Wala pang isang taon ang nakalilipas mula nang pumanaw ang ina ni Erik Santos, sumakabilang-buhay na rin ang ama ng singer na si Renato Santos nitong August 10, 2023.
Ang ama ni Erik ay 72 years old.
Ayon sa taong malapit sa Kapamilya star, lung cancer ang cause of death.
Nakalagak ang mga labi ng ama ni Erik sa Funeraria Nacional sa Quezon City. Sa August 15, Tuesday, ang libing.
Read: Nanay ni Erik Santos, pumanaw na: "She is finally home with Jesus. I love you so much, Nanay."
Inanunsiyo ni Erik ang pagkamatay ng ama sa pamamagitan ng isang Instagram post kahapon, August 11.
Tanging caption ni Erik: “Mahal na mahal kita, Tay.
“I have fought the good fight, I have finished the race, I have kept the faith. Now there is in store for me the crown of righteousness, which the Lord, the righteous Judge, will award to me on that day—and not only to me, but also to all who have longed for his appearing. - 2 Timothy 4:7-8"
Bumuhos naman ang pakikiramay mula sa mga kapwa artista at singers ni Erik, tulad nina Sharon Cuneta, Angeline Quinto, Jed Madela, Ice Seguerra, Christian Bautista, Ogie Alcasid, Martin Nievera.
Read: VIRAL: UP summa cum laude delivers reality check not inspiration in valedictory address



Samantala, pumanaw ang ina ni Erik na si Angelita Santos noong November 25, 2022, sa edad na 66.
Sa 40th birthday celebration ni Erik sa ASAP Natin ‘To noong October 9, 2022, humingi noon ng dasal ang singer para sa kanyang ina na ilang buwan na raw noong nakikipaglaban sa sakit.
Hindi rin nagdetalye noon si Erik sa karamdaman ng ina, pero since February 2022 ay labas pasok na ito sa ospital.
