Sumakabilang buhay na ang premyadong at batikang aktor na si Robert Arevalo, Robert Francisco Ylagan sa tunay na buhay, ngayong Huwebes ng umaga, August 10, 2023.
Siya ay 85.
Kinumpirma ng anak ni Robert na si Anna Yllagan ang pagkamatay ng aktor sa pamamagitan ng Facebook post ngayong Huwebes ng hapon.
Bahagi ng nakasaad dito, "Today is the day that the Lord has chosen to take our dearest Papa home.
"Robert Francisco Francisco Ylagan, aka Robert Arevalo, has peacefully passed away at 10:17 am this morning, Aug. 10, 2023."
Dagdag ni Anna, “Praise God for His mercy and grace. We are grateful that He has given us the best Papa one can ever wish for. Thank you for loving us the way you did, Pa.
“Although our hearts are broken, we are comforted by God's promise that He has a place reserved for you in His kingdom in Heaven where all of us who believe in His son, Jesus, will one day reunite.”
Binanggit din ni Anna ang detalye ng burol sa mga labi ng ama.
“Papa's wake will be at Arlington Chapels, Araneta Ave. 'Solace Rooms 1 & 2' beginning Saturday, Aug. 12, 2023 up to Sunday, Aug. 13, 2023.
"Thank you for all your expressions of love and sympathy. We are deeply touched and grateful."
Naulila ni Robert ang kanyang asawa, ang veteran actress na si Barbara Perez, at ang kanilang dalawang anak na babae.
Read: PEP EXCLUSIVE. Robert Arevalo's daughter Anna Ylagan expresses concern about dad's long taping hours

Ikinasal sina Robert at Barbara noong August 1961 pagkatapos lamang ng walong buwang relasyon.
Halos kasisimula pa lamang ang acting career noon ni Robert, na dating contract star ng Premiere Productions.
Ang kauna-unahang pelikulang ginawa ni Robert ay ang Huwag Mo Akong Limutin noong 1960.
Kabilang pa sa mga una niyang ginawang pelikula ay Noli Me Tangere (1961), The Moises Padilla Story (1961), El Filibusterismo (1962), Sa Atin Ang Daigdig (1963), at Cordillera (1964).
Noong 1965 ay nagtambal sina Robert at Barbara sa classic film na Ang Daigdig Ng Mga Api, na nagpanalo sa kanila ng Best Actor at Best Actress, respectively, sa FAMAS Awards noong 1966.
Kabilang pa sa memorable films ni Robert ay Dahil Sa Isang Bulaklak (1967), Sakada (1976), Mga Reynang Walang Trono (1976), Gomburza (1977), Hubad Na Bayani (1977), Bawal: For Men Only (1977), Mga Huwad Na Mananayaw (1979), Carnival Queen (1981), Shame (1983), Working Girls (1984), Hindi Mo Ako Kayang Tapakan (1984), Miguelito (1985), at Paradise Inn (1985).
Hanggang sa pagtanda ni Robert ay naging aktibo siya sa pag-arte. Kabilang sa huling proyekto niya ang defunct ABS-CBN primetime series na FPJ's Ang Probinsyano.
Lingid sa kaalaman ng marami, bukod sa pagiging aktor ay naging newscaster din si Robert. Naging bahagi siya ng original anchors ng TV Patrol noong 1987.
