Iba ang glow ng aktres na si Abby Viduya habang sinusuportahan ang kanyang boyfriend na si Jomari Yllana sa Motorsport Carnivale na inorganisa ng aktor.
Ang dahilan: opisyal nang ipinahayag ni Abby na may final wedding date na sila ni Jomari.
"Yes, November na," masayang pag-aanunsiyo ni Abby.
Read: Jomari Yllana on fiancé Abby Viduya: "Ito po yung babae na gusto kong makasama habambuhay."
Ayon kay Abby, isang civil wedding muna sa America ang magiging kasal nila ni Jomari ngayong taong ito.
"We’re going to Vegas. We’re gonna pull-off a JLo and Ben Affleck wedding. Kasi, gusto namin na kami lang dalawa at first."
Pero hanggang sa wedding month lang ang detalyeng maibabahagi nila ng fiancé, at yung actual date ay pribado na muna.
Ang ilang miyembro ng pamilya nila at mga kamag-anak, lalo na sa parte ni Abby na nakatira na sa U.S., ang isa sa dahilan kung bakit naisipan nilang mag-civil wedding muna sa Las Vegas.
"A few of our family members will be joining us there, like my daughter. My eldest daughter will be joining us in Vegas and some of Jom's relatives.
"By next year or early 2025, we will have our church wedding in Naga City, where his parents got married, in Peñafrancia Church."
ON WEDDING PLANNING
Hindi maitago ni Abby ang excitement sa nalalapit na pagpapakasal nila ni Jomari.
"We’re very happy that we’re finally taking this step," aniya.
Sino ang mas nag-aasikaso nang husto sa nalalapit nilang kasal?
Sagot ni Abby: "Actually, it’s him. He’s making asikaso and all the plans.
"Actually, in the beginning of the planning, sabi ko, 'Sige, ako na.' Sabi niya, 'No, magpi-freak out ka lang. Let me, let me…' 'Okay.'"
May airplane tickets na sila, at kasado na rin ang iba pang mga kailangang asikasuhin kaya relax na raw sila ngayon.
Ilan ito sa mga pahayag ni Abby sa media conference kahapon, August 1, para sa motorsport event, ang Motorsport Carnivale, na magaganap sa Okada Manila simula ngayong August 2 hanggang August 6.
ON FINDING HER HOME IN JOMARI
Nakuhang magbiro ni Abby nang tanungin namin siya kung wala nang puwedeng maging balakid o baka may biglang sumigaw na, "Itigil ang kasal!"
"Baka meron, kaya don muna," natatawang hirit ni Abby.
Sabay bawi rin niya, "Joke lang… Parang pelikula yata yung ganon."
Ilang beses na rin na naikuwento pareho nina Abby at Jomari ang kanilang love story—kung paano naudlot ito at pareho silang nagkaroon ng iba’t ibang karelasyon hanggang sa magkatagpong muli.
Kaya masaya raw sila na mapatunayang "wagas" ang kanilang pagmamahal sa isa’tisa.
Ani Abby: "Ano naman, the feeling that we know that it’s forever. It’s the best.
"Like, alam mo yong feeling na you’re home? You’re with the one that you’re meant to be with? Ganon, e."
Read: Jomari Yllana asks for Abby Viduya's hand in marriage through pamamanhikan
ON LIVING TOGETHER
Magkasama sa iisang sa bubong sina Jomari at Abby, at dito raw nila nakita na swak sila.
Pareho rin silang 46 years old.
Ayon kay Abby, "Nitong pandemic, nang mag-start ang lockdown. It can make it or break it when you’re together 24/7 for how many months.
"Some separated. But with us, our love grew. We got to know each other more.
"Lahat ng mga quirks namin, lumabas. Mas nakilala namin ang isa’t isa."
Dati nang inamin ni Abby sa PEP.ph na si Jomari ang nagkumbinse sa kanya na bumalik ng Pilipinas bago magpandemya.
Si Jomari pa raw ang sumundo sa kanya sa airport, at live-in agad ang set-up nila.
"The moment I came back, yun na yun, alam ko na. Noong nasa Canada pa yata ako, alam ko na. Alam ko na soulmate ko siya. This is it."
Read: Abby Viduya reveals Jomari Yllana was the reason she came back to the Philippines
ABBY SAYS JOMARI IS HER ANSWERED PRAYER
May paniniwala ang iba na minsan ay hindi nagkakatuluyan ang mag-soulmates. Kaya sabi namin sa kanila na mapalad sila na tila hindi nila nakatuluyan ang kanilang soulmates dahil nagtagpo ang uli ang landas nila.
Iba ang paniniwala ni Abby.
"I believe, there’s really a special someone for everyone. It doesn’t matter how old you are.
"Totoo to ha… I’m not kidding. I mean, I’ve been through so much.
"That special someone will be given to you as long as you asked it from Above," paliwanag ni Abby.
Dagdag niya, "But when you ask it from Above, be specific. Totoo yan, prayer talaga.
"I didn’t prayed exactly for the person. I prayed na ibigay sa akin yung dapat for me."
