Not once but twice nakaengkuwentro ang Korean vlogger na si Pancake Hong ng taxi drivers na tinakot umano siyang kidnapin at huthutan ng pera.
Nangyari raw iyon noong nasa kolehiyo pa siya.
Salaysay ni Pancake, "Yun po ang isa sad moments ko here. I have experienced, hindi naman totally kidnap, pero parang kidnap din po siya, ng taxi driver.
"He tried to [threaten me], 'Pay me ng ganitong amount. Kung hindi, dadalhin kita doon sa bahay ko. Tapos iki-kidnap kita.'
"So, I was thinking na, sa 30 seconds gumagana yung brain ko, ‘Ano kaya ang gagawin ko rito?’ So, I did my best.”
Nasakyan daw niya ang taxi mula sa University of the East (UE) sa Recto, Manila, kung saan siya nag-aral.
Para malusutan ang sitwasyon, nagkunwari si Pancake na magpapahatid pauwi ng bahay niya.
Pagbabalik-tanaw ni Pancake, "Sabi ko, 'Sige, Kuya. Ibibigay kita ng pera, pero dalhin mo ako dito address. Nandiyan yung boyfriend ko. May hawak siya na pera. Dalhin mo ako.'
"Tapos ano, I didn’t give him the name of the place. Basta, I gave him the address. So, after nung binigay ko siya, sabi niya, 'O, saan banda dito?' Sabi ko, 'Basta dire-diretso pa konti.'"
Sabay tawang dagdag ni Pancake, "Tapos, that was the police station."
Agad din daw kinontak ni Pancake ang kanyang ina.
"Tapos, pagdating doon, nagulat siya. Pero I already text my mom na, 'Please be ready. Parang na-kidnap ata ako. I’m on my way to the station.' Blah-blah-blah. 'Can you please go na?’
"Kasi malapit lang po sa bahay ko. Kaya, I know the police station. So, already abang na ang mga pulis doon. Siyempre, di ba, kaya hindi siya makatakas.”
Doon na raw dinampot ng mga pulis ang driver na sinakyan ni Pancake.
Lahad pa niya, "Opo, nahuli siya and that’s the time I saw, uh, police beating a taxi driver. That was the first time.”
Read: Multa para sa riders na nagpapatila ng ulan sa ilalim ng tulay, flyover? Netizens react
SECOND TIME TO ENCOUNTER A TAXI MISADVENTUREHindi raw akalain ni Pancake na mauulit pa ang senaryo na muntik siyang hingan ng malaking pera ng nasakyan niyang taxi.
"Yes, second time ulit. Ganoon din. They asked big money. Same rin po. Tapos, nanghingi na naman ng pera.
"Kasi I was on my way to SM North. Nandoon ang nanay ko. Nag-shopping siya.
"Sabi ko, 'SM North.' Hanggang UE to SM North, magkano lang yan? Mga PHP500 ata.
"Tapos sabi niya bayaran ko raw siya ng PHP6,000 kung hindi dadalhin daw sa opisina niya. Hahaha!
"Sabi ko, magkapatid ba ‘to nung una nag-kidnap sa akin? Parang same pattern. Paulit-ulit lang."
Pero agad daw siyang nakapag-isip ng paraan para malusutan uli ang sitwasyon.
Lahad pa rin ni Pancake: "Sabi ko, 'Sige, Kuya. Bayaran kita basta dalhin mo na ako sa SM. Nandoon ang nanay ko.' Sabi ko, 'Kuya, estudyante lang ako. Wala akong pera.'
"Pero tinext ko na po ang nanay ko na i-ready niya yung PHP6K.
"Sabi ko, 'Please, please bring me sa SM North.’ Dinala niya ako sa SM North. Tapos nakaabang na yung taga-MMDA doon. Hahaha!"
Muntik pa raw tumakas ang taxi driver.
"Pero when the time na nakita niya yung mga MMDA nakatayo, gusto niya tumakas. Pero there was one police na who tried to jump sa car and then, nahuli siya.
"Hay, that was an unforgettable experience for me,” buntong-hininga ni Pancake pagkatapos ikuwento ang karanasan niya.
Read: Mangingisda sa Cavite, nakakita ng dilaw na bato sa talaba; Perlas kaya ito?
ON MEETING HER CELEBRITY CRUSH
Sa patuloy na kuwento ni Pancake, nagbahahi siya na mas marami naman daw siyang good experiences sa Pilipinas.
"Ay, yung pong sa Eat Bulaga!. Oh, yeah. I joined that show and I can say that finally I met my ultimate crush."
Sino ang crush niya?
"Si Paolo Ballesteros po," kinikilig na sagot ni Pancake.
"Yeah, I had the chance to join Eat Bulaga po. Since pandemic po ata yun, sa 'Bawal Judgemental' siya.
"That’s the time I met my crush there. I enjoyed the show po naman. I enjoyed the interview. Natuwa po sila na binanggit ko crush ko si Paolo."

Naging guest participant siya sa Bawal Judgmental noong December 2020.
Ano ang naging reaksyon ni Paolo sa kanya?
"Ano siya, e, ganoon siya," ani Pancake na iminuwestra na napakamot daw sa ulo si Paolo pagkasabi niyang crush niya ang Eat Bulaga host.
