PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ayen Munji-Laurel on Brunei Princess Myths

"Natatawa ako kasi ang concept nila is, like, probably like Cinderella..."
by Arniel C. Serato
Published Aug 11, 2023
Ayen Munji-Laurel clarifies misconceptions of her past life as a "Princess"
Ayen Munji-Laurel looks back to her past life as a princess in Brunei: "Ituturo ko lang kung ano yung gusto ko, kung ano yung bibilhin ko… ituturo ko lang, ‘I want this and this and that,’ exit na ako, and then yung assistant ko would go and pay.”
PHOTO/S: Courtesy: Instagram

Bibihira lamang magkuwento si Ayen Munji-Laurel sa kanyang buhay noong bilang totoong prinsesa sa Brunei.

Taong 1995, nagpakasal si Ayen sa bunsong kapatid ni Sultan Hassanal Bolkiah na si Prince Jefri Bolkia.

Tumagal ng halos pitong taon ang kanilang pagsasama. Noong 2002, nag-file ng divorce ang singer-actress.

Meron silang isang anak na lalaki, si Prince Hasan Bolkia.

View this post on Instagram

A post shared by Ayen Laurel (@ayenlaurel21)

LIFE AS A PRINCESS

Sa Updated With Nelson Canlas podcast, binalikan ni Ayen ang kanyang buhay noon sa Brunei.

Lahad ni Ayen, “Every time I think about it, para siyang panaginip na lang, alam mo yun?

"Nangyari pala talaga to sa buhay ko na you did not really plan it.

"It wasn’t like… gusto kong makapag-asawa ng ganito, gusto ko ganyan. Hindi yun yung wish ko. Hindi talaga.”

Natatawa na lang siya ngayon kapag pag-uusapan ang titulo niya bilang prinsesa ng Brunei.

Aniya, “Oo. Natatawa ako dun kasi, yun nga, like what I said, kasi ang tagal na.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero hindi maiwasang maungkat ang kanyang buhay noon sa Brunei.

Saad ni Ayen, “Like what I said, it’s like a dream right now, but you really cannot shake it off because you have a son with him. And then, also, part na talaga ng buhay ko.

“Yung buhay ko nun, kumbaga, they always ask kasi, ‘Is it like a fairy tale?’

“Fairy tale siguro sa mata ng iba. Kasi minsan naiisip… natatawa ako kasi ang concept nila is, like, probably like Cinderella…

“Yung sa akin kasi, iba naman yun. Kasi I was married [to a man] who was a Muslim, so ibang-ibang-iba yung culture. Magka-clash, yeah.

“Kumbaga, nung time na yun, I had to convert kasi hindi kami puwedeng magpakasal if I was a Christian.

“So, alam naman niya yung belief ko and he said, ‘You do it coz it's part of the protocol.’ Nung time na yun and, of course, we wanted to be married.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“We were married for, like, it is almost seven years? Six years? Parang ganun.”

LIFESTYLE OF A PRINCESS IN BRUNEI

May mga hindi pa rin daw naliliwanagan na hindi ang mismong Sultan ng Brunei ang pinakasalan niya, kundi ang bunsong kapatid nito.

Paliwanag ni Ayen, “The ultimate question there, people would like to ask me up to now, ‘How was it when you were like a princess?’

“Ito yung concept nito, kasi yung palasyong sinasabi nila, hindi yun palasyo. Kasi yung palasyo, yun yung sa kapatid niya, yung Sultan, yung Palace.

“Married ako dun sa kapatid nung Sultan, hindi yung Sultan, kasi nalilito sila dun, e. And then, yung youngest brother.

“Fairy tale na rin naman if you will call it, that you’re married to someone like the prince.”

Dagdag pa ni Ayen, laging inuusisa sa kanya ang tungkol sa istilo ng pamumuhay ng isang prinsesa.

Sabi niya, “And then, yung lifestyle, laging kinukuwestiyon, 'Kumusta yung buhay mo nun, yung material things that you get?’ Those are, like, the questions..

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Sabi ko, ‘Alam mo, those things hindi ka mapapasaya nun talaga kasi akala… Wow you have this, you have that,’ nung panahon na yun.

“Dumating ako sa time na hindi naman yun yung gusto ko, e.

"Kung binibigay sa yo, nagpapasalamat ka. Pero those are the things na hindi magpagpasaya sa yo.

“Maybe for a while, maybe for five minutes, ‘Oh, I’m so happy you have these things,’ you know, you bought this, you can afford to buy this, or what have you nung time na yun.

“Pero, hindi yun ang definition ng happiness. It is so temporary. You will always look for permanence.

