Ipinakita ni Vice Ganda na maganda ang relasyon niya sa kiddie mainstays sa "Isip Bata" segment ng It's Showtime.
Ito ay sa gitna ng kontrobersiyang kinasasangkutang isyu ni Vice at ng kanyang real-life partner na si Ion Perez sa Movie and Television Classification and Review Board (MTRCB).
Kilala bilang mga "Batang Cute-po," sina Argus, Jaze, at Kulot ang mga bibo kids sa Kapamilya noontime na kahuntahan ni Vice.
Sa kanyang Instagram post ngayong Sabado, August 5, 2023, ipinost ni Vice ang ilang video clips mula sa August 1 episode ng It's Showtime.
Sa segment ng "Isip Bata," naghayag ang tatlong bata ng pagmamahal nila kay Vice,
Sabi ni Kulot, "Hindi ka nakakasawa makita Meme Vice."
Sabi ni Jaze: "Kasi love po namin si Meme Vice."
Sabi ni Argus: "Pag hindi naka-makeup si Meme sobrang ganda pa rin niya po."
Tanong ni Vhong: "Love na love mo talaga si Meme Vice ano?"
Sagot naman ni Vice, "I know... they love me and you cannot question that."
Dagdag ni Vice base sa isa pang clip, "Only the child who has the purest heart can see my beauty."
SUPPORT FROM PARENTS OF BATANG CUTE-PO
Ipinakita rin ni Vice sa kanyang IG post ang pag-uusap nila ni Argus tungkol sa pangingibang-bansa ng ama ni Argus.
Tanong ni Vice kay Argus: "Anong sabi mo kay Ion?"
Sagot ni Argus, "Siya po muna magiging daddy ko habang wala si Daddy."
Singit ni Vhong Navarro," Sinong mommy mo?
Sagot ni Argus, "Si Mommy Vice po."
Kasama sa IG post ni Vice ang screenshot ng Facebook post ng ama ni Argus na si Aisley Argus.
Sa kanyang Facebook post noong August 2, nagpasalamat si Aisley kay Vice sa pag-aalaga sa kanyang anak.
Sa iba pang video clips sa IG post ni Vice, makikita ang mga behind-the-scene moments kunsaan makailang-beses nakunan ng camera na karga-karga ni Ion si Argus.
Kita rin sa mga ito na malapit ang loob ni Argus kay Ion dahil madalas ay nakayakap sa huli ang bata.
Ipinakita rin sa IG post ni Vice ang hiwalay na post sa Facebook account ng batang si Jaze na nagpaabot ng pagmamahal para sa comedian-host.
Waring ipinararating ni Vice na sa harap at likod ng camera ay hindi lang siya kundi pati si Ion ay likas na maayos ang pakikitungo sa mga bata.
MTRCB SUMMONS IT'S SHOWTIME REPRESENTATIVE
Noong July 31, pinatawag ni MTRCB chairman Lala Sotto ang authorized representative ng It's Showtime.
Sa sulat na isinapubliko ng MTRCB, nakasaad na nakatanggap ang kanilang opisina ng "numerous complaints" dahil sa "indecent act/s" na pinalabas sa "Isip Bata" segment.
Sinabi ring may kinalaman daw iyon sa eksenang pagsimot ng cake icing nina Vice at Ion sa episode noong July 25.
Read: MTRCB summons It's Showtime over Vice Ganda-Ion Perez scenes in "Isip Bata" segment
Sa panayam ng radio host and showbiz columnist na si Cristy Fermin noong August 2, ipinaliwanag ni Lala na dumaan daw sa due process ang ipinataw na violation ng It's Showtime.
Sabi rin niya, "Ang klasipikasyong PG, which is Parental Guidance, ay nagkaroon ng paglabag, lalo na at may mga maliliit na bata who were physically present, maliban sa mga batang nanonood mula sa kani-kanilang tahanan na wala namang bantay lahat.
“Yun po yung naging problema sa It's Showtime. That is why nagbigay po kami sa kanila ng notice to appear base sa aming sariling monitoring inspection unit and the proliferation of complaints."
LALA ON NETIZENS QUESTIONING HER FAIRNESS
Sinagot din ni Lala ang paratang sa kanya na siya ay hindi patas dahil hindi raw sinisita ng MTRCB ang anila'y mga paglabag din ng noontime show sa TV5 na E.A.T.Si Lala ay anak ng E.A.T. host na si former Senator Tito Sotto.
Nanindigan naman si Lala na walang dahilan para ipatawag ng MTRCB ang pamunuan ng E.A.T. dahil wala raw basehan ang reklamo ng mga pumupuna sa halikan ng kanyang mga magulang sa E.A.T.
Idiniin ni Lala na 45 taon nang kasal ang kanyang mga magulang na sina Tito at Helen Gamboa.
Read: MTRCB Chair Lala Sotto on parents Tito Sotto, Helen Gamboa's kiss on 'E.A.T.': “Wala po silang nilabag.”
