PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Cancer survivor, naka-jackpot ng PHP50M as lotto bettor

“Sadyang napakabuti Mo, Panginoon.”
by KC Cordero
Published Aug 6, 2023
The jackpot winner
Labis ang pasasalamat ng cancer survivor sa dalawang malaking pagbabago sa kanyang buhay. “Ako na yata ang pinakamasuwerteng tao sa mundo dahil mahal ako ng Diyos!” Si PCSO Assistant General Manager for Gaming Sector Arnel Casas ang nag-abot ng kanyang premyo. (Photo courtesy of PCSO)

Pagkatapos ng pagsubok, sunud-sunod ang biyaya na ipinagkakaloob ng Diyos sa isang lolo na edad 74.

Isa siyang cancer survivor.

At matapos niyang maka-recover, tumama siya ng jackpot sa lotto.

Noong March 3, 2023, nagsadya siya sa main office ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa Mandaluyong City.

Nag-claim siya ng jackpot prize na PHP50,796,013 matapos niyang mahulaan ang mga kumbinasyon na 26-14-11-08-07-22 para sa February 28, 2023 draw ng Lotto 6/42.

Read: Retokadang model pinakita ang shocking transformation sa "18 vs. 34" photo

Photo of the jackpot winner

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Raw vegan food influencer, namatay sa gutom at malnutrition

Aniya sa panayam ng PCSO staff, “Ako na yata ang pinakamasuwerteng tao sa mundo dahil mahal ako ng Diyos!”

Kuwento ng bagong milyonaryo, masugid siyang tumataya sa lotto simula pa noong 1998.

Ang kanyang mga alagang numero na naghatid sa kanya ng milyones ay kumbinasyon ng araw at buwan ng kapanganakan ng kanyang mga kapamilya.

Tatlong kumbinasyon ang kanyang tinayaan sa isang lotto outlet sa Sampaloc, Manila.

“Napakatagal ko ng sumusubok sa lotto, simula 1998 ay tumataya na ako. Numero iyan ng mga kaarawan at buwan ng kapanganakan namin sa pamilya.

“Iyang lumabas na numero ay isang taon ko nang inaalagaan.”

Read: Trabaho sa gobyerno ang hanap mo? Bisitahin ang CSC Job Portal

The winning ticket

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Pet owner, proud sa kanyang 12-kilo cat: “Many people think that it’s a dog...”

Alam din niya na nakatutulong ang PCSO sa mga nangangailangan ng tulong medikal dahil isa siya sa mga naging benepisyaryo nito.

“Napakalaki ng utang na loob ko sa PCSO dahil noon pa man ay nakakahingi na ako ng tulong sa aking pagpapagamot, kasama na ang operasyon ko sa kidney noong 2017.

“Maraming-maraming salamat din sa Diyos dahil hindi ako pinabayaan. Ginawa Mong kasangkapan ang PCSO para madugtungan ang buhay ko at para mapaganda ang buhay namin ng aking mga anak.”

Sambit pa niya, “Sadyang napakabuti Mo, Panginoon.”

Read: Estudyante gumagawa at nagbebenta ng maliit na bahay para matupad ang malaking pangarap

Samantala, ginagarantiyahan ng PCSO ang kaligtasan at seguridad ng lahat ng winners sa lotto sa pamamagitan ng pagpapanatiling confidential ang personal information ng mga ito.

Alinsunod sa Republic Act No. 1169, ang mga lotto winners ay may palugit na isang taon mula sa araw ng bola para makuha ang kanilang premyo sa main office ng PCSO na nasa Sun Plaza Building, Shaw Boulevard, Mandaluyong City.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Makalipas ang itinakdang panahon, kung hindi na-claim ang premyo, mapo-forfeit ito at magiging bahagi ng PCSO Charity Fund.

Ang mga premyo na lalampas sa PH10,000 ay kakaltasan ng 20 percent final tax alinsunod sa Tax Reform Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

Read: 35-year-old bettor wins PHP15.8M lotto jackpot through lucky pick

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Labis ang pasasalamat ng cancer survivor sa dalawang malaking pagbabago sa kanyang buhay. “Ako na yata ang pinakamasuwerteng tao sa mundo dahil mahal ako ng Diyos!” Si PCSO Assistant General Manager for Gaming Sector Arnel Casas ang nag-abot ng kanyang premyo. (Photo courtesy of PCSO)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results