PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Nigerian content creator Zombie Tugue, latest addition to Dabarkads

Contestant Zombie Tugue, aka Daniel Oke, is now part of E.A.T.
by Bernie V. Franco
Published Aug 5, 2023
zombie tugue with jose manalo and wally bayola
Zombie Tugue, a.k.a. Daniel Oke, is a Nigerian who came to the Philippines to study nursing. He initially wanted to be a doctor but fate had different plans for him.
PHOTO/S: Facebook (Tugue Zombie)

Unti-unti nang nakikilala ng E.A.T. viewers ang bagong Dabarkads na si Zombie Tugue—a.k.a. Daniel Oke—isang Nigerian content creator.

Read: Netizens call out Jose Manalo for "blackout" joke about new Dabarkads Zombie

Ilang taon nang naninirahan si Zombie sa Pinas kung saan siya nag-aral ng kolehiyo.

Bagamat baluktot ang Tagalog nito ay matatas ito sa pagsasalita ng wikang Pilipino.

May following man siya dahil isa siyang content creator, lalong lumaki ang kanyang following matapos mapabilang sa E.A.T.

Biglang nagbago ang buhay ni Zombie nang nakitaan siya ng potensiyal bilang participant sa “Babala! ‘Wag Kayong Ganuun…” segment ng E.A.T. noong July 13, 2023.

allan k, zombie tugue, and miles ocampo

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngayon ay araw-araw nang napapanood si Zombie kasama nina Jose Manalo at Wally Bayola sa "Sugod Bahay Mga Kapatid" segment ng TV5 noontime show.

Binansagan pa nga ang tatlo bilang JoWaZom (Jose, Wally, Zombie).

Pero recently ay nakaladkad ang pangalan ni Zombie sa isang isyu na pinag-usapan sa social media.

Bagama’t hindi diretso ang Tagalog, matatas naman si Zombie sa pagsasalita.

Si Zombie ay nag-aral ng kolehiyo sa Pilipinas at inaral niya ang ating wika.

At dahil sa kanyang pagiging digital creator, may mga followers na siya na bigla lang lumaki nang makuha sa noontime show.

Kung noon ay less than 1,000 ang average views sa kanyang YouTube channel, nitong nagdaang tatlong linggo ay umaabot na sa 10,000 to 30,000 ang vlogs niya ng kanyang karanasan bilang E.A.T. co-host.

May dalawang vlogs din siya ng pagkikita nila ng TVJ at pagiging bahagi niya ng show na umabot ng tig-146,000 views.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

HOW ZOMBIE CAME TO THE PHILIPPINES

Sa interview niya sa vlog ni Julius Babao nitong August 3, 2023, ibinahagi ni Zombie ang kuwento niya at kung paano siya napadpad sa Pilipinas.

Aniya, ginamit niyang screen name ang Zombie dahil ang mga zombie ay hindi sumusuko at matindi ang focus, tulad niya.

Naninirahan daw siya sa Nigeria at wala siyang kaalam-alam tungkol sa Pilipinas.

“Yung tatay ko meron siyang kaibigan dito sa Pinas, tapos nag-aral siya ng Masters,” lahad ni Zombie.

“Sabi niya sa tatay ko, ‘Uy, maganda palang mag-aral dito sa Pinas.

“Tapos ang tatay ko, ‘Ay, totoo pala yon.’ Tapos nag-process ako ng visa, tapos book ng flight, tapos boom! Pilipinas na ako para mag-aral.

Si Zombie ay kumuha at nagtapos ng nursing. Habang nag-aaral ay pinasok na niya ang paggawa ng content.

zombie tugue

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang plano raw niya noon ay pagka-graduate ng nursing ay kumuha ng medicine at mag-doktor.

“Pagkatapos ko ng nursing parang iba yung direction. Iba yung daan ko, iba yung passion ko, iba yung bagay sa akin.”

Sineryoso niya ang pagiging content creator na hindi sinang-ayunan ng kanyang pamilya noong una.

Pero kalaunan ay pumayag na rin dahil nakikitang masaya ito sa ginagawa.

APPEARING ON E.A.T. FOR THE FIRST TIME

Taong 2022, nag-isip-isip daw si Zombie kung ano ang nais niyang gawin.

Doon daw niya pinangarap mag-artista, pero ipinagpatuloy ang vlogging.

Noong July ay nakatanggap daw siya ng message para mag-guest siya sa E.A.T.

Nilubos daw ni Zombie ang paglabas niya sa telebisyon.

“Sa totoo lang, lumabas talaga yung totoong comedy, totoo happy vibe, totoo funny, totoo Zombie,” aniya.

Nilapitan daw siya ng production pagkatapos ng segment at sinabihan siyang maiwan.

Naramdaman daw ni Zombie na gusto siyang lumabas at maging parte ng show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang portion niya sa "Babala…" ay in-upload sa social media at marami ang nag-request na isama siya sa noontime show.

Kuwento niya, “Parang a lot of people liked me. They wanted me to go.”

And the rest, as they say, is history.

Sabi ni Zombie, “It’s because of the support. It’s because the people liked me so I’m there.”

zombie tugue, jose manalo, and wally bayola

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aminado siyang nangapa siya sa kanyang unang linggo sa "Sugod Bahay," pero tinanggap niya ang hamon.

Makalipas ang isang linggo ay nagawa na niyang mag-enjoy sa harap ng camera.

“Right now I’m free. I’m naturally doing 'Sugod Bahay…' it’s easy, wala nang pressure, matutulog ako nang maayos.”

Malaki rin ang pasasalamat niya kina Wally at Jose dahil marami siyang natututunan pagdating sa pagiging host.

“I learn a lot from them, na kahit ano yung situation, nangyari I can change everything to comedy. That’s what I learned from them.”

Bagamat may following na siya bago ang E.A.T. aminado si Zombie na nakagugulat ang biglang pagdami ng mga nakakakilala sa kanya.

“Iba yung sikat. Iba talaga,” sabi niya.

Sa ngayon, ang hangad daw ni Zombie ay “bring something different to the Philippine market as an artist.”

Sabi naman niya sa kanyang tadhana na makarating sa Pinas, “It’s like I’m meant to be here. It’s not my choice sa una. It’s the land where I’m meant to be.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

zombie with TVJ

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Zombie Tugue, a.k.a. Daniel Oke, is a Nigerian who came to the Philippines to study nursing. He initially wanted to be a doctor but fate had different plans for him.
PHOTO/S: Facebook (Tugue Zombie)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results