"Tapos dumiretso siya sa Koreano. Dinedma na niya ako po, e," tawa niya ulit.
"Pogi po kasi siya, e. Saka matangkad, maputi. Tapos, kahit officially ano siya, very active po yung energy niya, di ba? So, I like him."
Kaya ba niyang magmahal ng isang tulad ni Paolo na member ng LGBTQ+?
"Opo," sagot ni Pancake. "I hope na nga, e. Hehehe. And then, if time na he will say, 'Pancake, I have to wait my boyfriend.' 'O, sige. Pero balik ka lang sa akin, ha?' Hahaha!
"Yeah, yeah, tanggap ko po kasi crush ko, e.”
Read: Retokadang model pinakita ang shocking transformation sa "18 vs. 34" photo
ON FAMILY BACKGROUND
Ayon kay Pancake, ipinanganak siya sa Korea at doon lumaki hanggang siya ay "10 or 11 years old."
Ang kanyang tiyuhin ay may negosyo dito sa Pilipinas, at ito raw ang nag-aya sa kanyang ina na manirahan dito sa Pilipinas.
"He asked my mom to help doon sa business dahil lagi pong nag-aaway yung mommy ko tsaka daddy ko sa Korea.
"So, my uncle told my mom, 'Ano ka muna, magpahinga ka muna dito sa Pinas. Lumayas ka muna sa asawa mo.’ Hahaha!
"Kasi they’re both busy, e. Kahit na I was very young and here they are both working. Tapos nag-aaway pa sila."
Pag-amin pa ni Pancake, "Babaero po kasi yung tatay ko, e.
"So, my mom decided to earn money for me. So, she worked here. Then, we decided to live here na po for good.
"And then, I started to have my tutor, siyempre. Home study po muna ako. Tapos, enroll po ako sa high school. Tapos, college na, sa UE Recto."
Read: VIRAL: Couple, itinuloy ang kasal kahit baha sa simbahan
PANCAKE'S JOB AS ANNOUNCER
Bago pumalaot sa pagba-vlog, nakapagtapos si Pancake sa kolehiyo sa kursong Broadcasting sa UE Recto.
After graduation ay nagsimula na siyang magtrabaho bilang announcer sa isang Korean-Philippine network, ang K-Phil.
"I started as an announcer po for them. And after graduation, I went back to Korea and then, I enrolled again po in an announcer academy.
"And then, I start to work na po as announcer-reporter, host sa Korea po.
"Like, seven years po. I interviewed also artists there. I interviewed company owners. And then, after that, I had a car accident. So, I need to take a break like one year or so."
Bumalik siya ng Pilipinas noong 2018.
"After nung one year, tapos na po lahat ng contract ko doon. Since my mom is here, she has a business po here, e. So, I planned to visit my mom. And then, I visited her in the Philippines.
"Then, I had my chance to meet my friends, media. So, I decided, since, uh, marunong din po akong mag-Tagalog, mag-vlog."
Ang mga kaibigan daw ang nag-engganyo sa kanya na karirin ang pagba-vlog.
Iniwan niya ang kanyang buhay sa Korea, at piniling dito sa Pilipinas uli manirahan.
Sa kasalukuyan, siya ay may 12,000 followers sa kanyang Facebook page na Pancake Show.
“Naging vlogger po ako before pandemic. Tapos, pandemic na. Hahaha!
"During pandemic we stopped po. Kasi cancel na po mga events, di ba? Wala pong events sa mga celebrities.
"But I still do live show sa bahay. Gini-guest ko yung mga friends ko during my live streaming. Then after pandemic we start attending mga events, presscon, interviews.”
Ang latest na event na dinaluhan ni Pancake ay ang GMA Gala 2023. Madalas ay imbitado si Pancake sa mga press conference and other special events ng Kapuso Network.
"Other TV networks? Uh, I’m still looking for a chance kung puwede,” wish niya.
"Pero na-try ko rin pong i-visit ang ABS-CBN. Kasama ko po si Ryan Bang.
"I just study [his] work by just looking at him na paano niya ma-entertain yung mga tao. Yun po. Pero wala pa pong chance doon sa ABS-CBN mag-work talaga.”
Sinu-sino na ang nainterbyu niya na celebrity?
"Like Alden Richards, Marian Rivera. Last, last week po ano tayo, si Ken Chan po. Yeah, we featured him sa vlog. Also, Jillian Ward.
"Ang pansin ko, ang bait-bait ng mga artista dito."
Sa Korea raw kasi ay "medyo masungit" ang mga artista.
Sabay sabi rin niya, "But guys [don’t get] angry, ha. Korean fans don’t [get] angry. Hahaha! Hindi ko naman binanggit kung sino, e."
Ano ang dapat abangan sa kanyang YouTube Channel?
"Actually, we are vlogging nowadays more with people po. People in the street. Kung saan-saan po may tao.
"So, that, kasi there a lot of people na, di ba, kahit ano siya, normal tao ka [tapos] bigla nasa kamera ka, di ba, they will be very excited?
"I want to share my moments with them na kasama siya sa vlog ko. Tapos lagi kaming may giveaway po. Para they can enjoy din our show."
