Usap-usapan ngayon sa pageant community ang controversial posts ng beauty queen na si Shaila Rebortera.
Ang mga post ni Shaila ay may pahaging na siya ay biktima ng pambubugbog.
Collage ito ng mga larawan na ipinapakita ang malalaking pasa sa braso ng isang babae. Pero hindi kita ang mukha ng babae sa mga larawang ito.
Ni-repost ng pageant vlogs ang sinasabing Instagram stories na ito ni Shaila.
Makahulugan ang caption ng IG Story na taglay ang tatlong quotes:
“It’s just social media”
“I’m just protecting my career”
“Let the show stay number one”
Mahihinunang statements ito ng taga-showbiz na nais alagaan ang career.
Kapansin-pansin naman na naka-tag dito ang “@robgomez.23” — ang IG account ng Kapuso actor na si Rob Gomez.
Kamakailan ay lumantad ang Cebuana beauty queen na mayroon siyang anak kay Rob.
Read: Beauty queen reveals she has daughter with actor Rob Gomez
Si Rob ang leading man ni Herlene Budol sa Kapuso teleseryeng Magandang Dilag.
Read: Bata na idol si Spider-Man, nagpakagat sa black widow spider; isinugod sa ospital

Kasunod nito ay screenshot ng isang post sa isang apartment and condo rent community sa BGC.
Ang post ay galing kay “Shaila Rebortera”: “Looking for 1br-2br long term rent. Semi-furnished or fully furnished. Move in asap.”
Read: Jeepney driver na nakasagi ng van, binigyan pa ng bigas at groceries ng van owner

Hindi na makikita ang IG Story ni Shaila tungkol sa photos ng kanyang pasa.
Kung sisilipin ang kanyang IG account, ang latest post ni Shaila ay ang announcement na may anak na sila ni Rob.
Pero may ilang recent comments na indikasyong may pinagdadaanan si Shaila.
Ang isang comment ay galing sa kapwa contestant ni Shaila sa Miss World Philippines 2021.
“I hope you find justice and peace,” komento ni Angelica Datu.
“deleted story” komento naman ng isa pa, patukoy sa pinag-uusapang IG Story.

Wala namang recent post si Rob kaugnay ng isyung ito.
ROB’S CONTROVERSIAL STATEMENTS
Samantala, palaisipan sa netizens kung ano ang pinanggagalingan ni Shaila.
Nag-post si Shaila sa Instagram tungkol sa pagkakaroon nila ng anak ni Rob noong August 4, 2023.
Isang araw bago iyon, noong August 3, Huwebes, nagkaroon ng guest appearance si Rob sa Fast Talk with Boy Abunda.
Inusisa rito si Rob tungkol sa kanyang buhay pag-ibig.
Tahasan niyang sinabi na "single" siya ngayon bagamat sinabi rin niyang mayroon siyang nililigawan.
Hindi naman madiretso ng aktor kung mayroon siyang love life.
Kinabukasan, doon na isiniwalat ni Shaila na may anak sila ni Rob.
WHO ARE ROB AND SHAILA?
Si Rob ay anak ng former actress na si Kate Gomez, na kapatid ni Gary Estrada.
Ibig sabihin, nasa dugo ni Rob ang pag-aartista.
Si Shaila naman ay kinoronahang Miss Multinational Philippines sa Miss World Philippines 2021 pageant.
Siya rin ang itinanghal na Miss Millennial Philippines 2018, ang beauty pageant ng Eat Bulaga!.
Miss Cebu 2016 second runner-up at Sinulog Festival Queen 2018 ang ilan pa sa mga beauty title ni Shaila.
Bukas ang panig ng PEP.ph sa lahat ng taong sangkot sa isyu.
