Mukhang mas kumportable na si KC Concepcion na isapubliko ang relasyon niya sa Fil-Swiss boyfriend na si Michael Wuethrich, isang bank manager sa Zurich, Switzerland.
Read: Steve Michael Wuethrich: This guy's in love with KC Concepcion
Kung dati ay hindi ipinapakita ni KC ang mukha ng boyfriend sa kanyang IG account, ibinida na niya ngayon si Mike.
Ang cover photo ng isang recent IG post ni KC ay silang dalawa ni Mike na magkasama, tulad ng tipikal na magkasintahan.
Nakasuot ng strapped yellow dress si KC na may purple shoal, habang katabi si Mike na naka-shades at gray t-shirt.
Kitang-kita rin ang pagkakaakbay ni Mike kay KC.
Sa caption, binanggit ni KC na bumisita siya sa France para makita ang kanyang mga kaibigan.
Caption niya sa video, “In case you were wondering This time last week, I took a European train to make time for dear friends in France- and to get my hands on fresh figue & homemade pavlova, of course! Here’s how I spent the weekend.”
Sinundan ito ni KC ng isa pang IG post ng kanyang European trip, pero hindi na kasama sa videos si Mike.
Pero sa kanyang IG Story ay ginamit niya rin ang photo na nakaakbay sa kanya si Mike.
Caption ni KC sa picture nila ng boyfriend: “Weekend in France.”

Ang pagpapakita ni KC ng larawan nila ni Mike ay indikasyong unti-unti nang ipinapaalam ni KC ang relasyon nila, a.k.a. Instagram official.
Noong January 2023 ay namataan si KC sa Ayala Alabang market na kasama si Mike. May netizens na nakunan silang magkasama at kumalat sa social media.
Read: KC Concepcion’s boyfriend Mike Wüthrich goes public with their relationship
Nahagip din ng camera si Mike sa bahay ni Sharon Cuneta nang ganapin ang birthday celebration ng Megastar.
Gayunpaman, sa maraming pagkakataon, namamataan sina KC at Mike na magkasama mula sa posts ng iba. Wala rin silang official admission ukol sa kanilang relasyon.
Noong Marso 2023, may maikling video na ipinost si KC na inabutan siya ng isang lalaki ng heart-shaped white chocolate.
Makahulugan na caption ni KC, “Nope, you're not stealing my heart!!"
Sagot sa caption ng Instagram user @wanderingwatches, "You stole mine though... @kristinaconcepcion."
Ang handle na @wanderingwatches ay ang IG account ni Mike.
Hindi ipinakita sa video ang kanilang mga mukha sa naturang post na iyon.
Kaya naman ang latest IG post ni KC ay malinaw na pahayag pagsasapubliko ng relasyon nila ni Mike.
