PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

CDO Candidate Killing: Police View as Passion Crime

Netizens think there is a love triangle.
by Bernie V. Franco
Published Aug 15, 2023
Adriane Fornillas
Crime of passion? More than three months after 24-year-old Adriane Fornillas was murdered at gunpoint, the police are still investigating the motive for killing. Netizens have theories.
PHOTO/S: Facebook (Jodie 'n Russel via Mister CDO)

Crime of passion ang isa sa tinitingnang motibo ukol sa pagkamatay ng isang binatang kandidato ng Mister Cagayan de Oro (CDO) 2023 higit tatlong buwan na ang nakalilipas.

Binaril sa ulo si Adriane Rovic Fornillos, 24, ng isang gunman noong Mayo 9, 2023.

Naisugod pa sa ospital si Adriane, subalit binawian din ito ng buhay noong May 10.

Inihayag noon ng Cagayan de Oro Police Office (COCPO) na tumugma ang paglalarawan ng mga testigo sa tatlong persons of interest, ulat ng GMA Regional TV One Mindanao.

Ayon sa initial statement ng awtoridad, posibleng related sa pageant ang krimen dahil naghahanda noon si Adriane sa nalalapit na Mister Cagayan de Oro 2023.

Subalit hindi kumbinsido ang pamilya ng biktima. Wala raw silang alam na kaaway ito.

Pero nito lamang Hunyo, nagkaroon ng development ukol sa kaso ni Adriane.

Sa ulat ng GMA Regional TV One Mindanao, binanggit ng kapulisan ang anggulong crime of passion or obsession sa pagpaslang kay Adriane.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hayag ni COCPO Spokesperson Lt. Col. Evan Viñas, “As per statement ng station commander at investigation, this is a crime of passion o obsession.

“Nagawa ng suspect ang krimen dahil obsessed siya, at ayaw niya mapunta sa ibang tao ang babae.”

Hindi pinangalanan ng pulis kung sino ang tinutukoy na suspect.

Read:

"crime of passion or obsession"

Nitong mga nakaraang araw, mainit na pinag-usapan ng netizens sa social media ang sinapit ni Adriane.

Nagsulputan ang mga alegasyon, mga anggulo, mga sinasabing “ebidensiya,” at mga “sources.”

In short, nagkaroon ng theories ang netizens, at nabanggit ang pangalan ng isang lalaking nagngangalang Dimver Anvales, isang pastor sa isang Baptist Church sa Lapasan, CDO.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Lumutang din ang pangalan ni Jone Leanel Orog, ang girlfriend ng biktima.

Masalimuot ang pagkakatagni-tagni ng istorya na umikot sa social media.

Halimbawa, diumano, may relasyon si Anvales sa girlfriend ng biktima.

Diumano, may kinalaman ang pastor sa pagkakapaslang ni Adriane.

Nai-konek ito sa sinabi ng pulisya na may suspect na obsessed sa babae at ayaw niya itong mapunta sa iba.

Isa sa lumutang na posts, nagalit daw ang pastor nang makita sa social media sina Adriane at ang girlfriend na may suot na promise rings.

Read: PHP14,000 ipon ng isang estudyante, inubos ng anay; alamin ang BSP guide sa mutilated banknotes

THE PASTOR SPEAKS UP

Nitong Sabado, August 12, na-interview ng iFM CDO si Anvales tungkol sa pagkakadawit sa pagpaslang kay Adriane.

Itinanggi ng pastor ang akusasyon.

“Ang mga allegations against me hindi totoo,” aniya.

“Sa tanong kung kilala ko si Adriane, ang pagkakakilala ko kay Adriane ay yung taga-Lapasan siya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinagot din niya kung kilala niya ang girlfriend ng binata, na sinasabing karelasyon umano ni Anvales.

“About sa girl, yes, kilala ko rin siya because may friend siya before na friend ko rin, and because of that, I know her.”

Ipinaliwanag din ng pastor ang pagbisita niya sa burol ni Adriane. Kumalat sa social media ang larawan ni Anvales na nasa burol kasama ang mga magulang ng binata, gayundin ang girlfriend nito.

Rason ng pastor, gusto raw niyang malaman kung ano ang maitutulong niya sa pamilya ng biktima.

Sabi niya, “Nung na-meet ko ang family ni Adriane, nakita ko na may needs sila. At dahil dun, kumilos ako kung paano makatulong, paano makapag-assist.”

Dimver Anvales

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa pagkakadawit naman niya sa pagpaslang sa binata, sabi ni Anvales: “Wala akong natanggap na nagpapa-summon. Kahit sa mga kapulisan, hindi ako naimbitahan para imbestigahan since pagkawala ni Adriane.”

Nakaabot na raw sa kanya ang tungkol sa mga sinasabing isa raw siya sa mga suspects.

“Ito yung mga issues na walang basehan, at hindi ko din alam saan nanggagaling,” aniya.

Kumunsulta na raw siya sa kanyang abogado, na pinayuhan siyang hintayin kung may reklamong darating sa kanya.

“Hindi nga din ako pinapa-approach ng pulis kasi wala namang official na reklamo,” aniya pa.

“Four months na ang lumipas, so matagal na. Kaya nagulat ako kung bakit ngayon, sa social media andami,” ani Anvales.

Karamihan daw ay mga dummy accounts.

May sumisira lamang daw sa kanyang pangalan.

Sabi niya bilang pangwakas, “Sasabihin ko lang sa lahat, evaluate properly. Kilala niyo naman ako. Alam niyo kung sino ako. Kasi ang lahat ng ito, chismis lang ito, paninira sa pangalan ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kung totoo raw ang binibintang sa kanya, dapat daw ay inireklamo na siya.

Nagbabala rin ang pastor na kakasuhan niya ang mga nagpapakalat ng chismis laban sa kanya.

Samantala, sinabi ng mga awtoridad na nasa piskalya na ang kaso para sa kasong murder, update ng GMA Regional TV One Mindanao.

Sa kabila nito, hindi pa rin humuhupa ang interes ng netizens, na patuloy na nakatutok at nakasubaybay sa kontrobersiya.

May iba ring nakikiusap na itigil ang “pagsawsaw” sa isyu dahil sa pagkakalat ng impormasyong wala raw basehan.

Nawa’y sa huli, manaig ang katotohanan at mabigyan ng hustisya ang pagpaslang kay Adriane.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Crime of passion? More than three months after 24-year-old Adriane Fornillas was murdered at gunpoint, the police are still investigating the motive for killing. Netizens have theories.
PHOTO/S: Facebook (Jodie 'n Russel via Mister CDO)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results