PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Buboy Villar Criticized for Elderly Woman Incident

Netizens are bashing Buboy following a scenario in 'Eat Bulaga!' last weekend.
by Bernie V. Franco
Published Aug 2, 2023
Buboy Villar and Isko Moreno
Eagle-eyed viewers were quick to castigate host Buboy Villar (far right) after he abruptly removed the microphone away from a senior citizen who was still talking and thanking Tito,Vic, and Joey in the July 29, 2023 episode of 'Eat Bulaga!'
PHOTO/S: Eat Bulaga

Hindi nakalusot sa mapagmasid na netizens ang nangyari sa pagitan ng Eat Bulaga! co-host na si Buboy Villar at isang matandang babae sa isang segment ng noontime show ng TAPE sa GMA-7.

Base sa maraming reaksiyon, hindi nagustuhan ng netizens ang pangyayari kaya pinag-usapan ito sa social media at matinding batikos ang ipinupukol kay Buboy.

Sa “G sa Gedli” segment ng Eat Bulaga! noong July 29, 2023, Sabado, namigay ng cash gifts sa lucky winners sina Isko Moreno at Buboy sa LRT-2.

Tumaon pa ito sa kontrobersiyal na selebrasyon nila ng 44th anniversary ng Eat Bulaga!.

Read: Anong anniversary celebration ang mas tinutukan ng viewers: 'E.A.T.' o 'Eat Bulaga!'?

Sumakay ng tren sina Isko at Buboy at doon nagbigay ng cash gifts sa masusuwerteng commuters.

Bumaba ang dalawang hosts pagdating sa Cubao station.

Patapos na ang dalawa sa kanilang segment, pero napansin ni Buboy ang isang matandang babae na lumabas ng tren.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isa ang lola sa mga naabutan ng PHP1,000 noong nasa loob pa ito ng tren.

Nang makalapit sa kanila ang lola, tinanong ito ni Buboy.

Buboy: “Nanay, ano pong masasabi sa Eat Bulaga!?”

Lola: “Ay naku, noon pa talagang Eat Bulaga! ako!”

Niyakap ni Isko ang matanda at pinasalamatan.

Sumagot ang matanda na dinig pa dahil nakalapit pa sa bibig nito ang microphone na hawak ni Buboy.

Sabi ng lola, “Salamat po, Tito, Vic at…”

Pero maagap si Buboy at mabilis na inilayo ang mic, pero narinig pa rin ang “Joey.”

At saka makikitang lumakad paalis ang matanda.

old woman walking away

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lumakad papalayo ang matandang babaeng ininterbyu ni Buboy Villar na hindi pinatapos magsalita dahil binanggit ng lola ang TVJ.

NETIZENS CALL BUBOY VILLAR "BASTOS

Maiksi man ang eksenang iyon, malaking atensiyon ang nakuha nito ngayon sa social media.

Kumalat ang video clip na ito sa social media, gaya ng TikTok, na ni-repost ng netizens.

Dito bumuhos ang pagpuna kay Buboy na tinawag nilang “bastos” dahil “tinanggalan ng mikropono si Lola”

Narito ang ilang screenshots sa TikTok:

buboy villar bashing

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Umabot din sa Instagram account ni Buboy ang kanyang mga kritiko.

Kinastigo nila si Buboy nang tanggalan daw niya ng mikropono ang lola kahit hindi pa ito tapos magsalita.

Ang iba ay ikinumpara pa siya sa former Eat Bulaga! hosts na sina Jose Manalo at Wally Bayola.

Narito ang ilan sa mga komento:

bashing

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Malaki naman ang posibilidad na nabasa ni Buboy ang comments na ito dahil may recent replies siya sa ilang kaibigang nag-iwan ng comment sa parehong IG post.

Pero wala siyang sinagot sa mga pumuna sa kanya kaugnay ng eksena sa lola.

Ilang supporters niya ang sumagot para kay Buboy, bagamat mapapansing mas marami ang bilang ng mga puna.

May nagsabing wala naman daw masama sa ginawa ni Buboy at “naghahanap ng mali” sa host.

Katuwiran naman ng isa, nauunawaan niya ang ginawa ni Buboy dahil “ikaw tutulong tapos iba papasalamatan? Happy ba?”

buboy villar defend

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Halos ganito rin ang nangyari sa parehong segment noon lamang Hunyo, kung saan isang napiling winner ang pinasalamatan on-air sina Tito, Vic & Joey.

Mabilis naman ang recovery ni Isko na binigyang-pugay pa ang TVJ, pero sinabing sana ay suportahan din ang bagong Eat Bulaga!.

Read:

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Eagle-eyed viewers were quick to castigate host Buboy Villar (far right) after he abruptly removed the microphone away from a senior citizen who was still talking and thanking Tito,Vic, and Joey in the July 29, 2023 episode of 'Eat Bulaga!'
PHOTO/S: Eat Bulaga
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results