Nagpasalamat si Barbie Forteza kay Joshua Garcia dahil sa pagpili ng Kapamilya actor sa kanya bilang Best Dressed celebrity sa GMA Gala 2023 na ginanap sa Manila Marriott Hotel, Pasay City, noong Sabado, July 22.
Ang mint ball gown na suot ni Barbie ay gawa ng designer na si Ehrran Montoya.
View this post on Instagram
Sabi ni Joshua sa panayam sa kanya ng GMA News Oline, “Barbie. Siya yung nasa harapan ko kanina, sabi ko, 'Ang ganda ng dress nito.’"
Dagdag pa niya, “Hindi siya ganun ka-flashy pero at the same time, nandun yung pagka-elegante nung babae."
Read: Barbie Forteza is Joshua Garcia's bet for Best Dressed at GMA Gala 2023
Sa Twitter ngayong Lunes, July 24, nir-retweet ni Barbie ang short clip ng interview ni Joshua.
Komento ng Kapuso actress, “Tama ka naman diyan. Hahaha! Salamat! [heart emoji]”
Ngayong gabi, nabasa ni Joshua ang post ni Barbie. At ni-retweet din niya ito.
Biro pa niya, “Pa-tip nalang po o pa-five star, salamat po!”
Marami namang fans ang kinilig sa palitan nila ng mensahe.
