: Heart Evangelista stuns in Maison Schiaparelli, Bulgari at GMA Gala 2023
“BALITAAN MO KAMI PAG MASARAP ANG FOOD”
Viral uli ang ilan sa TikTok videos ni Mariel kaugnay ng GMA Gala 2023, mula sa kanyang preparasyon hanggang sa pag-uwi sa bahay.
Ang ilan, lampas one million na ang views.
Isa sa mataas ang views ay ang video na kanyang "food review" sa gala.
Sa maiksing video, mababasa ang isang comment ng netizen: “balitaan mo kami pag masarap food ah hahahahahaha”
Nagbigay ng mga komento si Mariel sa four-course meal na inihapag sa attendees ng GMA Gala 2023.
“Babawi ako, kasi last time na-bash ako, e. Maganda na ‘to, promise. Aayusin ko na,” may humor na hirit ng aktres.
Inisa-isa ni Mariel ang komento sa food—mula sa salad, soup, rib eye steak, at dessert.
Puro maganda ang ibinigay niyang komento ukol sa pagkain.
Pansin na may may pagka-eksaherada ang kanyang facial reactions.
“Ten out of 10. Delicious,” review niya sa Caesar salad.
“Sarap! Yummy, guys!” review niya sa mushroom soup.
“Maiiyak ako, ang sarap,” sabi naman niya sa rib eye steak.
“Ang sarap,” sabi naman niya sa dessert na panna cotta.
May higit 886,000 views ang video na ito.
Read: Marian Rivera an ethereal goddess at GMA Gala 2023

Ang sumunod niyang video ay nang nakauwi na siya ng bahay.
Dito ay nagsalita si Mariel sa kanyang experience sa GMA Gala 2023 at binalikan ang masamang karanasan sa GMA Thanksgiving Gala 2022.
Kuwento ng Kapuso actress, “Lahat ng batiin ko dun tinatanong ako, ‘How’s the food?’
“Hi, Ma’am Annette Gozon, I love you!” natatawang sabi ni Mariel, patukoy sa GMA Films president.
“I love all the bosses of GMA. Thank you for inviting me.
“I hope you renew my contract next year and the year after and forever, so I will be the official food reviewer of GMA Gala night."
Mensahe naman ni Mariel sa mga nagpapaalala sa ginawa niya last year, “It’s okay, tao lang, nagkakamali. Ang importante, natututo.
“So, nag-sorry na ako don, and importante hindi ko na uulitin, di ba, kasi nga natuto na ako.”
Sundot pa niya, “Prangkahan na tayo, sa totoo lang hindi niyo naman ako kilala, e, hindi naman kasi ako sikat, di ba?”
Marahil daw ay hindi siya napansin kung hindi niya ginawa ang kanyang controversial video last year.
“So, okay na rin yun, di ba, mapag-chismisan ka paminsan-minsan sa kagagahan mo.
“Okay na rin yon isang linggo lang naman, e. Isang linggo mo lang titiisin yon, tapos may panibago na namang isyu.
“Makakalimutan din nila.”
Mayroon nang 1.2 million views ang video na ito at this writing.
