PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bea Alonzo on Dominic Roque's Proposal

Bea Alonzo: "Ngayon talaga yung sobrang feeling mo honeymoon stage."
by Rachelle Siazon
Published Jul 25, 2023
Bea Alonzo and Dominic Roque proposal story
Bea Alonzo on Dominic Roque's proposal: "I knew he was going to propose at some point. But I didn't realize na magpo-propose siya that soon! Because we're going to Singapore tomorrow and we have a lot of trips this year. We're going to Japan, we're going to Madrid pa-end na ng year. So, akala ko doon. Apparently, pinili niya doon sa hindi ko talaga na-expect."
PHOTO/S: Ryan Ong / Pau Gueverra

On cloud nine pa rin si Bea Alonzo, 35, sa romantic marriage proposal sa kanya ng nobyong si Dominic Roque, 32.

Read: Bea Alonzo and Dominic Roque are engaged

Nang sumalang ang couple sa Summit Media lounge sa GMA Gala 2023 noong Sabado, July 22, 2023, ramdam ang kilig ni Bea dahil fresh na fresh pa raw ang engagement nila ni Dominic.

Kuwento niya sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), napag-uusapan naman daw nila ni Dominic ang plano nilang magpakasal. Pero talagang nasorpresa raw siya na nangyari iyon sa photo shoot niya para sa kanyang video content para sa GMA Gala 2023.

"Of course, in-expect ko na magpo-propose siya within this year or in the next few months.

"Kasi lagi na namin napag-uusapan. We've been talking about marriage also, having a family, all the time. So I knew he was going to propose at some point.

"But I didn't realize na magpo-propose siya that soon!" masiglang tili ni Bea.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Because we're going to Singapore tomorrow and we have a lot of trips this year.

"We're going to Japan, we're going to Madrid pa-end na ng year. So, akala ko doon.

"Apparently, pinili niya doon sa hindi ko talaga na-expect. Doon sa content shoot ko supposed to be for the ball, for my gowns na pinagpilian namin.

"He proposed there."

Naganap ang photo shoot na sinasabi ni Bea sa Las Casas Filipinas de Acuzar sa Quezon City noong July 18, 2023.

Kasabwat ni Dominic ang photographer na si Mark Nicdao at stylist na si Pam Quiñones.

Dugtong ni Bea, "So, hindi ko talaga... Alam mo, ang dami kong ginawang proposal scene sa buong buhay ko.

"Iba pala yung pakiramdam. Ang pangit pala ng acting ko sa lahat ng yun."

Umaawra si Bea para sa pictorial habang suot ang isang long black gown nang biglang dumating si Dominic mula sa kanyang bandang likuran.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Laking-gulat daw niya nang biglang lumuhod si Dominic at saka inilabas ang engagement ring para sa kanya.

Kuwento pa ni Bea: "Alam mo yung feeling na parang... Ang haba ng speech niya, wala ako naiintindihan. Nag-slow-mo yung mundo ko.

"Tapos hindi ko na siya naiintindihan in my head. Narinig ko lang yung thoughts ko in my head, 'Oh my god! Ito na! Ito na! Ito na! Magpapakasal na kami!'"

Iba raw talaga yung pakiramdam na papunta na sa lifetime commitment ang kanilang relasyon.

Sabi ni Dominic, "Kahit naman ako naiyak din. Naiyak din siya noon."

Read: Bea Alonzo-Dominic Roque love story: From friends to lovers

ON DOMINIC'S PROPOSAL PLAN

Sinadya raw ni Dominic na simplehan ang proposal niya kay Bea.

July 21 nang ilabas ni Dominic ang video ng proposal, kalakip ng videos ng travels nila ni Bea.

Nilapatan niya iyon ng voiceover ng kuwento ng pag-iibigan nila ni Bea.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Actually, kausap ko yung team ko about it. So, we planned it for ilang months din.
Months!

"Pero yung moment na yun, nung kinausap ko yung team ko, is pagsama-samahin namin yung travels namin together," paliwanag ni Dominic.

"I didn't make it grand na, 'You have to fix it. You have to put a lot of flowers.' Hindi ko na ginawa yun.

"Gusto ko yung parang simple, pero kung ano yung ginawa ko for her ng ilang years when we were together. Like the photos, videos..."

Hindi raw talaga ipinakita ni Dominic kay Bea ang ginawa nitong post-proposal video hanggang sa na-post ito sa Instagram.

Sobrang na-appreciate daw ni Bea ang declaration of love ni Dominic sa kanya at nabalikan pa raw nila ang special moments sa kanilang relationship.

Sabi ng Kapuso actress, "That's what I loved about it. Because it was so raw. It was so real.

"Kasi, parang hindi ko alam na sumulat siya ng ganun para sa akin. It was a love letter to me.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, sobrang 'I love you' lang ako nang 'I love you' sa kanya."

Read: Bea Alonzo recalls going from loveless to being in love with Dominic Roque

BEST WISHES FROM CELEBRITY FRIENDS

Nanguna sina Vice Ganda, Angelica Panganiban, Anne Curtis, Heart Evangelista, Kristine Hermosa-Sotto, Ivana Alawi, at Cristine Reyes sa pag-congratulate kina Bea at Dominic sa social media.

Gayundin sina Maja Salvador, Jericho Rosales, Andrea Torres, Maine Mendoza, Iza Calzado, Judy Ann Santos, at marami pang iba

Maging sa mismong GMA Gala 2023 ay panay ang pag-congratulate ng mga artista kina Bea at Dominic.

Ang newly engaged couple din ang nag-uwi ng Sparkling Couple of the Night Award dahil kitang-kita sa kanila ang saya at kilig sa isa't isa.

Sabi naman ni Bea sa PEP.ph: "And you know, I've been in love with this guy for almost four years.

"But ngayon talaga yung sobrang feeling mo honeymoon stage.

"Parang hindi ko maipaliwalag yung... We're just full of love."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagtatapos ni Dominic, "It's a journey together."

Watch full interview with Bea and Dominic at the GMA Gala 2023:

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bea Alonzo on Dominic Roque's proposal: "I knew he was going to propose at some point. But I didn't realize na magpo-propose siya that soon! Because we're going to Singapore tomorrow and we have a lot of trips this year. We're going to Japan, we're going to Madrid pa-end na ng year. So, akala ko doon. Apparently, pinili niya doon sa hindi ko talaga na-expect."
PHOTO/S: Ryan Ong / Pau Gueverra
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results