Excited si Ria Atayde na maging bahagi ng kanilang pamilya ang E.A.T. co-host na si Maine Mendoza, na malapit nang ikasal sa kapatid ni Ria na si Arjo Atayde.
"I'm very excited to have a new sister and my brother to enter a new chapter of his life.
"Of course, alam ninyo naman pag may ikakasal, excited kayo, happy kayo," saad ni Ria sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).
Handa na rin daw si Ria maging tita sa magiging mga anak nina Arjo at Maine.
Aniya, "Oo naman, thirty-one na ako."
Bago matapos ang buwan ng Hulyo inaasahang maganap ang wedding nina Maine at Arjo, na higit apat na taon nang magkasintahan.
Read: Maine Mendoza and Arjo Atayde: A relationship timeline
ON ZANJOE MARUDO
Masaya rin si Ria sa itinatakbo ng relasyon nila ng aktor na si Zanjoe Marudo.
Tinanong si Ria kung hindi ba siya naaapektuhan sa playboy image na kinakabit sa kasintahan.
"Matagal na kami magkakilala and it doesn't bother me because I know how he is and who he is, so it's not something that affects me," sagot ni Ria.
Tiwala raw si Ria kay Zanjoe.
"Because he is trustworthy and because of his sincerity," sabi pa ng aktres.
May tsansa kayang mauwi rin sa kasalan ang relasyon nila ni Zanjoe?
Sabi ni Ria, "Hindi ko alam, abangan ninyo lang yun. Kung mangyayari, mangyayari."
Nakapanayam ng PEP.ph si Ria sa presscon ng Nag-aapoy Na Damdamin na ginanap sa Luxent Hotel noong July 13, 2023.
Mapapanood ang serye sa Kapamilya Channel at TV5, mula Lunes hanggang Biyernes, sa ganap na 3:50 ng hapon, pagkatapos ng Pira-Pirasong Paraiso.
Read: A look back: Zanjoe Marudo's rumored and real-life romances
ON BODY POSITIVITY
Bukas si Ria Atayde sa pagkakaroon ng health issues tulad ng hypothyroidism at polycystic ovary syndrome (PCOS).
Ang hypothyroidism, ayon sa clevelandclinic.org, ay kondisyon kunsaan walang sapat na thyroid hormone sa bloodstream at nagdudulot ng slow metabolism.
Ang PCOS, ayon sa mayoclinic.com, ay common hormone problem kunsaan may nade-develop na multiple small cysts o follicles sa outer edge ng ovary. Ilan sa causes nito ay irregular menstruation at weight gain.
Tanggap ni Ria ang kanyang health issues at advocate siya ng body positivity.
"Wala nang pressure, pero if it happens, it will happes naturally. Hindi ko lang pinipilit ngayon," sabi niya tungkol sa pagbabawas ng timbang.
"Nag-e-exercise pa rin naman, pero not as intense as before. Diet pa rin, mas controlled ngayon ang food intake ko."
Naaapektuhan ba siya sa bashers na pumupuna sa kanya?
"Sa mga bashers, deadma na sa kanila, basta masaya tayo. Yeah, we're human, of course, you'll be affected at first.
"Pero if you see there are people around you who accept and embrace you for who you are, then the noise becomes nothing na."
Read: Ria Atayde turns down MMDA spokesperson referral; never sees herself in politics
