Masaya si Deanna Wong sa estado ng kanyang buhay pag-ibig kapiling ang partner niya, ang kapwa volleyball player na si Ivy Lacsina.
Naka-isang taon na rin bilang magkasintahan ang dalawa at ipinagdiwang pa nga nila ito noong June 2023.
Read: Volleyball stars Deanna Wong, Ivy Lacsina celebrate first anniversary
Para kay Deanna, ang pagtitiwala nila ni Ivy sa isa't isa ang pinakaimportanteng factor upang kung bakit napapanatili nilang matibay ang kanilang relasyon.
"I think the strongest foundation in relationship is really trust," pahayag niya sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters noong July 29, 2023.
"Kasi doon mo talaga, yung parang kahit anong gagawin, kahit saan pupunta, kahit sino kasama, you're at peace. Kasi nga, you have trust and faith on your partner.
"So, for me, yun yung pinakamahalaga. Kasi kapag wala yun, e, di wala din yung relationship. Hindi din magtatagal."
Read: Volleyball stars Deanna Wong, Ivy Lacsina celebrate first anniversary
Looking forward naman si Deanna na patuloy na may ma-discover kay Ivy at maging sa sarili habang tumatagal ang kanilang pagsasama.
"Every day naman we get to discover, hindi lang with your partner, siyempre with yourself din.
"And I think, being with my partner naman, ang dami pa naming ma-experience at matututunan."
Naganap ang interbyu ng PEP.ph kay Deanna sa second anniversary party ng Luxe Beauty and Wellness group na pagmamay-ari ng businesswoman na si Anna Magkawas sa Grand Hyatt Hotel sa Bonifacio Global City, Taguig.
ON HANDLING FAME AND SUCCESS
Samantala, aminado si Deanna na magpasahanggang ngayon ay hindi pa rin siya sanay sa atensiyong nakukuha niya mula sa fans at maging sa pagtitiwala sa kanyang ng brands bilang isang endorser.
Ni sa hinagap ay hindi nito naisip na sisikat siya lalo't pinangarap lang nitong maging isang propersyunal na volleyball player.
Pahayag ni Deanna, "I never imagined na it will all come to this. So, coming from the province kasi, all I ever wanted to do and my dream was just really to play.
"So, I think being an athlete gives a lot more benefits and advantages. And, I'm just really grateful na nakilala ako at parang kinuha din ako.
"So, [I'm] just really blessed beyond everything. So, hindi ako sanay if you're asking. Actually, I'm really a shy type person. So, mahiyain ako."
Ngayong isa na siyang sikat na volleyball player, nagbago rin ba ang kanyang mga pangarap?
Sagot ni Deanna, "I think, ever since, it's been really the same dream na to be successful, to be settled, to have a family.
"And siguro, some people might say na, andiyan na ako, di ba. Pero for me, personally, I'm not even halfway there.
"Siguro, I really have lots to improve on, really have more of improvement talaga. And siguro, I can say na naging successful ako when I'm at peace.
"Pero as of now, I have to work hard pa, and ang dami pang kailangan pagtrabahuhin. So, siyempre, andun naman si Lord para mag-guide sakin.
"So, wala naman yung possibility. So, with my friends and my family, kaya pa. Kaya pa. Kakayanin."
Sa huli, umaasa si Deanna na kahit papaano ay may na-inspire sa kanya lalo na pagdating sa pagpapakatotoo sa kanilang sarili.
Aniya, "I'm just really happy na, in a way, na siguro just being myself, I've made other people happy...
"And I've made them inspired na magiging, hindi naman katulad sa akin, but siguro being successful in their own ways.
"And being, siyempre, and most especially being themselves."
READ MORE:
- Choco Mucho Flying Titans management issues statement about Deanna Wong, other players alleged snubbing incident
- Deanna Wong posts cozy photo with rumored partner Ivy Lacsina after successful game
- Volleyball star Deanna Wong tells rumored girlfriend Ivy Lacsina “I love you”
- Deanna Wong reveals craziest thing she did for love
