Kasal na sa isang civil wedding rites sina Maja Salvador at Rambo Nuñez bago pa man ang kanilang destination wedding sa Bali, Indonesia, kahapon, July 31, 2023.
Sa exclusive interview ng Preview.ph, na inilabas kahapon din, inamin ni Maja na nagpakasal sila ng longtime boyfriend na si Rambo noong February 14, 2023, araw ng kanilang ikaapat na anibersaryo bilang magkarelasyon.
Pinangasiwaan ni Taguig City Mayor Lani Cayetano ang civil wedding na ginanap sa Grand Hyatt Manila, Bonifacio Global City.

Kuwento ni Maja, “Dapat talaga isang beses lang. Pero, since pinili namin to have a destination wedding, hindi kasi iho-honor ng Philippines yung wedding namin sa Bali.”
Nasa halos animnapu (60) katao lamang ang mga imbitado sa civil union nina Maja at Rambo.
Puro raw ito malalapit na kaibigan at kamag-anak ng dalawa. Pinapayagan ang pagkuha ng video at larawan sa civil rites pero nakiusap ang dalawa na itago ito at huwag i-post sa social media.

Ani Maja, “Lalo na ngayon, digital na sobra. May cellphones and all, and everyone can be the paparazzi.”
Masasabi namang engrande ang beach destination wedding nina Maja at Rambo sa Bali, Indonesia.

Ginanap ang seremonya sa beachfront ng Apurva Kempinski Bali, isang 5-star hotel sa lugar.
Read: Maja Salvador and Rambo Nuñez tie the knot in Bali, Indonesia
