PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ai-Ai to young co-star: “Dapat pinapansin mo ako, ha".'

Ai-Ai delas Alas educates young co-stars how to treat senior stars.
by Bernie V. Franco
Published Aug 2, 2023
Ai-Ai delas Alas
Ai-Ai delas Alas on stars who are product of social media: “Iba siya [social media industry] talaga, pati mga tao diyan iba. Iba rin sa showbiz."
PHOTO/S: PEP.ph

Ibinahagi ni Ai-Ai delas Alas kung paano niya pinangaralan ang isang young co-star na dinededma siya sa set.

Siya raw kasi ang tipong pinaprangka ang isang young star na hindi namamansin.

Lahad ng Comedy Queen, “Kunwari hindi talaga nila ako pinansin, ano talaga ako, head on, ‘Uy, halika, lika, lika,’ ganon.

“Natakot yung bata. Sabi ko, ‘Hindi mo ako pinapansin. Dapat pinapansin mo ako, ha. Sa susunod pag nagkita tayo ulit, pansinin mo ako, ha. Sabihin mo sa akin, ‘Hello, Miss Ai, good afternoon po.’ Ganon.’

“Sabi niya, ‘Opo, opo, opo…’

“Sumusunod naman. Parang tanga!

“Tapos, ayun, pag nagkita kami ganon na nga siya. So, nakakatawa, di ba? Tapos, close na kami ngayon,” bungisngis pa ni Ai-Ai.

Hindi na ibinunyag ni Ai-Ai ang pagkakakilanlan ng co-star na ito sa panayam niya sa PEP Live noong July 25, 2023.

Read: Ai-Ai delas Alas gives a glimpse of her work in a senior care facility in the U.S.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GENERATION DIFFERENCE

Pansin daw ng Kapuso actress ang generation gap ng mga dating artista at mga bagong artista na karamihan ay produkto ng social media.

Paliwanag niya, hindi aral ang mga kabataang ito sa tamang asal pagdating sa showbiz.

“Kasi hindi naman nila alam yun, e, lalo na pag bago sila sa showbiz.

“Hindi naman nila alam na may ganon pala sa showbiz—na may beso, na may 'good afternoon,' 'good evening,' 'hello po sa inyo ako po si ganito.’

“Hindi naman nila alam yun, di ba? So, ituturo mo sa kanila,” sabi ng bida sa pelikulang Litrato.

Naabutan naman daw ni Ai-Ai na may showbiz newbies na marunong bumati, pero nag-iba raw nang dumating ang stars na produkto ng social media.

“May ibang mundo ang social media, e, kumpara sa showbiz na pinagko-combine. Na parang ngayon, parang minsan nakakalito sa amin and nakakalito rin sa kanila.

“Iba siya [social media industry] talaga, pati mga tao diyan iba. Iba rin sa showbiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Dito sa showbiz, nung araw ang mga batang artista ay nagbibigay-pugay sa mga matatandang artista, sa mga seniors.

“Ngayon, sila, parang okay na lang kahit hindi nila pansinin o pansinin, kasi hindi naman nila alam yun, e.

“Yun yung mundo nila, so ganon, kailangan mong turuan sila. Sabihin sa kanila na, 'Sa showbiz ganito.'

“Tapos baka sila, 'Ah, sa amin po ganito,' para nagta-tally kayo. Iba ang mundo nila.

“So, dapat i-explain mo din sa kanila para maintindihan din nila. And then explain din nila sa amin na, 'Ganito po kami dito.'”

Isang magandang halimbawa na binanggit ni Ai-Ai ay ang social media star na si Zeinab Harake, na lumapit pa raw sa kanya at nagpakilala sa GMA Gala 2023.

Sumagot daw si Ai-Ai na kilala niya si Zeinab.

Una raw nakilala ni Ai-Ai si Zeinab nang mina-manage pa niya ang Ex Battalion. Ex-boyfriend ni Zeinab, na hindi pa sikat noon bilang social media star, ang member na si Skusta Clee, aka Daryl Borja.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pero ikinatutuwa raw ni Ai-Ai na sa pagsabak ni Zeinab sa showbiz ay naturuan ito kung paano makitungo sa mga artista.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ai-Ai delas Alas on stars who are product of social media: “Iba siya [social media industry] talaga, pati mga tao diyan iba. Iba rin sa showbiz."
PHOTO/S: PEP.ph
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results