Hindi maitago ni Zanjoe Marudo, 41, ang lubos na kasiyahan sa piling ng girlfriend niyang si Ria Atayde, 31.
Read: A look back: Zanjoe Marudo's rumored and real-life romances
Sa kanyang Instagram post kagabi, August 6, 2023, ibinahagi ng aktor ang aniya'y "5 out of 100 photos" nila ni Ria na kuha sa recent vacation nila sa London.
Tourist mode ang couple dahil siniguro nilang may mga kuha sila sa mga sikat na destinasyon doon.
Una na rito ang litrato nilang masayang nakatitig sa isa't isa habang ang nasa background ay ang pamosong Big Ben.

May kuha rin sila na ang view ay ang London Eye na matatagpuan along River Thames.

Kasabay nito ay nakunan din ang dumadaan na red double decker bus sa likod ng couple.
Mayroon din silang kissing photo sa loob ng pamosong red telephone booth sa London.
May pahabol pa si Zanjoe sa kanyang Instagram Stories na ibang sweet moments nila ni Ria.

CELEBRITY REACTIONS
Kinilig naman ang fans nina Zanjoe at Ria pati na rin ang mga kaibigan nilang artista.
Una na rito si Maja Salvador na nagsabing "Ang cute niyyyoo Riii."
Nanunuksong saad ni Darren Espanto "IG Official" na sina Ria at Zanjoe.
Isa pang malapit na kaibigan nina Ria at Zanjoe na si Alora Sasam ay natuwa sa couple na botong-boto siya. Aniya, "my ship is sailing."
Sina Kyline Alcantara, Nadia Montenegro, at Carmi Martin ay napa-comment ng hearts sa kilig.
Nakisabay sa panunukso ang netizens na nagsasabing "sila na ang next" na ikakasal.
May nagkomento ring tila "malapit naden mag propose si zanjoe."
Dagdag ng iba, "Zanjoe put a ring on it na."
Noong July 28, 2023 ay ikinasal ang kapatid ni Ria na si Arjo Atayde sa Dubsmash Queen na si Maine Mendoza.

