From BTS Jungkook to ENHYPEN Heeseung!
Magkahalong gulat at saya ang naramdaman ng OPM singer na si Zack Tabudlo nang malaman niyang muling napansin ng isang K-pop star ang isa sa kanyang mga awitin.
Nitong Huwebes, July 27, 2023, in-upload sa TikTok ni Heesung, isa sa miyembro ng South Korean boy group na ENHYPEN, ang cover niya sa kanta ni Zack na "Give Me Your Forever."
Read: Enhypen fans call out NAIA staff over "unprofessional" security check
Bukod sa TikTok, viral din ngayon sa Twitter ang pangalan ni Zack nang i-shout out siya ng Filipino Engenes, tawag sa fans ng ENHYPEN.

Agad itong nakarating kay Zack at maging siya ay nagulat.
Hindi ito ang unang pagkakataong napansin ng isang K-pop star ang kanta niyang "Give Me Your Forever."
Noong March 14, 2023, nag-trending siya sa Twitter nang patugtugin naman ng BTS member na si Jungkook ang nasabing kanta nang mag-live ito sa Weverse app.
Read: Zack Tabudlo overjoyed at BTS's Jungkook playing his song: "I can die now with peace."
Sa Instagram, hindi napigilang ibahagi ni Zack ang sayang nararamdaman.
Kalakip ng kanyang post ang TikTok video ni Heeseung habang ito ay kumakanta ng "Give Me Your Forever."
Mababasa sa kanyang caption (published as is), "bro…. freakin heeseung from @enhypen covered give me your forever holyyy molyyy [crying emoji]
"first jungkook now heeseung what is life even. what an honor [pleading face and heart emoji]"
NETIZENS REACT
Sa comments section ng kanyang post, bumuhos ang komento ngmga tagahanga at maging ang Filipino fans ng ENHYPEN.
Kabilang na sa mga nagkomento ang YouTuber na sina Niana Guererro, Mich Briones, at Inka Magnaye.

Saad pa ng isang netizen (published as is), "PRAYER REVEAL NAMAN ZACK [crying emojis]"
Sabi naman ng isa, "Grabe yung kanta mo kinocover ng ibang bansa."
Dagdag pa ng isa, "SOBRANG SAYA, ONE OF MY FAVORITE OPM SONG KINANTA NG ISA SA MGA FAVORITE KO SA ENHA."
Samantala, bukod sa "Give Me Your Forever" ilan pa sa mga sikat na kanta ni Zack ay ang "Binibini," “Nangangamba,” “Habang Buhay,” at “Pano.”
Read: Zack Tabudlo breaks silence on being linked to Moira dela Torre; reveals he attempted suicide
