Sa tingin ni Andrea Brillantes ay napatawad na niya ang ex-boyfriend na si Ricci Rivero at kaya na niya itong harapin.
Pagkatapos ng contract renewal niya sa ABS-CBN ngayong Lunes ng umaga, July 31, 2023, humarap si Andrea sa media.
Dito siya tinanong ukol sa kanyang breakup sa basketball player.
Tanong ng ABS-CBN News kay Andrea: napatawad na ba niya si Ricci?
“I think so,” sagot niya, ngunit may bakas ng pag-aalinlangan sa boses ng aktres.
“Pero hindi po direkta, ah. Wala pa po kasi kaming usap.
“Pero in my heart, yes [napatawad ko na].
"In my heart, natanggap ko na po lahat and willing to move forward with my life na po ako.
“So, yes, I think napatawad ko na siya,” mas sigurado na si Andrea sa sagot niya.
Handa na ba siya kung sakaling magkita at magkausap sila ni Ricci?
“Opo, kung magkikita kami. Okay lang naman po sa akin yon. Wala akong problem with it,” sagot ni Andrea.
“Yun lang, okay ako… Okay akong magkita kami, kung makakausap ko siya, kung kakausapin niya ako.
“Okay lang po sa akin yun kung meron pa siyang gustong sabihin.”
Hindi naging maganda ang paghihiwalay nina Andrea at Ricci, na may kinalaman umano sa third party sa panig ng actor-basketball player.
Kinumpirma ni Ricci ang breakup sa interview niya sa Fast Talk With Boy Abunda noong Hunyo.
Read:
- Ricci Rivero confirms breakup with Andrea Brillantes amid cheating allegations
- Ricci Rivero on ex-girlfriend Andrea Brillantes: "There are times that we do sleep together."
- Ricci Rivero breaks silence on breakup with Andrea Brillantes
ANDREA BRILLANTES ASKED IF SHE IS STILL ANGRY
Natanong din si Andrea kung galit pa siya sa ex-boyfriend.
“Ay, hindi,” mabilis niyang sagot.
“Nagalit ako, oo, pero matagal na panahon na po iyon.
“Bago pa mag-trending ng lahat ng ito, nakailang buwan na bago niyo nalaman lahat, tapos na ako.”
Sa loob daw ng isang buwan ay naka-move on na si Andrea mula sa breakup.
Maging siya raw ay nagulat na mabilis siyang naka-move on.
Sabi ni Andrea, “Nawala naman na yung galit sa akin. Surprisingly po, ah.
“Di ko yon in-expect kasi kilala ko yung sarili ko na kinikimkim yung bubog, or kung ano mang betrayal ang matanggap ko in life.”
Pero sa pinakahuling breakup niya, nakakapag-isip-isip daw siya pagkalipas lamang ng isang linggo.
“Isang linggo, ako lang… hindi lumabas, wala din akong kinausap, kundi ako lang.
“Mas dun ko naaral at nakilala ang sarili ko, and yung emotions, at masasabi kong nawala talaga ang galit. Time heals everything.”
Buti na lang daw at nakaagapay sa kanya ang pamilya at mga kaibigan.
“Punung-puno ng pagmamahal kasi ang buhay ko. Wala na siyang space para sa galit pa.
“Puwede kang magalit, huwag lang ma-stuck sa galit. Huwag magpakain sa galit.”
Inamin ni Andrea na maraming bagay siyang gustong gawin sa kasagsagan ng galit, pero buti na lang daw at hindi siya nagpadala rito.
“Ang dami kong gustong gawin nun, galit na galit ako, e.
“Pero sabi ko, ‘I’ll wait muna. Bigyan natin two weeks.’
“After a week, nawala na siya. Thank you.”
Kung nagpadala raw siya sa galit ay alam niyang pagsisisihan niya ito.
“Mas clear ang utak mo, mas clear ang decisions pag di mo pairalin ang emotions mo," saad ni Andrea.
