Naglabas ng "statement" si Lie Reposposa at British fiancé niyang si Paul Joshua Marsden.
Hindi written statement kundi pasabog na photo ng sweetness nilang magsing-irog ang bumalandra sa Instagram, Martes ng gabi, August 8, 2023.
Ito ay sa gitna ng kontrobersiyang kinasasangkutan ni Lie, dating housemate ng Pinoy Big Brother: Otso (November 2018-August 2019).
Read: Netizens accuse Lie Reposposa of cheating on British fiancéé
Sa litrato, makikitang nakakandong si Lie sa fiancé, habang nakayakap naman ang kanang kamay ni Paul kay Lie.
Matamis ang ngiti ng couple na waring nagpapahiwatig na all's well between them.
Walang anumang caption na nakalagay sa photo, pero naka-post ito sa parehong Instagram accounts nina Lie at Paul.
Kahapon ay usap-usapan ang diumano'y panloloko ni Lie kay Paul.
Kaugnay ito ng kumalat na video kunsaan nakunan ang isang babae at isang lalaking naghalikan sa loob ng isang bar.
Tinukoy ang babae na diumano'y si Lie, habang ang lalaki ay foreigner pero hindi raw ang British fiancé ng ex-PBB housemate.
Mixed reactions ang comments ng netizens.
May ibang nagsasabing si Lie nga umano ang nasa video, pero may mga nagsasabi ring hindi confirmed na si Lie iyon dahil malabo ang kuha sa camera.
Naka-off pa rin ang comments sa Instagram accounts nina Lie at Paul habang isinusulat ang artikulong ito.
Liban sa litrato ay walang direktang pahayag ang couple kung lehitimo o fake ang kumalat na video na inuugnay kay Lie.
February 24, 2023 nang unang isinapubliko ni Lie ang tungkol sa engagement nila ni Paul.
Noong December 2022 nang maging Instagram official ang kanilang relasyon.
Read: Ex-PBB housemate Lie Reposposa, 19, engaged to British boyfriend
