“Anong nangyari?”
Isa lamang ito sa mga reaksiyon ng K-pop fans sa social media kaugnay ng “last minute” na pagpapalit kay Kristel Fulgar bilang host ng fan meet ni Seo In Guk.
Ngayong araw naganap ang kauna-unahang Philippine fan meet ng Korean singer-actor na idinaos sa New Frontier Theatre sa Cubao, Quezon City.
Bago maganap ang fan meet ng K-pop star, una nang inanunsiyo na si Kristel ang magiging host nito.
Marami K-pop fans ang sumang-ayon dito dahil huge fan si Kristel ni Seo In Guk.
Bukod pa rito, K-pop fan din si Kristel at nakakapagsalita ng Korean.
Pero isang oras bago magsimula ang fan meet, nag-post si Kristel sa Instagram ng announcement na ikinagulat ng marami—hindi na siya ang magiging host ng event.
Paliwanag ni Kristel, na kilalang ABS-CBN artist at isa na ring content creator, dahil daw ito sa mga hindi inaasahang pangyayari.
Lahad niya sa Instagram, “Due to unforeseen circumstances, I will no longer be hosting Seo In Guk’s fan meet in Manila tonight.
“While I am saddened by this turn of events, I understand that decisions are made beyond our control.”
Pero iginiit niya na patuloy niyang susuportahan ang Korean actor-singer.
Samantala, ang Pinoy Big Brother Kumunity housemate na si Karen Bordador ang ipinalit na host.
Sa kabila ng nangyari, dumalo pa rin si Kristel sa fan meet kasama ng audience.
Napaulat din sa Inquirer na nagkaroon pa rin ng pagkakataon si Kristel na makaharap si Seo In Guk at makapagpa-picture kasama niya.
Read:
- PHP14,000 ipon ng isang estudyante, inubos ng anay; alamin ang BSP guide sa mutilated banknotes
- Criminology student napa-graduate ang sarili dahil sa pagiging make-up artist
NETIZENS ASK FOR EXPLANATION
Pero ayaw palampasin ng netizens ang nangyari kay Kristel.
Marami ang nalungkot para kay Kristel dahil sa last-minute decision.
Marami ring K-pop fans ang nadismaya at humihingi ng paliwanag mula sa producers ng fan meet kung ano ang nangyari.
Narito ang ilang sumuporta at nakisimpatya kay Kristel:



Ang iba, naghinala na “clout” umano ang hinabol ng producers dahil si Kristel ay isang artista at miyembro ng K-pop community.
May iba rin na nagsabing hindi deserve ni Kristel ang ginawa sa kanya.


Samantala, wala nang iba pang paliwanag na ipinost si Kristel, na nag-post pa ng ilang videos niya kay Seo In Guk sa naturang fan meet.
