Nilinaw ni Andrea del Rosario, 45 na sila pa rin ng kanyang American-businessman boyfriend na si Anthony Garcia, 42.
May sitsit kasing magkahiwalay na sina Andrea at Anthony dahil madalas makitang mag-isa ang dating Viva Hot Babe sa showbiz gatherings.
"Yes, I’m still with him,” madiing sabi ni Andrea.
Ipinaliwanag ni Andrea ang posibleng rason kung bakit may mga nagsasabing hiwalay na siya sa kanyang nobyo.
"Half of the year kasi, he is based in America. Half of the year, here.
"Right now, he’s in America. As a matter of fact, nandoon ang anak ko kasama ng anak niya.
"Nandoon ang anak ko for almost two months ngayong bakasyon. Kaya nakakalabas-labas ako. And yes, para akong single," paliwanag ni Andrea.
Hindi ba siya nahihirapan sa set-up nila kung saan half a year lang niya nakakapililng sa Pilipinas si Anthony?
"Oh, wow," bulalas ni Andrea. "I can’t answer for him.
"But for me, I don’t have the time to do mga extracurricular na ganyan. I’m so busy with work.
"I’m so blessed with projects one after another. So, wala. I mean, I don’t think about him doing whatever,” sagot niya.
Read: Andrea del Rosario opens up about probinsya life with polo player boyfriend
ON TRUSTING HER BOYFRIEND
Nag-aalala ba siyang any moment ay may makakuha ng atensiyon ni Anthony na ibang babae?
"In any relationship, kailangan may trust ka, e," diin ni Andrea.
"If wala kasi akong trust sa kanya, huwag na lang kaming magsama, di ba?
"So far, he hasn’t done anything bad naman. Hindi pa niya nabi-break yung trust ko."
Napaisip naman si Andrea kung ano ang puwedeng deciding factor para samahan niya si Anthony sa Amerika at iwan ang showbiz.
"My god!" ngiti niya. "Uhm, okay. I guess, this is a positive thing naman.
"Actually, kakasabi lang ng daughter ko that she wants to study there.
"So, nandoon ako sa sitwasyon na iniisip ko kung ano ang gagawin ko kung matuloy man yun. Because, siyempre, my priority is her. Not my work, not my job.
"I would like to give her the best future I can give to her. So, yun. Siguro yun."
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Andrea sa birthday party ni Nunungan, Lanao del Norte Mayor Marcos Mamay sa Valle Verde Country Club sa Pasig City kamakailan.
Isinabay sa selebrasyon ang mediacon para sa biopic ni Mayor Mamay, ang Mamay, sa direksiyon ni Neal "Buboy" Tan.
Read: Andrea del Rosario "in the process" of relocating to U.S.
ANDREA DEL ROSARIO'S PROJECTS
Sa ngayon ay may projects pang pinagkakaabalahan si Andrea sa showbiz gaya na lang ng teleserye niya sa ABS-CBN and Dreamscape Entertainment, ang Dirty Linen.
"Matatapos na siya," pagbabalita ni Andrea.
"And then, now, we’re gonna start sa kabila. Sa GMA naman. I think it’s an afternoon show."
Nalalapit na ang pagtatapos ng Dirty Linen, kunsaan si Janice de Belen ang gumaganap na kanyang karelasyon.
"Yung buong serye til August and I am prepraring for another show for GMA. I think kasama ko si... ang aking asawa ay si Mon Confiado."
May pelikula rin si Andrea na mala-May-December affair ang kuwento.
“Yes, happy ako sa mga role na nakukuha ko. Super... super talaga. Sobrang blessed talaga ako.
"Katulad doon sa Dirty Linen, minsan nabibigla ako sa magnitude nung show. Siyempre, kapag ginagawa mo bilang artista, ‘Okey.’ Akala mo yung normal na script lang.
"And then, nung lumabas yung mga scenes ko, doon ko nakita na, 'Oh! Ha?! Wow!' Okey, eto na pala yung impact na nung role ko,” kuwento ni Andrea.
ANDREA ON DOING LGBT ROLES
Hindi na bago kay Andrea na magkaroon ng love interest sa kapwa niya babae on screen.
"I’ve done it before. Meron na akong ginawa, di ba?
"Nagkaroon ako ng Rome & Juliet with Mylene Dizon. And then, eto kay Janice de Belen," lahad ni Andrea.
At posibleng madagdagan pa ang ganitong proyekto ni Andrea with Angel Aquino.
Ani Andrea, "Nag-uusap kami ni Angel Aquino. Hopefully, we can do a movie together.
"Sabi ko, ‘Tara. Hanap ka ng gagawa ng script.’ Sana matuloy.”