“You would always look for someone who’s there for you na alam mong nandiyan sa yo, sa buhay mo.

“Yung mga material things na akala mo maku-cover up yung longing mo, yung wala ka, hindi, e.”

Na-realize diumano ni Ayen na hindi ito ang gusto niya na akala niya'y magpapasaya sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, “Pero I always had, okay, I always had fun when I am being asked questions, ‘Oh, how were you when you’re shopping?’ Ganyan-ganyan.

“Sabi ko, merong taong nakasunod sa akin pag nagsa-shopping ako.

“Kasi ngayon, pag nagsa-shopping ka, ayokong may kasama ako.

“Even yung asawa ko [Franco Laurel], alam niyang ayaw niyang sinasamahan ako.

“Pag nagsa-shopping ako, mag-isa ako.”

NOT HAPPY LIVING AS A PRINCESS?

Nagbalik-tanaw rin si Ayen sa panahong prinsesa pa siya lalo na tuwing nagsa-shopping at kumakain siya sa bahay.

Saad niya, “Nung panahon na yun, laging may nakabantay sa yo, wala kang privacy.

"Kasi lahat ng ginagawa ko, may nakabantay. Even pag kumakain ako, may nakatingin sa aking ganun na…

"Totoo yun na habang kumakain ako, may tao sa likod ko, ‘Puwede ba akong kumain na walang nakatayo sa likod ko?’

“And then, when they talk to you, they kneel down. They’ll talk to you while they're kneeling down.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Inalis ko yun sa household ko, actually.”

Sinabihan daw niya ang kanilang mga serbedora at kasambahay na kapag siya ang kaharap, huwag nila itong gawin.

Pero kapag andiyan daw si Prince Jefri, gawin nila ang tradisyon sa palasyo.

Paliwanag niya, “Mas gusto ko yung para tayong pamilya.”

Paano nga ba ang ang bonggang-bonggang shopping ng isang prinsesa?

Ayon kay Ayen, “Bonggang shopping? Yung shopping kasi nung time na yun, hindi ako yung nagbabayad. Yung assistant ko will go.

“Hindi ako naglalabas ng credit card o cash, sila na yung magbabayad. Kasi they want me out of the shop when it’s paying time. Very seldom yung ako yung nandun.

“So, ituturo ko lang kung ano yung gusto ko, kung ano yung bibilhin ko… Ituturo ko lang, ‘I want this and this and that,’ exit na ako. And then yung assistant ko would go and pay.”

May wallet naman daw siya pero hindi niya binibilang ang laman nito. Pero US dollars o UK pounds ang currency nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag pa niya, “Actually ang sarap mag-shopping nung mga panahon na yun abroad, naalala ko pa.”

Mga classic daw na branded ang binibili niya, hindi yung kung ano ang nauusong mamahaling gamit o damit.

“Marami akong pinamili noon na alam mong hindi maluluma,” sabi pa ni Ayen.

BREAKING PROTOCOL

Tototo bang hindi siya puwede lumabas ng palasyo?

Sagot ni Ayen, “Nung una, siyempre hindi pa ako kasal nun, parang pag hindi mo kailangan lumabas, you don’t.

“And then, kung meron akong kailangang gawin, ipapagawa mo. I think it's part of protecting me during that time because I wasn’t married yet.

“They’re preparing me for marriage during that time.

“And then, nung nagkaaanak na kami, I was married na, I go out naman, pero hindi there.

"Usually, I shop, I go somewhere else, not there kasi wala namang masyadong nabibili doon.

“So, I go out of the country if I shop. Pero totoo yun na hindi yung kung saan-saan ka nakikita. Hindi yung pupunta sa mall mag-isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“And if ever noong time na yun lalabas ka, there was a time na patago.”

Dito na ikinuwento ni Ayen na itinakas siya ng kanyang assistant.

Tinalukbungan daw siya ng maraming tela at patakbong pumasok sa trunk ng kotse ng assistant niya.

Noong panahong iyon, ang gusto lang niyang gawin ay kumain ng hot pot. Hindi raw kasi siya pinapayagang lumabas.

Aniya, “If you want to eat daw, bring it to the house or something na, ‘Have it made sa bahay.’ Kung saan ako nakatira during that time.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ayen Munji-Laurel looks back to her past life as a princess in Brunei: "Ituturo ko lang kung ano yung gusto ko, kung ano yung bibilhin ko… ituturo ko lang, ‘I want this and this and that,’ exit na ako, and then yung assistant ko would go and pay.”
PHOTO/S: Courtesy: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results