PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sports anchor laments stigma on tattooed people

"Thank you, NEXT."
by Bernie V. Franco
Published Aug 10, 2023
Mikee Reyes
TV5 sports anchor Mikee Reyes is now being talked about after sharing his convo with an event organizer who asked him to wear long sleeves at the event he was supposed to host to hide his tattoos. Mikee respectfully rejected the project.
PHOTO/S: Facebook (Mikee Reyes)

Mainit na usapin ngayon sa social media ang Facebook post ng sports anchor at digital creator na si Mikee Reyes, a.k.a. Tito Mikee.

May kinalaman ito sa stigma sa mga taong may mga tattoo sa katawan.

Si Mikee ay nagtataglay ng maraming body tattoos, tulad sa kanyang mga braso.

Batay sa screenshots na kanyang ibinahagi nitong August 9, 2023, kinukuha si Mikee na mag-host sa isang "family day" event.

Pero sa palitan ng mensahe, may pakiusap ang event organizer na magsuot ng long sleeves si Mikee sa araw ng event para matakpan ang kanyang mga tattoo.

Sagot ni Mikee, hindi siya kumportableng sabihang takpan ang kanyang mga tattoo pagdating sa trabaho niya.

Magalang niyang tinanggihan ang inaalok na raket.

Nauunawaan naman daw ng event organizer ang reaksiyon ni Mikee na idinagdag na, “Family day daw po and there will be a lot of kids kaya pinapatanong lang po.”

Inilabas ni Mikee ang kanyang saloobin sa caption.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sana raw ay sinabihan na lang siyang mag-formal attire o kaya ay mag-long sleeves at hindi na siya magtatanong pa.

Halatang hindi nagustuhan ni Mikee na sisihin ang kanyang mga tattoo sa braso.

“My tattoos make me bad for kids?” post niya pa. “Pano kung may ma-impart pala sana akong maganda sa kanila?”

Hindi naman daw niya sinisisi ang event organizer na posibleng napag-utusang sabihan siyang itago ang mga tattoo.

Gayunpaman, sinabi ni Mikee na naka-move na siya at hindi na niya ito didibdibin

“I’ve already made more friends and achieved more things, being myself, than I could ever have trying to be some else,” post niya.

Ang post na ito ni Mikee ay mayroon nang 11,000 reactions at 1,300 comments at press time.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Lasing na empleyado, nag-text ng thank you sa amo: “Boss, let me tell you this...”

LOSING A JOB OPPORTUNITY BECAUSE OF HIS TATTOOS

Noon lamang June 2023, na-interview si Mikee tungkol sa past experiences niya sa trabahong may kinalaman sa kanyang mga tattoo.

Sinabi niyang hindi big deal sa basketball industry ang pagkakaroon ng tattoos. Si Mikee ay dating player ng UP Maroons.

May inaplayan daw siyang isang trabaho noon at hindi pa ganoon kadami ang mga tattoo niya sa braso.

Aniya tungkol sa employer na inaplayan niya, “They really liked my application. Tapos nung miniting nila ako, sobrang gusto nila.

“Tuwang-tuwa sila sa akin. They’re so excited na i-check ako. Nilapitan nila ako, pinagtanggal ako ng relo.

“Nung pinatanggal nila yung relo, nanghinayang pa sila, ‘Sayang.'

“Tinanong nila ako, ‘Puwede mo bang patanggal?’

“So, dun ako parang, ‘Wait lang. So, kanina gustung-gusto niyo ako, accepted na ako. Kulang na lang papirmahin niyo ako ng kontrata and then the moment I took [off] the watch…’”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Tinanong daw siya kung puwede niyang ipatanggal ang kanyang tattoo at bumalik na lang.

Hindi na itinuloy ni Mikee ang kanyang application at pinadagdagan pa ang kanyang mga tattoo sa braso.

Read: Woman’s burp louder than blender, electric drill, motorbike; earns Guinness World Records title

TV5 HIRED HIM; ALLOWED HIM TO SHOW HIS TATTOOS

Nang maging sports anchor siya sa TV5, nagsimula si Mikee na laging naka-suit dahil conscious siya sa News department.

Pero di nagtagal ay sinabihan siyang maaari niyang itiklop ang kanyang long sleeves at ipakita ang mga tattoo niya kung komportable siya.

Nag-viral siya noon bilang fully-tattooed sports anchor, pero masaya raw siya sa reception sa kanya ng tao.

Pero mas naunawaan daw niyang, “There’s still is a little bit of stereotype [sa pagkakaroon ng tattoos].”

Pero sabi ni Mikee, “I really believe that bakit ka nga ba hindi kukunin kung magaling ka naman, just because you chose to express yourself with tattoos?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagtatanggol niya sa pagkakaroon ng tattoo, "t’s an expression, it’s an art. It means something.

“People don’t have to understand the meaning [of the tattoos]. Dapat sa yo lang yon.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
TV5 sports anchor Mikee Reyes is now being talked about after sharing his convo with an event organizer who asked him to wear long sleeves at the event he was supposed to host to hide his tattoos. Mikee respectfully rejected the project.
PHOTO/S: Facebook (Mikee Reyes)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results