PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Herlene Budol Almost Missed GMA Gala Award

“Nakiusap naman ho ako nung nag-CR naman ho ako."
by Bernie V. Franco
Published Jul 26, 2023
Herlene Budol
Herlene Budol goes into details why she missed going up the stage when she was called as the Female TikTok Crowd Favorite at the recently concluded GMA Gala 2023.
PHOTO/S: Pau Guevarra / YouTube (GMA Network)

“Bibigyan kong hustisya yon.”

Nagpaliwanag si Herlene Budol kung bakit nabigo siyang makaakyat sa entablado matapos manalo ng special award sa GMA Gala 2023.

Nangyari ang star-studded event ng GMA-7 sa Manila Mariott Hotel sa Pasay City noong Sabado July 22, 2023.

Si Herlene ang hinirang na Female TikTok Crowd Favorite of the Night, subalit hindi siya nakaakyat ng entablado nang tawagin ang pangalan niya.

Nakaakyat na at nabigyan ng award si David Licauco bilang Male TikTok Crowd Favorite, pero hindi sumunod si Herlene.

Matagal ang pinaghintay at paulit-ulit ang emcee na si Patricia Tumulak sa pagtawag kay Herlene, pero wala si Herlene.

Nang magawaran na ang ibang awardees, binalikan na lamang si Herlene at tinawag muli para umakyat ng stage at tanggapin ang award.

Detalyado ang pagkukuwento ni Herlene kung ano ang nangyari sa kanya.

Read:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

@pepalerts Ang tunay na dahilan kung bakit hindi nakaakyat nung una si Herlene Budol nang manalong 'Female TikTok Crowd Favorite of the Night' sa #GMAGala2023. Full details of the story in a bit on PEP.PH #entertainmentnewsph #pepnews #pepatgma2023 ? original sound - PEP.ph

STUCK IN THE CR

Sa Magandang Dilag sa Kapuso Artistambahan vlog nitong July 25, 2023, tinukso si Herlene ng kanyang co-stars sa "paghahanap" sa kanya matapos manalo ang award.

Dahil sa panunukso nila, dumepensa si Herlene at inilahad ang mga pangyayari.

“Hindi ho ako nakasampa agad-agad [sa stage] non kasi nag-CR ho ako,” sabi ni Herlene.

“Ang damit ko ho, grabe yung sikip. Twenty-one [inches] po yung waistline [ng gown], kahit 23 lang po yung waistline ko.

“Yung may pundilyo [crotch] pa, yung ganun sa ilalim. So, mahirapan po tayong umihi.”

Hirap daw kumilos nang mabilis si Herlene dahil sa kanyang masikip na damit.

“Nung paihi na ako, talagang eto na ako, nasa bowl na ako. May kumakatok na sa akin, ‘Herlene, tawag ka na’ sabi sa akin.”

Sagot daw ni Herlene, "'Sandali lang ilalabas ko lang kahit onti lang.'

"Alam mo yung pundilyo, tinatabingi ko na.

“Nakaihi naman ako kaso nga nabasa yung pinaka-ibaba.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Humingi naman daw ng paumanhin si Herlene nang makabalik siya sa ballroom.

“Kaya nakiusap ho ako pagbalik ko doon, ‘Pasensya na ho kayo kasi matagal po ako dun, e. Akala ko wala lang ako doon.’

“Nakiusap naman ho ako nung nag-CR naman ho ako.

“Tapos po ipinakita ko pa po yung likod ko, hanggang ngayon may sugat pa nga ho yung ribs ko dahil sa sikip ng damit ko, e.

“Kaya po hindi ko intensiyon na hindi po ako aakyat dun agad.’”

Read: Bloopers, sidelights, sweet moments at GMA Gala 2023

HERLENE ON HER FIRST GALA

Wala naman daw pagsidlan ng tuwa si Herlene na makadaupang-palad ang napakaraming artista sa GMA Gala.

Sabi niya, “Parang birthday ko. Ang dami kong binabati. Kada table.

“Sobrang bida-bida ko nga dun, e, kasi first time ko ho.

“Tapos parang nalulula ho ako sa mga artista.

“Tapos nung sa GMA, nung sa gala night, grabe, literal na gala talaga ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ang daming artista. Andun sina Miss Dina Bonnevie, binati ako…

“Si Michael V, yung mga idol talaga, legit…

“Miss Beauty [Gonzalez], ayan nagka-follow-han na kami [sa Instagram] nakaka-touch.

“Syempre, dati napapanood mo lang, tapos ngayon, wow ang dami…

“Nakikilala ho nila ako. Nakaka-touch, ‘Uy, pinapanood kita.’”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Herlene Budol goes into details why she missed going up the stage when she was called as the Female TikTok Crowd Favorite at the recently concluded GMA Gala 2023.
PHOTO/S: Pau Guevarra / YouTube (GMA Network)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results